15

147 9 3
                                    

Chapter 15

Adaria's Point of View

"Ano ang gusto mong sabihin, Hymn? Kinakabahan naman ako sayo e." Biro ko pa pero hindi man lang nag-iba ang emosyon sa mukha niya. Masyado siyang seryoso. Nakita ko pa na naglilikot ang mga kamay niya habang may hawak na paperbag ngunit ang tingin niya ay taliwas sa nakikita sa mga kamay niya. Kinakabahan ba siya? Rinig ko pa ang malalim na pagbuntong hininga niya.

"Hoy! Okay ka lang? Kung may problema kayo ni Sphene ay tutulungan kita. Bakit? Ano ba ang nang---"

"Wala!" Nagulat pa ako nang bigla siyang nagsalita. Yumuko pa siya bago ibinalik sa akin ang tingin niya.

"Anong wala?" Naiilang na ako sa kaniya. Parang nararamdaman ko na hindi ko gugustuhin ang sasabihin niya. Kinakabahan ako.

"Walang kami ni Sphene. We were never real." Aniya na kinakunot nang noo ko. Nakakagulat ang mga sinabi niya sapagkat anong ibig sabihin nang mga kilos nila sa isa't isa.

"What do you mean? You live in the same roof and you tell me na hindi kayo? Anong kalokohan 'yan?" Nababahala kong tanong sa kaniya. Naiinis ako dahil kung ganoon ay pinaglalaruan lang niya si Sphene.

"Yes. Hindi talaga kami at nagpapanggap lang kami. Mali naman kasi ang sinabi nang kabanda ko noong audition namin kasi ikaw!" Pasigaw na aniya pero may pa suspense pa siyang nalalaman.

"Anong ako?!" Sigaw ko rin sa kaniya dahil naiinis na ako sa kaniya.

"Ikaw ang gusto ko, Adaria. It should have been your name that I will say to everyone. Not her name." Nakaramdam ako nang kung ano sa dibdib ko nang sabihin niya iyon. Hindi dahil sa saya kung hindi sa sakit. Nasasaktan ako para sa kaibigan ko. Gustong-gusto niya ang lalaking nasa harapan ko ngayon pero hindi ganoon ang nararamdaman nang nasa harap ko para sa kaniya.

"E! Ang gago mo naman pala e! Bakit 'di mo pa sinabi kung ganoon? Bakit hindi ka tumanggi? Gago ka ba?" Medyo nagulat siya sa sinabi ko pero wala na akong pakialam sa magiging reaksyon niya.

"Ayaw ko siyang masaktan kasi kaibigan ko siya." Aniya pero umiling-iling ako sa sinagot niya.

"Sa tingin mo ba hindi mo pa rin siya nasasaktan nang dahil sa ginawa mo? Alam mo! Pinapaasa mo lang siya!" Ani ko sa kaniya bago ko siya tinalikuran.

"At sana hindi maging rason ito para masira ang pagkakaibigan namin dahil kung oo ay pagsisisihan mo ito." Sabi ko pa at nagtuloy na sa paglalakad.

Pagkabalik ko ay tinignan nila ako na may pagtatanong sa kanilang mga mata. Binaling ko naman ang tingin ko kay Sphene na ngayon ay nakayuko pa rin. Lalapitan ko na sana siya kaso naglakad na siya palayo sa akin. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko!

"Sphene! Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya habang hinahabol ko siya.

"Sphene! Teka lang! Mag-usap tayo please!" Sinubukan kong sabayan ang lakad niya pero ang bilis talaga niya. Nang mas binilisan ko pa ang paglalakad at takbo ay hinila ko na agad ang braso niya. Napatigil naman siya. Nakatalikod lang siya sa akin pero napansin ko na na umiiyak siya.

"Gustong-gusto ko siya Ads at tinitiis ko na lang ang sakit kahit nagpapanggap lang kami. Bakit pa kasi ikaw pa? Ikaw na kaibigan ko?" Aniya na kinatulo nang mga luha ko. Ayaw kong nawalan na naman nang taong mahalaga sa akin. Ayoko!

"Sphene, please believe me! Hindi ko naman siya gusto e. Alam mo naman kung sino ang gusto ko diba?" Naglakad ako papunta sa harap niya para makita niya ang sinseridad ko.

This Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon