Chapter 5
Adaria's Point of View
"B-BAKLA ka?"
"Hindi nuh! Hindi mo kasi ako pinatatapos e. Oo, hindi ko rin kako gusto ang kuya mo." Aniya na kinabuntong hininga ko.
"Ahhh." Ganon na lang ang nasabi ko dahil wala akong masabi. Naging awkward bigla kaya tumayo na ako.
"Salamat ng marami, Raphael. Mauna na ako baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko." Ngumiti muna ako sa kaniya bago tumalikod. Nangiti pa ako ng tignan ang dala kong jacket niya.
"HOY! Babaeng baliw, saan ka ba nagsuot? Huh!" Sinalubong ako ng malakas na sigaw ni Cords na ngayon ay nakaupo sa upuan malapit sa pwesto ni Manong June.
"Dalawang isaw po." Sabi ko kay manong na ngayon ay nag-iihaw ng iba pang ihawin na inorder ng mga suki rin niya. Sigurado kasi kaming malinis ang mga paninda niya at minsan lang rin lang kami kumakain nito. Hindi kasi maganda na puro streetfood na lang ang kinakain namin. Every friday lang kami rito.
"Oh, Adaria. Bakit ngayon ka lang? Kanina pa naghihintay ang mga kaibigan mo sayo." Sabi ni manong na tinutukoy sina Cordelia at Sphene na pareho ng kumakain ng kanilang isaw. Ngumiti lang ako kay manong bago niya inasikaso ang negosyo niya.
"Hindi pa rin ba bumabalik si Hex?" Tumabi naman ako sa dalawa. Doon ako sa gitna nila pumwesto kaya medyo umusog sila ng kaunti. Tumawa pa ako ng muntik ng mahulog si Cords.
"Sphene, kamusta naman ang lagay mo kasama si Cords?" Baling ko kay Sphene na nakangiti pa rin dahil sa nangyari kay Cords kanina.
"Ah! Maayos naman at ang protective niya lang sa akin." Tumango naman ako dahil ganoon nga si Cords. Sobrang caring niya pero minsan hindi talaga siya pwedeng mahiwalay sa cellphone niya. Ewan ko ba at parang jowa niya na iyong cellphone niya.
"Kasi kanina may lalaking biglang nagpakilala kaso hindi maayos ang pagkakakilala niya. Kung baga may pagkamanyak. Ayaw ko ng sabihin ang mga sinabi niya dahil nakakadiri talaga. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Cordelia." Aniya kaya siniko ko si Cords.
"Oh! Bakit?" Tanong niya habang ngumunguya. May pagka-allergic kasi 'to sa lalaki si Cords e.
"Wala." Nakangiting sabi ko. Tumaas naman ang kilay niya.
"Gaga oh!" Tanging sabi niya.
"Gusto niyo gumala bukas?" Ani naman ni Sphene makalipas ang ilang minuto. Kumakain na rin ako ng isaw ko ng matapos itong maluto.
"Naku! Taong bahay itong si Adaria, sigurado akong hindi 'yan sisipot kung hindi ikaw ang crush niya." Ani naman ni Cords. Sinimangutan ko naman siya kahit na totoo naman ang sinabi niya ngunit sobra naman ata iyon.
"Lumalabas rin ako nuh kung importante. Tsaka gumagala rin naman tayo minsan ah." Pagtatanggol ko sa sarili ko. Natawa naman si Sphene sa aming dalawa.
"Nako, kailan lang nga nung lumabas ka at napilit ka lang namin dahil narinig mo ang salitang 'crush'. Kung sabali naman ay minsan mo lang rin naman siya makita." Grabe naman si Cords sa akin.
"Hindi ka kasi lumalabas kaya hindi ka umuusad sa love life mo. Pero aaminin ko naman na nag-iimprove naman ito sa ngayon. Eto kasing si Adaria, Sphene. Puro libro lang ang inaatupag kaya kung gagala kami ay naroon lang siya sa bookstore, namimili ng libro." Pangbubulgar ni Cords sa akin.
"Naiintindihan ko naman si Adaria e, we kinda seem alike. I also love books and get drawn to them without minding the time." Aniya ni Sphene na kinangiti ko. Napasimangot naman si Cords.

BINABASA MO ANG
This Feeling
RomanceAng magkagusto kay Raphael Olson ay napakakomplikado para kay Adaria Lockheart. Unang-una ay dahil kaibigan niya ito at ang pangalawa ay bakla ito. Ano ang mga posibleng mangyayari kung lahat ng sakit ay sabay-sabay niyang mararamdaman? Susuko na l...