Chapter 21
Adaria's Point of View
Chena Madrigal
(Do you think that we are already done? No, you're just experiencing the first few levels of hell. Sa tingin mo ba ay 'totoo' ang mga taong nakapaligid sa'yo? Well you thought wrong.)
(Here is a video. See it for yourself. AHHAHAHAHAHAHAHA)
Those were the messages that I have received from Chena days after I went home from Raphael's house. Hindi ko akalaing matapos ang mga masasayang araw na 'yon ay may kasunod agad na malulungkot.
"What's the meaning of this?!" Rinig kong sigaw ni Hex. Napabangon naman ako sa higaan ko para tignan kung anong nangyari sa kaniya. Bubuksan ko na sana ang pintuan pero binuksan niya na ito mismo. Dala-dala niya ang kaniyang cellphone habang nakatingin doon na wari mo ay hindi makapaniwala sa nakikita niya.
"So, ginago lang pala tayo ni Raph. Plastic pala iyong baklang iyon!" Malakas niyang ani na nanlilisik pa ang mga mata niya. Sumunod naman si Cords na kakapasok lang at mukhang nakatanggap rin sila ng mensahe galing kay Chena.
"At ito namang Kuya mo e nambabae o namakla? I don't know how to call it. Hindi pa kayo noon ng Kuya niya tapos nangbabae na este namakla. Grabe! I can't believe it. Ginamit niya lang si Ads para mapalapit sa Kuya niya." Umupo na ngayon si Cords sa kama ko habang kinakausap si Hex na naka upo na ngayon sa upuan ng study table ko. Nakatayo lang ako habang nakatingin sa mga reaksyon nila. I'm speechless. Am I going to lose someone again? Una si Sphene, ngayon naman ay si Raph at ang nakakalungkot doon ay ang taong gusto ko pa.
"Hoy! Ads, okay ka lang ba d'yan? 'Wag kang mag-isip ng masyado. Don't stress yourself. Natulog ka ba? Ang eyebags mo Dzai, sobrang obvious." Nag-aalalang ani ni Hex sa akin. Hinila naman ako ni Cords paupo sa kama ko. Marami na rin kasi kaming ginagawa sa school dahil patapos na ang ikalawang markahan. May gagawin ring activities para sa Intramurals ng school. Nagkakasabay-sabay na ang lahat, kakayanin ko pa ba?
"Siya pala ang may pakana ng mga pang-bu-bully sayo nina Chena tapos malalaman na lang natin na dahil pala iyon sa Kuya mo. Ang nakakagago lang e naniwala akong nagbago na ang Kuya mo. Akala ko nabago ko siya, hindi pala." Hex emotionally said. I immedaitely ran towards her to comfort her. Naalala ko tuloy iyong araw na nakita ko ang pag-chat ni Kuya kay Raph. I was so sad that day. Iniwasan ko pa nga si Raph 'non.
"I think I need a breather. Ads, uuwi muna ako sa amin." Napabangon naman si Cords at lumapit sa amin.
"Ako rin, Ads. Kailangan ko na ring umuwi. Alam mo na." Tumango na lang ako bilang sagot sa kanila.
Uuwi lang naman sila ngunit bakit pakiramdam ko, mag-iisa na naman ako.
"I'm sorry, Ads." Paghingi nila ng paumanhin.
![](https://img.wattpad.com/cover/189474712-288-k265766.jpg)
BINABASA MO ANG
This Feeling
RomanceAng magkagusto kay Raphael Olson ay napakakomplikado para kay Adaria Lockheart. Unang-una ay dahil kaibigan niya ito at ang pangalawa ay bakla ito. Ano ang mga posibleng mangyayari kung lahat ng sakit ay sabay-sabay niyang mararamdaman? Susuko na l...