Chapter 21
Adaria's Point of View
SIGURO ito na nga ang tinatawag nilang 'ghosting' na aking ginagawa ngayon. Hindi naman ako multo pero kusa ko itong nagagawa dahil sa maraming dahilan na mayroon ako. Nasanay na rin siguro akong maiwan kaya ito ang naging paraan ko para makalimot. Mag-move-on.
Sa ilang araw kasing panghahabol sa akin ni Raph para makapag-usap. Ni minsan ay hindi ko siya hinarap. Matapos niya akong bigyan ng biskwet e iniwasan ko uli siya.
Alam ko na nararapat ko rin siyang bigyan ng pagkakataon para magpaliwanang pero hindi pa ako handa.
Kailan ba ako magiging handa? Kapag napagod siya? Hindi ko alam.
Ang alam ko lang kasi ay pagod na pagod na ako. I am tired physically, mentally and emotionally. Ang pag-eensayo sa field demo ay nakakapagod. Para akong natutunaw sa init. Sa mga parating na pasulit pagkatapos ng Intramurals ay paniguradong mapapagod ang utak ko. Tungkol kina Sphene, Raph, Kuya Ady at sa mga kaibigan ko. Pinapagod nito ang emosyonal kong estado.
Parang magsisimula na naman umandar itong sakit ko kapag nagpatuloy ito.
Kaya ginugugol ko na lang ang ilang mga oras ko sa pagpipinta. Kahit ilang sandali lang, malimutan ko lang ang mga pinagdadaanan ko.
"That's nice." Ang tahimik kong kapaligiran ay biglang nagkaroon ng ingay.
"Bakit nandito ka na naman?" Naiinis kong ani sa lalaking dumating.
"Bakit? Bawal ba? Sa iyo ba 'tong silid na'to?" Nakampamewang na ani niya. Pinandilatan ko pa siyang mata kaso hindi ata siya natakot.
"Can you watch me perform? Kahit isa lang?" Kumuha na siya ngayon ng upuan at tinabi iyon sa kanang gilid ko.
"A.yo.ko." Mariin kong ani sa kaniya. Nilingon ko pa siya kaya nakita ko ang pagnguso niya.
"Kasi may mangungulit na naman sa'yo? Hindi naman siya ang dahilan kong bakit pupunta ka, ako naman ah. Huwag mo na lang pansinin, ako na lang." Nakangising ani niya. Inirapan ko naman siya sa mga nakakatawang banat niya.
"Mag-pa-fine arts ka sa College?" Tanong niya bigla kaya napatigil ako sa ginagawa ko.
"Siguro. Gusto kong mag-aral sa ibang bansa. Pagkatapos, uuwi akong sikat na sikat pagdating sa larangan ng pagpipinta." Naka ngiting kong ani habang isinasaisip ko ang mga maaring mangyari ayon sa mga sinasabi ko.
"Ayos 'yan. Mabuti ka pa may alam na kung anong gagawin mo sa future." Napakunot naman ako sa sinabi niyang iyon.
"Bakit naman? Ano ba ang gusto mo maging in the future?" Tanong ko sa kaniya. Napatingin pa siya sa kisame na ani mo ay may makikita siyang sagot doon.
"Hindi ko kasi alam e. Hindi naman ako ganoon kagaling sa pag-aaral."
"Hindi ka magaling mag-aral pero matalino ka. Kung magsisikap ka makakapagtapos ka at matutoto. Tsaka baka dadating rin ang panahon na malalaman mo rin kong ano ang gusto mong gawin sa buhay mo." Tumango naman siya, sinasang-ayunan ang mga sinabi ko.
BINABASA MO ANG
This Feeling
RomanceAng magkagusto kay Raphael Olson ay napakakomplikado para kay Adaria Lockheart. Unang-una ay dahil kaibigan niya ito at ang pangalawa ay bakla ito. Ano ang mga posibleng mangyayari kung lahat ng sakit ay sabay-sabay niyang mararamdaman? Susuko na l...