Day 6

1.9K 96 9
                                    

♡♡♡♡♡Happy 1k followers♡♡♡♡♡

Friday

" alexis are you ok, sabi ni kuya guard nang pag pasok ko sa company.. medyo masakit ang ulo ko dahil sa hindi ako nakatulog ng mabuti dahil sa project na gagawin namin. Tapos 2 days nang hindi pumapasok sa company niya ang magaling kong best friend na mukhang nag enjoy na kasama ang girlfriend nito.


Hmmp,,, tama nga si ate Ana tapusin kona agad. Hayyyyy may 2days pa dapat ako. At bigla akong nalungkot dahil last day na bukas,, tapos hindi pa siya nag papakita sakin.. ganun ba siya kaatat na makita at makasama ang girl friend niya.. wala naman akong intention na sirain sila alam ko naman kung ganu kamahal ni elliot yun.

" nasa ganun ako nang pag iisip ng makita ko bigla si elliot na papadating.. ngingiti na sana ako at sasalubungin ko siya ng yakap nang kasama niya si Tayla na kinahinto ko at kahit ako nabigla sa ginawa ko kinabahan at natakot ako kaya nag tago ako sa tabi at nakatingin lang sa kanilang dalawa na nag tatawanan.

" hawak ko ang folder na pinag puyatan ko kagabi para sana ipakita kay elliot para sa next project pero nakatayo lang ako ng ilang minuto kahit wala na silang dalawa sa paningin ko..

Miss alexis bakit po kayo nanjan.. sabi ng isa sa mga empleyado dun kasama nito ang isa sa mga assistant ni elliot na photographer din.

Hindi ako nag salita at inabot nalang ang folder sabay alis sa company ni elliot.. alam ko naman na alam nila yun dahil sa kasama sila sa meeting kahapon habang wala ang boss nila.. narinig ko pa ang pag tawag sa pangalan ko pero dire- diretcho nalang ako at walang plano kung san ako pupunta....

" so anong pag uusapan natin? Biglang singit ni Tayla sakin. Pero wala pa ang magaling kong best friend na first time na nalate ngayon. At naisip ko din na last na bukas kaya dapat konang makausap si jade pero wala pa ito kaya si Tayla nalang muna..


Nakita ko ang isa sa team ni jade kasama yung isa sa mga photographer pag wala ako ito ang pumapalit sakin at maaasahan din ito. Pero nagulat ako nang huminto sila mismo sa tapat namin ni Tayla kaya napatingin din ako.

Boss pinabibigay ni miss Alexis,, rinig kong sabi nito at inabot ko naman ang folder. Nag papalit palit pa ang tingin ko sa dalawa bago nag salita si harry.

Nandun siya sa baba boss, Kahit kami nagulat ng iabot nalang samin yan at tuloy tuloy na umalis na hindi nag sasalita, hirit pa nito na kinakunot ng nuo ko, May plano pa sana akong habulin siya pero alam kong kanina pa yun, Kaya iniwan ko silang tatlo dun at diretcho ako sa office ni jade..

Naka dikit pa sa monitor nito ang mga tapos nang nagawa nito, Halatang naging busy ito ng dalawang araw habang wala ako, At umupo ako sa swivel chair ni jade chaka ko binuksan ang folder, Napangiti ako ng isa yung proposal para sa next project, Napahawak pa ko sa batok ko nang malaman ko na ngayon di ang meeting at hinawakan ko ang folder at pinatawag ang secretary ko at ibang team..

" ito ang iprepresent ko sa client mamaya, Dahil ganun ko kalaking tiwala kay jade alam kong magugustuhan ng client ang gawa nito lalo na ang mga idea nito..

Nang pag pasok ko sa office ko, Nandun pa si Tayla na kinailing ko nalang isa pang problema, ang plano kong tawagan at itext si jade hindi ko na din nagawa dahil sa sunod sunod na pag pasok ng investor at mga meeting. Kaya ang labas kung asan ako nandun din si Tayla dahil wala naman daw itong gagawin kaya sumama nalang sakin, plano ko mamaya ko nalang siya kakausapin pero hindi ako mapakali dahil wala si jade sanay ako na nasa tabi ko lang siya.


" lumipas pa ang ilang oras at past 8pm na, Bumalik pa ko sa company pero walang jade akong nakita... " dinner na tayo babe biglang sabi ni Tayla sakin na kinalingon ko,. ayaw ko man na sungitan siya pero kanina pa din ito pagod at alam kong gutom na din..

" nag punta kami sa resto ni timothy nang mapansin ko si yhuna na ang sama ng tingin sakin at kita ko pa ang pag siko nito sa asawa kaya ito nalang ang lumapit samin ni Tayla, at umiwas na agad habang hawak ang anak na bunso na si yhanrah.


Babe mag order kana, singit uli ni Tayla sakin pero nakatingin lang ako kay timothy na papalapit sakin huminga lang ako ng malalim gusto ko man na kausapin si timothy pero napatingin din ito kay Tayla at ngumiti lang.

Pre nakausap mona bulong ni timothy sakin at umiling lang ako, bilisan mo before its to late, huling sinabi ni timothy bago umalis at pumunta ng kitchen.


" dumating ang order namin at kumain kami hindi ko alam panoh mag sisimula pero maitama ko lang ang lahat gagawin ko bulong ko sa sarili ko nakailang hinga pa ko bago nag bukas ng topic at ramdam ko naman ang pakikinig ni Tayla sakin sana lang makisama siya at wag mabigla sa proposal ko dito.


" maghapon ako sa mall, Kumain nag window shopping at kung anoh anoh pa ang ginawa ko para lang mawala ang mga negative na naiisip ko, Lalo na nang makita ko. Sa sobrang pag iwas ko sa mga naiisip ko, pati phone ko hindi kona naisip na buksan.


Dun kona din naisip na kumain sa mall sa isang ramen house, bukod sa lutong bahay eh, Favorite ko din ang noodles at eto nga i yun ang ramen samahan pa ng chili sauce na mas nakakagana talaga, Nang makita ko si Siannise kasama si yhana, Tatawagin ko sana nang makita kong kasama nila si primo ang asawa nito at bigla akong napaupo uli at hinayaan nalang na lagpasan ako at kumain nalang ako hanggang sa mabusog ako.

" tama naman ang ginawa ko kung plano ko din na iwasan at pabayaan nalang si elliot at tayla dapat pati ang mga kaibigan nito eh. Iwasan kona din, Pero hindi ko iiwasan ang mga ate ko lalo na sa mga bagong kaibigan kona din.

Gumaan kahit papanoh ang pakiramdam ko, Sana lang maging masaya na si elliot at wag nang mag selos si Tayla, kahit naman isipin niya na aagawin ko si elliot sa kanya nakay elliot din yun kung mag papaagaw din ito diba.

" palabas nako ng mall nang makita ko si Joshua ang sikat na male model, isa ito sa naging kasama ni ate daniella sa ibat ibang bansa para mag pose at eto na nga kilala din niya ako lalo na nang ako ang kasama ni elliot nun para sa magazine na nilabas at siya ang cover nun..

Alexis tawag nito sakin sabay yakap sakin at medyo napatagal pa yun dahil sa may binulong pa siya na kinagulat ko pa.




Alexis jadeeee! bigla kaming napalingon ni joshua nang may tumawag sakin kaya pareho kaming napalayo sa pag kakayakap at napatangin sa harap namin..







All Right Reserved2020
🦋©️ Miss R.A
🕷 Black Butterfly🌷

#11(ELLIOT SUDALGA )✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon