Thank you po sa mga nag like at naka follow sakin.
Sana po tuloy tuloy lang sa pag babasa at pag vote na din sa bawat chapter.
Again maraming salamat po.
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
Chapter 34
Elliot pov!!!
" Nakabantay lang ako kay jade habang nakatingin sa bintana, pumayag siya na dito kami tumira sa happly village kung san nakatira din ang mga kaibigan namin.
" Nagiging madalas din ang pag dalaw ng mga kaibigan namin, twing gabi sinisigurado ko na kumakain ito at umiinom ng gamot bago matulog, pero aaminin ko ang hirap makita ang asawa ko sa ganitong sitwasyon lalo na sa kagabi.
" nagising akong umiiyak uli ito, kaya napabalikwas ako ng bangon dahil wala na sa tabi ko si Jade at naririnig ko itong umiiyak mula sa Cr na madilim.
" bukas ang shower at pag open ko ng ilaw nakaupo lang si jade dun at basang basa na siya ng tubig na may hawak na puting tela?
" Best, tawag ko dito at rinig ko pa ang pag hikbi nito nang nakatingin din sakin. Nilapitan ko siya at niyakap wala akong pakialam sa malamig na tubig na tumama sa katawan ko, yakap ko lang si jade nang mag salita ito.
' Best Mahal na mahal kita wag mo kong iiwan ah, mahina nitong sabi sakin at mas lumakas ang iyak nito kaya tumango lang ako at tinulungan ko siyang tumayo, ako na din ang nag off ng shower, sanay na ko pati si jade sa araw araw at gabi gabing routine namin tulad ngayon.
" ako ang pumipili ng damit niyang isusuot at ako nadin ang nag bibihis, para siyang baby ko na dapat alagaan at bantayan, nakaupo lang si jade sa dulo ng kama nang mapansin ko ang hawak nito kanina na basa na din at dun ko lang nakita ito ng malapitan ito yung belo sa kasal at napatingin uli ako kay jade na tahimik lang habang hawak ang suklay.
" Kinuha ko sa kamay ni jade ang suklay at blower at ako ang nag suklay ng buhok nito habang hawak ko sa kabilang kamay ang blower.
" nagulat pa ko nang humarap ito at naka smile na ito sakin, gusto kong mamasyal elliot, biglang sabi nito sakin kahit nagulat ako umoo nalang ako at nakakatuwa lang dahil pareho kaming naka jumper binili ko dun sa shop ni jade terno itong jumper na pants at jumper na short na tinernuhan namin nang white na shirt at white na shoes. Para kaming kambal sa itchura namin.
"Gusto ni jade mag commute kami kaya nag dala lang ako ng payong at ako na din ang may bitbit ng bag nito na may lamang cp namin wallet niya at gamot ni jade. Pag labas namin kita pa namin ang bunsong anak ni blaze at monique ang kambal na si Blue at Blade na may hawak na bola at nakaupo sa tapat ng mansion ni ken at lumabas dun si Mahkenzi ang panganay sa triples ni ken at zaimah.
Tito elliot tita Alexis hi po, bati ng kambal na anak ni blaze at monique samin habang nakatingin lang ang anak ni ken samin na walang imik isang weird na bata,
" hi mahinang bati ni jade sa mga bata at natutuwa ako dahil unti- unti kong nakikita ang dating jade na best friend ko, ang mahal kong asawa. Nadaanan din namin ang bahay ni Ozzy at Aleister na magkatabi lang habang nasa tapat nito ang bahay ni brix at brandon. Dahil sa laki ng mga bahay dito sa village kaya ang lalaki ng pagitan na parang kasya ang dalawa hanggang tatlong bahay sa isang mansion.
" Nagulat pa ko ng makita ko sa Siannise at Theo na halatang kami ang hinihintay at buhat ang isang taong anak, at pinapaarawan ito.
" Hi sis kamusta kana, bungad ni Siannise samin at naka smile lang si jade bago ito sumagot at hinawakan pa ni jade ang paa ng anak ni Siannise na tulog habang buhat ni Theo.
"Mamasyal kami biglang sagot ni jade at kita sa mukha nito ang saya na ngayon ko nalang uli nakita, nag batian lang at kahit ako nag tataka dahil ang ibang mga kaibigan ko wala eh. Sunday naman ngayon at naisip ko din na dati nakikigulo lang ako sa mga buhay ng mga kaibigan ko ngayon kasama kona si jade ang pamilya ko. At ito ang pamily day naming dalawa ni jade na mag kasama.
" nag lakad lang kami palabas ng village at mag kahawak kamay kami na parang mag boyfriend and girl friend, nakakabakla lang pero masaya ako na may kasamang kilig sa totoo lang, wala akong plano kung san kami mamasyal ni jade dahil biglaan lang ito pero bahala na basta dala ang wallet at kasama ko si jade kahit san kami mapapad ok lang.
" Binati din ni jade ang guard at kung sino mang makilala nito naiisip ko para itong walang sakit sana nga bumalik na sa dati si jade, bulong ko sa sarili ko. Naalala ko pa nun twice or trice a week ako mag punta sa Hanwell ospital para mag pagamot sa twing masusugatan or masasaktan ako ni jade na alam kong hindi naman niya sinasadya nag natatandaan ko lang nang last nang ihagis niya ang baso at tumama sa likod ko yun at dahil medyo malayo ang mansion ni brix sa bahay ko nakita nalang ako ni brix sa mismong ospital nito para hindi kona din maistorbo ang kaibigan.
" Sumakay kami ng taxi at oras din bago kami nakarating sa gustong puntahan ni jade, at nagulat pa ko sa nakita ko at napalingon kay jade na dun din pala nakatingin..
" Bakit tayo nandito Best, tanong ko kay jade na nakatingin lang sa harap.
Nang
Simbahan.
All Right Reserved2020
🦋©️ Miss R.A
🕷Black Butterfly🌹●●●●●●●●●●●●●●●●
Iilang chapter nalang po malapit nang mag end ang story ni elliot at jade.
BINABASA MO ANG
#11(ELLIOT SUDALGA )✅
Romancenag promise sila na susuportahan ang bawat isa, hindi mag iiwanan, ituturin ang isat isang bilang sister and brother, na ngako na. hindi mahuhulog o maiinlove dahil hindi pwede dahil mag bestfriend sila at dun sila mag tatagal. pero? panoh kung. may...