32

2.3K 111 6
                                    

Elliot pov!!!

" hawak ko ang kamay ni jade at tulog pa din ito.. naikwento na din sakin ni shelby lalo na si Ana ang lahat... hindi kinaya ni jade ang mag isip dahil sa pag iwan ko dito.. nang una nacocontrol pa ni jade ang sarili.. pero kahit ang parents ni jade hindi na din kinaya ang kalagayan nang anak kaya pinacheck up nila ito at lumabas dun. Depression na muntik ikamatay ni jade

" dati ang rason ni jade sa magulang nito stress lang dahil sa maraming trabaho pero mas lumala yun nang malaman nito na kasama ko si Tayla na ang totoo naman dumalaw lang ito at nag kita kami para sabihing ikakasal na ito.. nang makarecover ako mula sa operation. Hindi pa kami umuwi ng pinas kahit gustuhin ko dahil nga may follow up pa at inaayos pa ni brix ang  ibang papers ko para ilipat ang record ko sa ospital nila..



" pinaliwanag ko din na kahit gustuhin ko mang umuwi  tutol ang mga doctor's ko dun dahil nga hindi pa din daw ako full recovery.. lalo na nang malaman kong gusto ni jade ipawalang visa ang kasal namin at hindi ako papayag...  nang ma operahan ako at nang magising aaminin ko hindi ko nakilala si mommy at si  daddy pero si jade ang una kong hinahanap yun ang sabi ng isa sa mga doctor ko si jade daw ang hinahanap ko si alexis jade na asawa ko...


"   at ngayon si jade naman ang may kailangan ng pag aalaga. Alam kong kasalanan ko ito in the first place pero ngayon babawi ako. Ayaw ko lang makita ako ni jade na naghihirap habang sinusumpong ako ng pag sakit ng ulo.. dahil mas double ang nararamdaman kong sakit sa twing makikita ko itong nag aalala at iiyak nalang nang dahil sakin..  ayaw ko kaya kahit ayaw kong siyang iwan nilakasan ko ang loob ko dahil alam ko sa sarili ko na si jade parin naman ang hahanapin ko sa huli si jade na pinangakuan ko ng lahat..


"  sorry Best bulong ko pa dito habang yakap ko.. hindi na kita iiwan promise.. aalagaan kita at itutuloy natin ang kasal... bulong ko pa kay jade na tulog pa din.. sinabihan kona din ang parents ni jade at ako na muna ang bahala dahil nasa germany pa ito at nasa ospital din dahil hindi na din kinaya ng mommy ni jade ang balita sa anak nito kaya nasugod din sa ospital at papunta na din si mommy at daddy sa germany para makibalita sa totoong nangyari sa mommy ni jade...


" dumalaw sila siannise at cherryl pati na din si yves at heillie nalaman ko na iba palang alexis ang tinutukoy nito ang akala ko si alexis na asawa ko iba pala.. plano kong bumalik sa company pero si jade pa din ang CEO at isa lang akong empleyado ng boss im mean... asawa ng CEO...


" sinabihan kona din si Aleister  na dun na kami titira ni jade sa pinagawa kong bahay sa HV kasama nila. Sana lang pumayag si jade dipende sa gusto nito dahil pinangako ko na pag kagising nito siya na ang masusunod at susunod lang din ako...


" naalimpungatan ako nang bigla nalang nag sisisigaw si jade.. kaya napatakbo ako at niyakap ko ito. Habang umiiyak at sumisigaw...


" ayoko ng liwanag!!!!! Help,,, me,,,,...  malakas na sigaw nito kaya tinakpan ko ang mga mata nito habang yakap ko... ayoko na.... hikbi ni jade kaya niyakap ko ito ng mahigpit. Dumugo na din ang kamay ni jade dahil nahila ang dextrose nito. Ganun kami naabutan ni brix at shelby. At tinurukan si jade ng pampakalma at nakatulog na uli ito..


" bro relax lang baka ikaw naman ang maconfine dito. Pag babanta ni brix sakin. Alam din ni brix na baka mapwersa ang utak ko at baka balik ospital nanaman ako at ayaw kong mangyari yun lalo na sa kalagayan ni jade.. gustuhin ko man na wag magisip pero sa twing nakikita ko si jade naiinis ako sa sarili ko.. dahil kasalanan ko bakit nag karoon ng depression si jade,

"  anong gagawin ko? Tanong ko sa mga kaibigan ko habang nakatingin kay jade na tulog na uli.. ok na din ang dextrose nito. Nandito kami sa room ni jade kung san naconfine ito ngayon..


" pinagamot na ni tita at tito yan.. sa totoo lang palitan nga si Ana at Sarah sa pag aalaga at pag dalaw kay alexis dati sa ospital.. pina psychiatrist nun si bunso at nag stay siya ng higit 5 months sa ospital kala namin ok na dahil balik normal na siya uli pero nang makita ka niya sinumpong nanaman... paliwanag ni doc shelby, nang mag suggest si brix.



" mas ok yata na wag ka na munang magpakita elliot dahil malaking ang epekto mo kay alexis.




" bigla akong nalungkot mukhang kailangan konang bitawan ang asawa ko.. yun ang pumasok sa isip ko pero ayaw ng puso ko. Dahil feeling kong mas gusto ko pang sumuko nalang at isuko si jade at ayaw kong mangyari yun.. tahimik lang ako nang mag salita si doc carlson na kakapasok lang..



" pwede mo naman siyang alagaan pero? Make sure na mag tatagal ka sa tabi niya.. dahil my case na si alexis nang pananakit.. may mga nurse at doctor akong inasign nun na bantayan si alexis pero binabato at inaayaw ni alexis ang lalapit sa kanya..pati pag inom ng gamot ayaw niya.  Hanggang sa nakaisip ang mga ate nito na sila Ana..



" nag pa schedule sila nun kung kailan at kung anong oras sila pupunta sa ospital nun.. dahil  kahit ang parents ni alexis nun hindi kayang makita ang nag iisa nilang anak na nag hihirap at hindi ka din nila masisi dahil sa kalagayan mo nun elliot.. doc carlson said,



" si Ana ang nag aalaga at nag papainom ng gamot twing Monday morning pero sa hapon dadating si Amara para dalhan ng dress si alexis nun.. papaliguan at aayusan, at si Sarah naman sa tuesday then si zaimah at daniella naman twing Wednesday at sa thursday naman si shelby at monique at twing  friday naman ang kambal na yhuna at yhana, pag saturday si Siannise at cherryl naman at pag sunday lahat sila nag pupunta para malaman ni alexis na hindi siya nag iisa at naghihintay silang lahat sa pag galing nito...



" alam naman nila Ana na babalik ka elliot pero sadyang iba na kasi ang takbo ng isip nun ni alexis dahil na din sa kakaisip ng kung anoh ano.. dumagdag pa ang fake news about sa ex mo.. Ozzy  said..



" nasa ganun kami ng pag uusap nila Ozzy,  shelby, brix, luke, brandon at trace nang makita kong gising na si jade at nakatingin lang sakin habang naka kuyom ang dalawang kamay na parang nag pipigil na wag magalit at sumigaw...



" Best tawag ko dito!!!


" pwede ka nang umalis elliot hindi kita kailangan.... alexis said to me at nakatulala lang ako at nakatingin sa mukha niyang galit, 
















All right Reserved2020
🦋©️ Miss R.A
🕷 Black Butterfly🌹

#11(ELLIOT SUDALGA )✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon