Alexis jade pov!!!
" Best are you ok.. tawag ko kay elliot na kanina pa sa loob ng Cr. Rinig ko ang tubig sa shower. Alam kong may mali pero bakit ganun ayaw mag sabi ni elliot sakin. Simula ng sagutin ko siya at naging fiance niya ako ang bilis lang ng pang yayari umuwi ng pilipinas ang parents namin at inayos agad ang kasal.
" naging busy din si elliot sa company pero nag tataka ako nang minsang makita ko ito sa hanwell ospital na kasama ang dalawang kaibigan. Tatawagin ko sana siya kaso halata sa mga kilos nito ang pag mamadali.
" lumipas ang ilang buwan nang sabihin sakin ni mommy na mag relax lang at si elliot na daw ang bahala sa lahat.. simula ng iprepare ang nalalapit na kasal namin hindi na kami masyadong nag kikita ni elliot nang una ok lang pero nagulat ako nang makita ko si Tayla sa isang resto..
" hinayaan ko lang at medyo nahihiya ako baka alam na niya kaya todo iwas pa ko..
" sis tawag sakin ni Siannise kasama nito si Cherryl na pinag taka ko pa na hindi sila busy..
" excited nako sa wedding mo sis.. masayang singit ni cherryl sakin habang nandito kami sa mall nag papalipas oras.. bigla akong napahinto nang makita ko si elliot at hindi lang siya nag iisa.. kaya tinitigan ko pa talaga ito kaya napatingin din ang dalawa kung san ako nakatingin na direction.
" si soon to be husband mo yun diba.. turo pa ni siannise pero kahit ito napakapit sakin nang makita namin ang dalawa si elliot at Tayla na masayang nag uusap habang tumitingin sa isang jewelry shop.... hindi ako makakilos at nakatitig lang sa dalawa naka yapos pa si Tayla sa braso ni elliot nang mag salita si Siannise.
" baka naman bibili ng wedding ring niyo? Siannise asked.
" meron na kaming wedding ring gift ng mommy at daddy ni elliot galing paris.. mahina kong sabi.
Or di kaya bibili ng gift para sayo mismo. Positive na sabi naman ni Cherryl sakin pero kahit sila hindi na nag salita dahil kita ko mismo at kita nilang dalawa na suot na ni Tayla ang binili nila sa loob ng jewelry shop.
" tulala lang ako at nakatingin pa din sa jewelry shop kahit wala na yung dalawa.. ayokong maging negative pero nasasaktan ako sa totoo lang, nag pipigil ako na wag mag salita dahil naiiyak nako.. i try to call elliot pero out of coverage ang phone nito...
Sis much better kung mag usap kayo ng fiance mo. Dont think to much.. ikaw din maraming nasisira ang buhay sa maling akala.. tuloy tuloy na pag sasalita ni cherryl sakin habang inaalalayan ako ni siannise sa pag lalakad.
" tuloy pa din ang kasal diba.. huling rinig kong sinabi ni siannise na kahit ako hindi nakasagot.. mukhang nagkamali ako sa mga disisyon ko.... nag padalos dalos yata ako.. paulit ulit na tanong nang utak ko. Hanggang sa makauwi ako ng condo.
Elliot pov!!!!
" hinatid ko pa si Tayla sa hotel kung san siya nag stay. Simula ng mag hiwalay kami sa US na sila ng parents niya tumira tulad ng kasunduan namin na pauutangin ko sila at tutulungan sa business nila na bumangon basta. Ok kami na mag hihiwalay dahil mahal ko si jade, Ang best friend ko na matagal ko na palang mahal pero natakot akong umamin dahil na din sa isang rason na hindi ko masabi lalo na kay jade.
" anak in just 2weeks ikakasal kana sa first love mo! Pang aasar ni mommy sakin nandito ako sa dating bahay namin para makibalita at the same time ipakita ang resulta ng test mula sa hanwell hospital..
" anak mahinang tawag sakin ni mommy at ngumiti lang ako.. nagulat pa ko nang umiyak ito at yumakap sakin.. nang mag salita si daddy sa likod namin. Kaya pa aabot pa ba anak or gusto mong pumunta muna sa US at chaka nalang muna ang kasal niyo ni jade.. mas ok kung sabihin mo mismo sa kanya para alam niya..
" ngumiti lang ako sa parents ko.. tuloy ang kasal dad gusto kong kasal na kami bago ko siya iwan.. alam kong masakit ang gagawin ko pero nanjan naman kayo para i guide siya at sabihin ang totoo.. mas gugustuhin ko pang ako nalang ang masaktan kaysa makita ko siyang masaktan nang dahil sakin..dahil sa pwede kong sabihin. seryosong sabi ko dito. At tuluyan nang humagugol si mommy habang mag kakayakap kaming tatlo.
" magiging ok din ang lahat anak.. basta kayanin mo.. huling rinig ko kay dad at bigla nalang akong bumagsak..
" lumipas ang ilang araw hindi kona nakita si jade dahil sa pamahiin.. buti naman dahil ayaw kong makita niya akong ganito.. at bigla nalang akong nasusuka at nahihimatay....
" pare tawag ni Ozzy sakin kasama si timothy, mason, Aleister at brix.. nandito lang ako sa bahay ng parents ko.. at hindi nako umuwi ng condo ko. Buti nalang nanjan si Tayla para kunin ang ibang gamit ko dun at dinala dito sa bahay at wala nakong balita sa kanya pero aattend siya ng wedding namin ni jade dahil inimvite na din ni mommy.
Ok na pakiramdam mo.. umayos ka ilang araw nalang kasal mona wag mong sabihin na mag kakasakit kapa.. pang aasar ni mason sakin pero kita ko sa mukha nito ang pag aalala.. sinabi din nila ang kalagayan ni jade buti nalang nandun sila Ana at sarah at ang ibang naging mga kaibigan nito para pasayahin ang future wife ko.
" sya lang ang gusto kong pakasalan mga tol!!! Mahina kong sabi sa kanila at ikaw nang bahala Aleister sa lahat incase na dumating sa mismong araw na hindi ako aabot.. sabay ngisi ko pero gagawin ko ang lahat maikasal lang sa best friend ko.
" pag tapos nang kasal sabihin mona kay jade ang lahat ah.. masayang sabi ni timothy na kinatango ko lang.. kahit ang totoo natatakot ako dahil may chansa na magiging ok ako pero 30% lang ang chansa na hindi bumalik ang lahat at ayaw kong mangyari yun na pati ang magiging asawa ko eh. Hindi ko makilala at baka dumating sa punto na ako mismo ang makasakit sa kanya..
Mahal ko si jade sobrang mahal ko siya... paulit ulit kong binubulong sa utak ko.. dahil ayaw kong mawala yun, gusto ko yun lang ang maisip ko hanggang sa dumating mismo ang araw nang kasal namin ni jade..
All Right Reserved2020
🦋©️ Miss R.A
🕷 Black Butterfly🌹
BINABASA MO ANG
#11(ELLIOT SUDALGA )✅
Любовные романыnag promise sila na susuportahan ang bawat isa, hindi mag iiwanan, ituturin ang isat isang bilang sister and brother, na ngako na. hindi mahuhulog o maiinlove dahil hindi pwede dahil mag bestfriend sila at dun sila mag tatagal. pero? panoh kung. may...