Chapter 13
Vine's POV
"El students, please welcome our dear visitor, Mr. Levi Colays" pakilala sa kaniya ng emcee.
Sinundan naman ito ng palakpakan at hiyawan. Nandirito kami ngayon sa Lier's Hall, para ipaliwanag sa amin kung ano ano ang mga gagawin pagpunta roon at kung ano ano ang mga bawal puntahan, pag-usapan at gawin.
Mahaba habang paliwanag pa ang nangyari, bago kami pinasakay sa bus na maghahatid sa amin doon.
Malayong ang Wiccan School kaya madami din ang nakatulog. May mga naririnig pa akong mga humihilik sa dulo at may ilang nag uusap sa harapan. Nakaplay ang music sa bus na lalong bumagay sa byahe, dahil sa nakakarelax nitong hatid.
Nakikilala ko na ang tinatahak naming dinadaanan, malapit lapit na rin kami. Umihip ang hangin sa labas at kita ito sa paggalaw ng mga puno. Nakita ko na si mang Runto sa labas ng bahay niya na nagdidilig ng mga halaman.
Lumingon siya sa kalsada at nakita niya ang sinasakyan naming bus. Kita sa ngiti niya ang kasiyahan, dahil may muling bibisita sa eskuwelahan na hinawakan niya noon.
Isa isa nang nag-si-baba ang mga laman ng bus, kaniya-kaniya din kaming bitbit ng mga gamit.
Nakita ko na sa harapan si Levi, at kausap na niya ang bagong namumuno sa school na ito, nandoon rin sa harapan ang dean ng Lier at representative ng Lyer.
May mga kwarto na para sa mga bisita ang school na ito. Mas malaki pa rin ang Lier kesa rito, pero dito mas masasabi kong mas maganda ang hanging malalasap mo at dito magkakaclose ang lahat dahil kunti lang naman ang mga istudyanteng nag aaral dito.
Nakangiting sumalubong sa amin ang mga istudyante ng wiccan. Pare-parehas silang nakasuot ng mahahabang amerikana, pero sa kulay ng amerikana ay iba iba, may mga kulay itim, abo, kakulay ng mga dahon, kayumanggi, may pula at iba pa, pero lahat iyon ay hindi nag kakalayo dahil madilim pa rin ang kulay ng mga iyon. Binagayan nila ito ng pair of boots.
Hindi ko man nakikita sila Madetth ay sumigaw na agad ito at tinakbo ako papalapit.
"Lacts?" nakangiting sabi niya at handa ng yumakap.
"Ikaw nga!" biglang mahigpit na yakap niya at binuhat ako paikot, siyempre kinabigla ko ito dahil alam ko namang siya ang mas magaan sa amin.
"Oi" sita ko sa kaniya para ibaba na niya ako.
"Sorry, sorry" sabi niya at pinag-pag ang dumikit na alikabok sa akin, at inayos ang nalukot na parte sa suot ko.
"Thanks" tipid kong sabi.
"I miss you, Lacts" sabi ni Viviete na bigla nalang rin sumulpot kung saan.
"I miss you too" tugon ko naman rito.
"Saan na pala si Maribelle?" tanong ni Viviete na kinakabog ng dibdib ko.
"Hindi ko rin alam eh, nag paalam siya kaninang aalis lang sandali" sabi naman ni Madetth.
"I'm here" biglang salita ng boses mula sa likuran ko, napataas ang balahibo ko at nahigop ko ang hininga ko.
"Maribelle, nakakagulat ha!" sabi sa kaniya ni Viviete na napahawak pa sa dibdib. Tumawa naman si Maribelle.
Hindi pa rin ako lumilingon rito, dahil pakiramdam ko ay sobrang lapit niya sa akin, dahil ang boses niya ay parang bumubulong lang sa tenga ko, kahit na ang pagtawa niya.
"Maribelle, si Lactsvine, remember her?" tanong ni Madetth at hinawakan ang dalawang balikat ko para iharap kay Maribelle.
Hindi siya ganuon kalapit sa akin ng igalaw ako ni Madetth, baka sa sobrang kaba ko lang iyon.
"Lactsvine? yes, i'm sure i still remember her. You? still remember me?" ngiting ngiting sabi ni Maribelle na nakatingin sa akin.
