Chapter 14
Raphael's Point of View
"Adelmund, can I talk to you for a minute?"
"Of course. Ano ba 'yon?" I signed as I gather enough courage to confess to him. It's the day when I decided to tell all of my friends about my true identity.
Tanggap na ako nang aking mga magulang siguro panahon na rin pala malaman ng mga kaibigan ko ang totoong ako. Napagdesisyunan ko na ring umamin kay Adelmund. Na realize ko kasi na wala na akong pag-asa sa kanya. Ayaw kong ma stuck sa isang sitwasyon kung saan pinipilit ko ang sarili ko sa isang tao. At ayaw ko ring masira ang nabuong pagkakaibigan namin ni Hex.
"Please h'wag ka munang magsalita habang nagsasalita ako. Pakinggan mo lang ang sasabihin ko. Please don't freak out." Ani ko sa kaniya.
Nasa fountain kami ngayon. I first talked to Adaria about this and she is so supportive. She cheered for me. Masaya rin siya at sa wakas raw ay aamin na ako. I smiled as I remembered her funny reaction. She is just so extra sometimes.
"Okay?" Nalilitong ani ni Adelmund. Napabuntong hininga uli ako dahil kinakabahan talaga ako. I tried to cheer myself and remembered what Ads did earlier.
"First of all, I'm sorry. Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan pero kailangan ko na rin kasing gawin 'to para makalaya ako." Tahimik lang siya at tinignan lang ako. Hindi nga siya magsasalita. Very good!
"I've been pretending in my whole life. And I'm sorry if I ever made your relationship with Hex complicated." Nangunot ang noo niya kaya tinuloy ko na lang ang pagsasalita.
"I'm pretending to be someone that I am not. Do you know Rafaela? The girl you text and chat with." Nanlaki naman ang mga mata niya ngayon. Nagtataka siguro siya kung papaano ko nalaman ang tungkol doon.
"How did you know that?" Aniya kaya nagsalita uli ako.
"She is me. I'm catfishing, Adelmund. I'm gay and I like you. No, I love you." There, I confessed. I already spilled the tea.
"What? Are you joking?" Umiling naman ako sa kaniya bilang sagot sa tanong niya. Napahilamos siya sa mukha niya nang malaman ang sagot ko.
"I'm confessing to you so I can move on. I don't have such intentions to win your heart. I just want you to know the truth." Ani ko sa kaniya kaya napaupo siya sa fountain. Nakatayo lang ako habang nakatingin sa kaniya.
"Did Adaria know about this? Did Hex knew?" Tanong niya."Alam ni Ads na bakla ako pero hindi alam nang mga kaibigan niya. And they don't know about our secret." Sagot ko sa kaniya na kinahinga niya nang maluwag.
"I want you to keep our secret. I know it's hard to confess your feelings about me. I understand what you're trying to say and I accept you. Sorry pero ayaw ko munang sabihin ang tungkol dito kay Hex. We recently got into a fight and I realized how stupid I am. Hindi pa kami pero nakuha ko nang mag cheat." Nababahalang sabi niya kaya tumango na lang ako.
"Pero Adelmund sana maging handa ka na sa lalong madaling panahon. I don't want to keep secrets from my friends. Alam kong nasaktan ka na noon pero hindi ibig sabihin 'non ay may karapatan ka na ring manakit nang iba. Naging kaibigan ko na rin sila. And I see that she is really in love with you. Please treasure her because you will regret it if you don't." Mahabang payo ko sa kaniya.
"Salamat rin sa pagtanggap sa akin. Napasaya mo ako nang dahil doon. Sana rin na hindi pa rin magbabago ang pakikitungo mo sa akin." Sabi ko pa sa kanya kaya tumingin naman siya sa akin. Ngumiti siya at nilahad ang kaliwang kamay niya. Medyo nagulat pa ako pero tinanggap ko na rin iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/189474712-288-k265766.jpg)
BINABASA MO ANG
This Feeling
RomanceAng magkagusto kay Raphael Olson ay napakakomplikado para kay Adaria Lockheart. Unang-una ay dahil kaibigan niya ito at ang pangalawa ay bakla ito. Ano ang mga posibleng mangyayari kung lahat ng sakit ay sabay-sabay niyang mararamdaman? Susuko na l...