20

160 14 2
                                    

Chapter 20

Adaria's Point of View

"Ang ganda." Namamangha kong ani ng makita ang tanawing nasa harapan namin ngayon. Ang mga ilaw na nanggagaling sa mga kabahayan at gusali sa aming syudad ay kitang-kita mula sa aming pinaglalagyan. We are at an elevated place just so he would show me how beautiful our city was. 

"I know right." Tumango na lang ako at naupo sa gilid ng kalsada. Mahangin kaya mas nakakadagdag iyon sa magandang pakiramdam na dinaranas ko ngayon. 

"How are you? Mukhang abalang-abala ka na sa banda mo baka napapabayaan mo na ang pag-aaral mo lalong-lalo na ang sarili mo. Alam mo bang minsan na lang kitang makita at namimis na kita? But despite all of the things that you have been doing right now, I know that it is something you really wanted to do. And I will always support you no matter what happens." Naramdaman ko naman ang pagtabi niya sa akin kaya nilingon ko siya. 

"I'm trying my best. Minsan nga gusto ko nang sumuko kaso kapag naaalala ko na may mga tao naniniwala sa akin ay nabubuhayan ako." Naka ngiting ani niya na naka tingin na ngayon sa tanawing nasa harapan namin. Just by looking at his smile, it also made me smile. 

"How about your parents? Okay na ba sila? Kayo?" I ask then his smile slowly disappeared. The sadness in his eyes is now replacing the gladness a while ago.

"They said they are trying to fix it. Kahit na hindi nila sinasabi ay napapansin ko na minsan nagpapanggap na lang sila na okay sila. Dahil siguro alam nilang malulungkot ako. I was still hoping that they will be together again. Maybe there are things that we shouldn't force. At isa doon ang relasyon ng mga magulang ko." Malungkot niyang sabi, kita ko naman iyon sa kaniya. I even remembered how he cried when we were still young. 

"You can also lean on me, Raph." Pagkasabi ko 'non ay hinawakan ko ang ulo niya para isandal sa kanang balikat ko. Hindi naman siya umangal kaya napangiti ako. Nanatili kami sa ganoong posisyon. Walang nagsasalita, ang tanging tunog na naririnig namin ay ang mga insekto sa paligid. Wala ring lamok na umiistorbo sa maikling sandaling iyon. 

"I think I already have the answer to your question." Nangunot ang noo ko noong magsalita siya, hindi ko na-gets ang sinabi niya. Nang umayos siya ng upo ay doon na niya nakita ang naguguluhan kong mukha. Tumawa pa siya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Sa tingin ko naka move-on na ako sa Kuya mo." Napa-ahh na lang ako nang linawin niya ang sinabi niya kanina. 

"Sa tingin mo lang 'yon. 'Di joke lang. Weh? Sure ka?" Mapagbirong ani ko kahit na sa kaloob-looban ko ay may mga isipin na namang naroon sa isipan ko. I'm concluding and overthinking, again. 

"Paano mo ginawa 'yon? Paturo naman at baka makatulong rin sa akin in the future." Makahulugang ani ko sa kaniya na kinakunot ng noo niya. 

"Gagi ka gurl. Basta ang ginawa ko ay hindi ko na itinuon ang buong atensyon ko sa kaniya. I tried to unfollow all of his social media accounts just so I will not see his posts. Nakatulong rin iyong pag-amin ko sa kaniya, sumunod na rin iyong unang binanggit ko. I then learned to accept that Ady and I will never exist as a couple. My one-sided love will just stay as it is. Ganoon ang ginawa ko." Marinig ko pa lang ang mga ginawa niya para makalimot ay na-stress na ako. The fact that the confession is one of the most important things to do to move on, it really made me sad. 

This Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon