Alexis jade pov!!!!
" lumipas ang ilang buwan. At kahit ayaw ko pang bumalik sa pag tatrabaho kailangan lalo na at nasa US pa din siya kasama ang parents nito.. napapayag ko din si mommy at daddy na umuwi na dahil ok na ko.. lagi din nag pupunta si siannise at cherryl isama pa sila ate Ana at ang iba na walang sawang dumalaw sa condo ko.. pero ang plano ko mag hanap nang bagong lugar dahil naiisip ko lang si elliot dito...
" nag hanap ako ng apartment para naman bago sa paningin ko.. isa sa mga dapat kong asikasuhin.. wala akong planong gamitin ang surname ni elliot dahil wala naman siya at wala na din namang naikwento ang mga kaibigan nito lalo na ang parents ko na busy na uli.. at hindi ko naman feel na asawa ko si elliot dahil sa mga disisyon nito dati na hindi ako kasama at nakakasama talaga ng loob. Ngayon ko lang naisip na hindi pala ako ang kasama niya sa hirap at ginhawa..
" dahil naging makasarili siya.. alam ko na ako lang din ang naiisip niya pero hindi ba niya naisip na siya lang din ang naiisip ko pero mas gusto niya na kasama ang iba kaysa sakin na asawa na niya. Lalo na nang marinig ko na kahit ang parents nito nakalimutan ni elliot pag ka gising nito mula sa operasyon at hindi nako nag taka na baka ako din hindi na niya kilala.
" pinilit kong pag sabayin ang company ni elliot at ang bago kong store na pinatayo. Ang " BEST OF FRIENDS " Twinning outfit. nakung san ako mismo ang nag iisip at ang nag dedesign ng mga damit na uso ngayon sa mga mommy at daddy na gustong pareho nila ng suot ng mga anak nila or pwede din ang mag kakaibigan na gusto nang parehong outfit
" naging busy ako sa kaka design lalo na at next week na ang grand opening ng store ko. Wala na din akong narinig na balita kay elliot at wala na din akong planong mag tanong.. lumipas ang isang taon at nakakatuwa lang dahil mas nakilala ang shop ko at kinausap kona din ang daddy ni elliot na hindi kona hahawakan at aalis nako sa company ng anak nito.. kinausap pa ko ng parents ni elliot pero sure nako. Lalo na ngayon na nag kalat sa internet at news na mukhang nag kabalikan na ang dalawa..
" nagkalat din ang mga litrato nito sa instagram at facebook na lagi silang nakikita na mag kasama.. at ang masakit pa nito nakita ko sa tweeter ang picture nila na masaya parehong nakangiti na humarap sa camera.. si Tayla at elliot na mag kasama at naka suot ng gown si Tayla habang yakap si elliot. Nag basa ako ng comment at puro masasaya lang ang nabasa ko mga pasasalamat dahil sila din pala ang nag katuluyan sa huli..
" nag mamadali ako dahil ngayon ang first birthday ng anak ni siannise at theo. Akalain mo yun dating asot pusa sila din sa huli.. pinag patuloy ko ang buhay ko na mag isa.. alam ko naman na masaya na siya. Masaya na sila at kahit masakit hahayaan kona lang siya sa feeling nang bago niyang asawa, sa feeling ni Tayla.
" dumating ako sa Happily village kung san dun naka tira ang mag asawang Mrs. And Mr. Foster. Nakakatuwa lang dahil pareho sila ng suot ng anak nito na ako mismo ang gumawa.. pero nag tataka ako dahil tahimik lang si Cherryl at nalaman ko na wala na sila ni malcolm at wala pa siyang lakas ng loob na sabihin samin kung bakit. Kaya ang bruha umiinom na kahit hindi pa start ang party..
" nandun din sila mr. Ozzy at ang asawa nitong si ate Sarah at ang mga anak nito. Hinanap ko si ate Ana at ang asawa nitong si attorney Salerno para sana mag tanong at mag patulong na din. At nakakatuwa dahil nandito silang lahat except elliot sya lang ang wala. Nandito na din si sir ezikiel at nakakakita na ito at kahit ako nagulat nang kasama nito ang babaeng sumira ng kotse nito.
" alexis!!! Tawag ni ate Ana kaya ako na mismo ang lumapit at tumabi kay ate Ana.. alam ko naman na masaya lang ang lahat pero ito na kasi ang chance kong magtanong dahil wala nakong time mag punta ng office nito.. nang mag salita ang isa sa mga kaibigan ni elliot..
" kamusta kana alexis and congrats sa bago mong shop.. bati nito sakin at ngumiti lang ako.. tawanan at asaran lang ang naririnig ko sa long table nang mag tanong ako kay attorney Salerno na kinatahimik nilang lahat at kita ko sa mga mukha nila ang pag tataka pero sigurado nako sa disisyon ko.
" attorney i need your help.. i asked to attorney Aleister na kinalingon din nito at napatahimik ang lahat.. nang mag patuloy ako sa pag sasalita... gusto kong ibalik ang lahat kay elliot gusto kong ibalik ang kalayaan niya.. tama na ang isang taon, seryoso kong sabi nang mag tanong naman si brandon ang asawa ni Amara adele..
" may problema ba? Brandon asked.
" gusto ko lang maging ok na ang lahat and beside ok naman na siya at ganun din ako kaya gusto kong ibalik ang lahat nang meron ako na binigay niya.. dahil hindi ko deserved yun.. nakangiting kong sabi, sa kanila.. nang mag salita uli ako..
" gusto kong mag file ng annulment attorney para na din ito kay elliot lalo na sakin..
" panoh kung ayaw niya? Rinig kong sabi ni Siannise na nakalapit na pala sakin habang buhat nito ang birthday girl," hahhahahah tawa ko at nakatingin lang sila sakin.
" sure ako gusto niya yun. Si elliot pa masaya kong sabi sa kanila pero sila tumahimik lang nang mag salita si attorney Aleister.
" ok punta ka lang sa office ko para mapag usapan natin yan.. alam ko naman na busy ka kaya take your time nandun lang naman ako sa office.. sabi nito na kinatuwa ko.. kinausap kona din naman ang parents ni elliot nang una ayaw nila na pinag taka ko dahil kasal naman na si elliot sa US bakit ayaw nila.. nalaman ko din na ako na pala ang CEO ng company ni elliot pati yung pinatayo niya sa village na bahay sakin na din nakapangalan.. pati yung resort at ibang building ako na ang may ari kaya natawa nalang ako sa sarili ko nang maisip kong wala nang plano si elliot na bumalik sa pilipinas dahil wala na itong property kahit isa at nasakin na lahat..
" hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga iniwan ni elliot sakin pero mas lamang pa din na malaman kong kinalimutan na niya ako ng tuluyan at kasama na nito ang bagong asawa.
" at umiyak nanaman ako dahil higit isang taon na pero masakit parin pala na tanggapin na wala na siya. Wala na yung best friend ko...
All Right Reserved2020
🦋©️ Miss R.A
🕷 Black.Butterfly🌹
BINABASA MO ANG
#11(ELLIOT SUDALGA )✅
Любовные романыnag promise sila na susuportahan ang bawat isa, hindi mag iiwanan, ituturin ang isat isang bilang sister and brother, na ngako na. hindi mahuhulog o maiinlove dahil hindi pwede dahil mag bestfriend sila at dun sila mag tatagal. pero? panoh kung. may...