I feel strange right now, pero baka dala lang ito ng konsensya at kaba ko kaya ako nag kakaganto.
"Y-yes" tipid na sagot ko.
"Really?" nakangiti paring sabi ni Maribelle.
"Yes, Ma-maribelle" sabi ko.
"Bakit parang kinakabahan ka? diba dapat masaya ka ngayon?" nakangiting tanong niya.
"Hey, ipaayos niyo muna si Lacts ng tent niya, bago niyo daldalin" biglang singit na sabi ni Levi sa kanila.
Kaya lumayo na sila sa akin maliban kay Maribelle at Levi na tinutulungan ako sa pag ayos ng tent.
Nagkabungguan kami ni Maribelle, at parang may kuryenteng dumaloy sa akin para bigla nalang ako mapaatras palayo sa kaniya. Mukhang hindi niya naman ito na ramdaman kaya wala siyang reaksyon.
Patapos na rin naman ang tent ko kaya nagpaalam muna akong may babalikan lang sa loob ng bus.
Pagkarating ko sa loob ng bus ay agad kong nakita ang kailangan ko. Bumaba din naman agad ako.
Pagkalabas ko ay nakasandal si Maribelle sa bus kung saan ako lumabas.
Nang makita niya ako ay lumapit siya sa akin at ngumiti. May nalaglag na gamit mula sa kamay niya, kung kaya't tumungo agad ako para kuhain ito.
Hahawakan ko palang ito ng marealize ko kung ano itong nahulog. Tali ng aso, at may pendant pa ito. Kilala ko ang taling iyon at kung kanino sinusuot iyon.
Pinulot ko na ito at inabot kay Maribelle ang tali.
"No, sayo na yan" sabi ni Maribelle na nakangiti pa rin at bukal sa loob niyang ibigay ito.
"For me? wala naman akong pag gagamitan nito, wala akong aso" sabi ko rito.
Na kinasama ng mukha niya, pero agad niya rin binalik ang ngiti na halos pumikit na.
"Sayo na yan" sabi niya at hinawakan ang braso ko at hinila na niya ako at tumakbo para makarating na kami sa hall nila.
"Ang tagal niyo, nagsisimula na sila" sabi sa amin ni Levi.
"Sorry" sabi ko naman at naupo na kami sa bakanteng upuan.
May story telling na ganap, bago kami pumunta sa dining area nila. Nakahanda na ang lahat ng pagkain para sa lahat, may mga laman na rin ang mga plato namin at may tubig na ring nakahanda, kumbaga kami nalang talagang mga kakain ang hinihintay.
Naupo sa harapan sila, Mr. Cludy, pinuno ng Wiccan, Mr. Sponward, na dean ng Lier at si Ms. Sunny, na representative ng Lyer.
Nasalikuran naman nila ang assistant ni Mr. Cludy at ibang mga taga-pag silbi.
May kaniya kaniya rin kaming upuan kung saan magkakasama ang mga student ng wiccan, at kaming mga student ng Lier, at student ng Lyer.
Napuno ng tawanan at ingay ang hall dahil sa pag uusap ng mga pinuno maging kaming mga bisita. Ang mga student ng Wiccan ay hindi ganuon kaingay dahil nagsisimula na silang mag basa ng mga libro nila, kung saan isa isa nang nililigpit ng mga tagapag silbi ang pagkainan nila.
Hindi doon na tapos ang gabi ng maisipan ng mga pinuno na magpalaro, sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong nila.
Karamihan sa mga tanong nila ay mga student lang ng Wiccan ang nakakaalam dahil, laging ang pinuno nila ang pumipili sa sasagot at nagtatanong.
Habang parang wala namang pakielam ang ibang student na bisita nila.
Nagsipag-pahinga na rin kami maya maya, dahil maaga daw ang gising namin bukas.
|~|•|~|
The L&L Academy
YOU ARE READING
The Lier & Lyer Academy
VampirosWorld Of Vine Book 1: The Lier & Lyer Academy | COMPLETED The academy that divided into two, the LIER and the LYER ACADEMY, they have different deans but the head dean never been seen. Start: 12.13.20 End: 05.02.22