Chapter 24
Adaria's Point of View
GREEN eyes. Akala ko berde talaga ang mata niya pero brown pala iyon. I thought he has a foreign blood because of it. Nagsusuot pala siya ng colored contact lenses for his nearsightedness.
He is that boy. The boy who played his guitar so illegally. Masyado bang exaggerated? Pasensya na in love lang.
Gwapo rin naman siya kahit may suot siyang glasses ah. Kaso bakit may suot pa siyang glasses 'non. Parang gago naman ikaw Raph.
"A-Akala ko hindi kayo pupunta. Sabi niya kasi..." Pagturo ni Sphene sa asawa niyang naka busangot na.
"Bakit kayo nandito?" Iritadong tanong ni Hymn sa amin kaya nagtinginan pa kaming tatlo ni Hex at Cords.
"Nakakadistorbo ba kami?" Nakangising ani ni Hex at umupo sa sofa.
"Wala!" Tumingin pa si Hymn sa asawa bago niya kami sinagot. Umiwas naman si Sphene ng tingin.
"Why are you here?" Tanong ulit ni Hymn kaya inasar ulit siya ni Hex at Cords.
"Kakarating lang namin Hymn. Papaalisin mo na kami agad. E sabi ng asawa mo pumunta raw kami dito kasi nabuburyo na siya sayo." Umupo naman si Cords sa isang pang isahang sofa. Nagkakalikot na naman siya sa cellphone niya.
"What?!" Ani ni Hymn bago tinignan ang asawa ng masama. Napayuko na lang si Sphene.
"You're bored of me? Really?" Lumapit naman siya sa asawa niya na ilang hakbang lang rin naman ang layo sa kaniya. Umatras naman si Sphene ngunit napaupo na lang siya ng wala na siyang maatrasan. Yumuko naman si Hymn para ipaglapit ang mga mukha nila.
Nagbulungan na ang dalawa na tila wala kami rito. Gumawa sila ng sarili nilang mundo. Naku! Baka kung ano pa ang magawa e wala pa nga nanganganak.
"Stop it. Our friends are here." Tinulak ni Sphene si Hymn. Nilingon naman kami ng asawa niya. Sarkastiko naman kaming ngumiti. Tuluyan na ring lumayo si Hymn ngunit tumabi ito sa asawa niya. Akala ko pa naman ay aalis na ito.
"Umalis ka nga dito. May pag-uusapan kami. Girl talk. Girl ka ba?" Ani ko kay Hymn na nagkrus pa ang mga kamay ganon din ang kaniyang paa. Psh. Feeling babae.
"Whatever." Kinurot siya ng asawa niya kaya wala na rin siyang pagpipilian pa. Mukhang under 'to sa asawa niya ah.
"Promise hindi ikaw ang pag-uusapan namin." Pang-aasar pa ni Cords kaya magsasalita pa sana si Hymn kaso tinaboy na siya ng asawa niya sa pamamagitan ng pagkumpas ng kamay. Napabuntong hininga na lang si Hymn at nakangusong nagmartsa palayo.
"So? Titigil ka muna ng pag-aaral?" Tanong ni Hex kay Sphene. Seryosong usapan ito kaya dapat seryoso rin ako.
"I will. My mom and dad told me to do so. Even though they are the ones who pushed this wedding, they somehow felt disappointed of me. Pero masaya rin naman sila na may apo na sila agad."
"Oo nga naman. Ilang taon na lang at makakapagtapos ka na e. Well, the baby is also a blessing. We should accept it na lang." Ani ni Cords na ngayon ay hindi na naka hawak sa cellphone niya.
"Kaya mo 'yan, Sphene. Ikaw pa." Pag-e-encourage ni Hex kay Sphene.
"Nandito lang naman kami palagi e. Mukhang naadik na si Hymn sa'yo ah. In fairness sa'yo bwi." Hinampas ko pa siya pero syempre mahina lang. Tumawa naman kaming lahat dahil sa sinabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/189474712-288-k265766.jpg)
BINABASA MO ANG
This Feeling
RomanceAng magkagusto kay Raphael Olson ay napakakomplikado para kay Adaria Lockheart. Unang-una ay dahil kaibigan niya ito at ang pangalawa ay bakla ito. Ano ang mga posibleng mangyayari kung lahat ng sakit ay sabay-sabay niyang mararamdaman? Susuko na l...