31

102 9 0
                                    

Chapter 31

Adaria's Point of View

PAGOD na pagod na ako. I feel so drained because of so many things. Sa totoo lang stress na talaga ako. Ang dami kung ginagawa at gagawin ngayong week. Plus I've been having nightmares about what happened to me last week. Hindi ko na alam kung makakaya ko pa ito lahat. Si Raph pa ay ilang araw nang hindi ko mahagilap. Dahil siguro busy siya at busy rin ako. Graduating na rin kasi ako at siya rin, idagdag mo pa ang pagbabanda niya. Minsan hindi ko maiwasang isipin kung pwede ba talaga kami sa isa't isa. He is so damn famous now. What if I will be a hindrance to his carreer?

"Natulog ka ba, Adaria?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko na naging kaclose ko rin sa isa sa mga subject.

"Hindi e, tinatapos ko pa ang ilan sa mga pinapagawa sa ibang subject. Hindi pa ako tapos lahat actually, hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko." Ngumiti naman siya ng mapait at tumawa ng bahagya.

"Atsaka may mga minor pang mga pabibo, feeling major amputa. Sana matapos na tin 'to, gusto ko nang makapagtapos. Konting tiis na lang naman e, malapit na tayong rumampa sa stage." Aniya kaya natawa na rin ako.

Totoo nga naman. Malapit na nga kaming makapagtapos, ngayon pa ba kami susuko? No. Hindi nuh.

"Halika na, sabay na tayo sa next subject since magkaklase naman tayo 'don." Sabi niya pa at niligpit na ang mga gamit niya. Tumango naman ako sa kaniya at niligpit na rin ang mga gamit ko. Sa totoo lang, ang sakit na ng ulo ko pati na rin ang katawan ko. Nanghihina ako ngunit ayaw ko na manaig ito. I have to get through this.

I hate being weak because the last time I am in that state was when I lost every single person that is important to my life.

Tatayo na sana ako nang makaramdam ako ng hilo, ang sakit talaga ng ulo ko. Napapikit na lang ako sa sakit.

"Hoy, Adaria. Okay ka lang ba? Gusto mo idala muna kita sa clinic para makapagpahinga ka?"Nag-aalalang ani ng babaeng kaklase ko.

"You're correct, maybe I should take some rest before it turns to 'Rest in Peace'." Natatawang ani ko kaya natawa rin ang kaklase ko.

"Huwag ka ngang magbiro nang ganyan. Halika na nga at dadalhin na kita sa clinic para makapagpahinga ka na dahil kung ano-ano na ang sinasabi mo." Aniya habang inaalalayan ako.

"Hey, anong nangyari? What happened to her Candence?" Rinig kong ani nang kung sino na nasa likuran namin kaya bahagya akong napalingon.

"Hymn! Mabuti't narito ka. Tulungan mo nga akong dalhin ito si Adaria sa clinic bigla kasi siyang nahilo at mukha rin siyang walang tulog." Cadence pala ang pangalan niya, nakalimutan ko kasi.

"Hindi na talaga mukhang kasi kita naman iyon sa mukha niya, mukha niyang mukhang panda." Inasar pa talaga niya ako sa lagay kong ito. Inirapan ko na lang siya at hinampas pero mahina lang iyon.

"Iwan na natin 'yang gagong yan kasi manggagago lang 'yan. Mas lalong lalala itong sakit nang ulo ko sa kaniya." Ani ko pa, inaaya si Cadence na iwan si Hymn.

"Ito naman hindi mabiro, sige ka hindi kita isasali sa magiging ninang ng anak ko." Ani niya pa na hindi ko kinabahala pero mas nabahala ako sa naging reaksyon ni Cadence sa sinabi ni Hymn.

"Anak? May anak ka na, Hymn?" Kitang-kita ang gulat sa kaniyang mukha at mukhang wala ata siyang balita tungkol kina Hymn at Sphene.

"Oo, gusto mo maging ninang rin ng anak ko?" Palabirong ani ni Hymn ngunit mukhang hindi natuwa si Candence sa biro na iyon.

This Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon