" nag drive lang ako habang masayang kumakanta si jade. Tulad ng dati at hindi na namin alam kung san na kami kung hindi lang nag reklamo si jade dahil gutom na daw siya at kahit ako hindi na nagulat dahil 3pm na lagpas na sa lunch na plano sana namin kaso eto na nga ang nangyari..
" naka kita kami ng karinderya. Ok lang sakin lalo na kay jade dahil sabi ko nga. Sanay kami lalo na ng college kami na mismong tapat ng gate ng university nun may karenderia. At dun kami kumakain pag sawa na kami sa canteen.
" isa pong order ng bopis at isang order ng chicken wings at dalawang kanin.. order ni jade sabay siko sakin kaya ako naman ang nag order, isang order ng Nilagang baboy at sisig po. At isang kanin lang, order ko naman at nagulat pa ko nang nasa mesa na si jade at busy na uli sa cp nito. Ako nag bayad at nag dala ng order namin..
" espren may wet tissue ka na dala.. bulong ko kay elliot at ang espren ko napatingin pa kaya pinakita ko ang kamay ko.. kaya alam kong alam na nito kung bakit... nag tanong ito sa isang babae na nag liligpit ng pinggan sa kabilang mesa. Kaya tumayo nako para mag punta sa Cr. Na nginuso pa ng babaeng pinag tanungan ni elliot.
" nag sabon at nag hugas ako ng kamay pero nagulat ako nang may kumuha ng sabon sa kamay ko at ito na ang nag sabon ng kamay ko.. nakatingin lang ako kay elliot, 1Panoh ko makakalimutan ang best friend ko. Kung pati sa pag huhugas ng kamay kasama ko pa siya. At hindi nalang ako umimik at bumalik na kami sa mesa..
" tahimik lang kaming kumakain.. nang mapansin kong hindi naubos ni elliot ang ulam niya at konti nalang ang kanin nito dahil saming dalawa ako ang malakas sa kanin pati na din sa ulam..
" espren bawal mag tira dito.. bulong ko pa sabay nguso ko sa ibang mesa na malinis at walang kahit na anong tira maliban sa tinik at buto.
" nagulat ako ng kinuha ni jade ang kutchara ko at inubos ang sisig at nginuso naman nito ang isa ko pang ulam ang nilagang baboy kaya yun nalang ang pinapak ko habang inuubos ni jade ang chicken wings na isang piraso nalang.
" naalala ko pa ng malaman ni jade na si timothy ang may ari ng Timkitchen na kaibigan ko. Kaya kinausap ko ito dahil gusto ni jade na kasama sa menu ang chicken wings at may ibat ibang flavor na ginawa naman ni Timothy at isinama ni jade ito sa vlog niya. Kaya mas dinayo din ang resto ni timothy at yhuna..
" nag drive uli ako at huminto sa isang gas station dahil kailangan daw ni jade mag C.r at napaisip ako meron pala siya kaya hindi nako nag taka ng pumasok ito sa isang grocery na meron sa gas station.
" kuya full tank.. sabi ko sa isang crew ng gasolinahan. Habang hinihintay kong lumabas ng C.r si jade, "Nang ma full tank na ang kotse nag park ako malapit sa cr kung san nandun pa si jade nang tumunog ang cp ko na nasa dashboard ng kotse ko at si Tayla ang caller.
Calling Babe!!!
Ring!!! Ring!!! Ring!!!!
" nakakailang ring na pero hindi ko alam bakit ayaw kong sagutin.. pero tumigil din ang pag ring.. at napahawak pa ko sa batok ko.. pero kala ko tapos na at tumawag uli si Tayla,, kaya sinagot kona ito at lumabas ng kotse at sumandal sa may pinto..
" hellow? Sagot ko sa tawag nito habang nasa kalsada ang mga mata ko..
" so talaga si Alexis ang pinili mo? Dahil hindi mo ako pinuntahan ngayon... bungad na sabi sakin ni Tayla at umiyak na ito ng tuluyan..
" humiling si jade na 1 week kaya pinag bigyan ko. After this pupuntahan kita jan at mag uusap tayo.. balik na sabi ko kay Tayla na humihikbi pa rin..
" mahal na mahal kita babe... iyak uli ni Tayla sakin na kinapikit ko bigla hindi ko intension na papiliin ka samin ng best friend mo. Pero sobrang mahal kita... hirit pa nito sakin. at napahawak ako sa nuo ko.. at pag mulat ko mukha ni jade ang nasa harap ko papalapit sakin na nakangiti habang nakataas ang kamay nito na may hawak na supot na binili niya..
" i love you... bigla kong nasabi na kinahinto ni jade at napatingin sa hawak kong cp na nasa tenga ko.. bigla akong natauhan at kita ko pa ang pag iwas ni jade sakin at pumasok sa passenger seat. Nailayo ko pa ang cp sa tenga ko at binalik ko uli yun at boses na ni tayla na masaya ang naririnig ko sa kabilang linya..
" i know babe kaya hihintayin kita.. see you next week babe i love you too.. balik na sabi nito at ini off kona ang cp ko kahit nag sasalita pa ito...
" huminga pa ko ng malalim at nakita kong pumasok na din si elliot sa kotse na naka smile.. mukhang ok na sila ni Tayla buti naman .. sabi ng isip ko. Pero bakit ang sakit?
" are you ok! Tanong ko kay elliot at humarap sakin ito bago nag salita.
" im fine just enjoy the long trip,, sabi nalang nito at pinilit kong ngumiti kaso mukhang pilit lang yun at nauwi sa ngiwi,, kaya umiwas nako at tumingin sa hawak kong plastic at inabot ko ang miniral water na tinanggap din naman ni elliot...
" parang ngayon palang hindi kona kaya... mukhang hindi nako aabot sa 1week na sabi ko. Ngayon palang parang gusto ko nang umiwas.. dahil mas masakit na makita ang best friend ko na namimiss na ang girlfriend at nag titiis na kasama ako..
" san tayo pupunta.. tanong ko dito at walang imik si elliot at busy lang na mag maneho habang hawak uli ang cp na binulsa agad.
" uwi na tayo? Pabulong kong sabi at nagulat pa ko ng huminto ito bigla at napalingon sakin na nag tataka din..
" gusto mo nang umuwi? Balik na tanong ko kay jade na parang nawala na sa mood! Bigla,
" yes at alam kong busy kang tao best friend kaya ok lang pahinga na tayo mag gagabi na din eh.. balik na sabi ko kay elliot na sakin nakatingin pero sa labas ako ng bintana nakatingin..
" panoh yung sa request mong collaboration. Hirit ko pa kay jade, kilala ko ito alam kong nawalan na ito ng gana at ang susunod nagagawin nito ang umiwas na sure ako dun .. lalo na hindi ito makatingin sakin at todo iwas na.. hinayaan ko lang siyang mag salita nang mabanggit nito si Tayla sabi ko na nga ba.
" ok lang may bukas naman or next time diba.. hirit ko pa kay elliot.. dalawin mo ang girl friend mo? I asked to elliot na nakatingin lang sakin. Pero hindi ko kayang tumingin sa kanya lalo na sa mga mata ng best friend ko. Dati naman kaya ko kahit maduling pa ko sa pag titig pero ngayon hindi kona kaya..
" uwi na tayo!! Pag uulit ko pa. At nag drive nalang si elliot at ako naman napasandal sa upuan at pinilit kong pumikit kahit hindi naman ako inaantok.. gusto ko lang umiwas,,bigla nanamang pumasok sa utak ko ang huling sinabi ni elliot kay Tayla..
" alam ko naman kung gano kamahal ni elliot ang girl friend nito dahil isa ako sa naka witness nun..
" mukha nga kailangan ko na din mag focus sa ibang bagay hindi lang puro trabaho at pag vivideo ang inaatupag ko.. sabi ko nalang sa sarili ko.
" i love you!!! Rinig kong uling sabi ni elliot.. gago din kala niya siguro tulog ako kaya tinawagan uli ang girl friend.
" at nagulat ako nang may dumamping labi sa nuo ko. Na kinamulat ng mga mata ko at nasa harap ko ngayon ang mukha ni elliot na naka ngiti..
" i love you best friend.... pag uulit pa nito.. at napahawak pa ko sa dibdib ko sa gulat...
All Right Reserved2020
🦋©️ Miss R.A
🕷Black Butterfly🌷●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
Elliot na hahawa kana kay Alexis panay halik at i love you...
BINABASA MO ANG
#11(ELLIOT SUDALGA )✅
Romantizmnag promise sila na susuportahan ang bawat isa, hindi mag iiwanan, ituturin ang isat isang bilang sister and brother, na ngako na. hindi mahuhulog o maiinlove dahil hindi pwede dahil mag bestfriend sila at dun sila mag tatagal. pero? panoh kung. may...