29

202 9 0
                                        

Chapter 29

Adaria's Point of View

ISANG linggo na pa lang nangliligaw sa akin si Raph. Everyday is a beautiful day to be in love. Sa isang linggong iyon ay napakita niya sa akin kung gaano siya ka simp pero hindi naman iyong exaggerated na simp. He is just so extra when it comes to me. Minsan nga nababahala ako kung sa una lang ba talaga ito kaso umaasa rin ako na hindi. I can't afford to get hurt but that's part of loving someone, right? Kaso hindi dapat maabot sa punto na nagpapatanga ka na sa kaniya na hindi mo na namamalayan na para ka ng kandila na nauupos hanggang sa wala nang matirang pag-mamahal sa sarili mo.

He is my first love and hopefully my last love. Marami ang nagtatanong sa akin kung bakit wala man ni isa akong naging nobyo. Kahit fling o ka mutual understanding daw e wala ako. I date to marry. That's the main reason why. Dating is not a game for me. Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin kako hindi na daw uso e ano naman. Kung uso sasabay agad? Kung usong magpabuntis sa murang edad, gogora ka? Well, not me. They have this mentality na dapat before 30 e dapat may anak ka na kasi daw baka tatanda kang dalaga o para maabutan mo pa ang mga anak mo pagcollege na sila and you get to enjoy your parenthood life. Yes, you get to enjoy your parenthood life but how about your children? Are you gonna treat them like a piggy banks just to break them when they are ready to serve their purpose?

Hindi ba mas maganda, while you were on your 20s, you are busy on making yourself successful para in the future hindi ka na maghihirap na palakihin ang mga anak mo at hindi rin maghihirap ang mga anak mo. Break the cycle of toxic and bad parenting, learn from it. Your future children will be very grateful.

Saan ko ba nahugot ang lahat ng ito? Siguro sa mga kaibigan ko, I am their vent-person and secret-keeper. Grabe talaga itong utak ko, overthinker. Well, what can I say, smart things.

"Ads, pumunta tayo sa Past Four Bar mamaya, tagal na rin nating hindi pumupunta 'don." Ani ni Cords na naka higa sa kama ko habang si Hex naman ay busy sa kaniyang cellphone. Since kasi noong sa amin ni Raph, hindi na kami masyadong pumupunta doon. Si Hex din iniiwasan si Kuya 'non at si Cords naman ayaw niyang pumunta kong hindi kami pupunta.

"Okay lang sa akin, namiss ko na rin ang ambiance doon kahit na hindi ko masyadong gusto dahil sa nakakahiling ilaw nila at mga wild party people na suki doon." Pagsang-ayon ko kaya napabangon si Cords.

"Yes! If that's the case, let's go party party!" Nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Hex.

"Nakikinig pala ang bruha, hinihintay mo lang ang 'oo' ko nuh?" Ani ko sa kaniya kaya tinaasan ako ng kilay ni bruha.

"For your information, hindi kaya bruha ang pangalan ko. My name is Hex Y. Lockheart. At hindi ako ang naghihintay ng 'oo' mo 'no, si Raphael ho ang naghihintay hindi ako." Aniya kaya natawa si Cords.

"Saan ka natatawa Cords, sa pagiging assumera niya or sa corny na joke niya?" Natatawa ko na ring ani kasi nakakahawa talaga ang tawa ni Cords.

"Gagi pwede both?! Amfeeling mo! Yawa." Ani ni Cords habang naka hawak sa tiyan niya at maluha-luha na rin dahil sa kakatawa niya.

"Amfee man sa inyong paningin, totoo naman talagang ako'y aasawain. Che! Mga panira ng trip 'tong mga 'to. Aasawain naman talaga ako ng kuya mo Ads, patay na patay kaya iyon sa akin." Nag hair-flip pa ang gaga. Edi siya na aasawain. Naol!

"Sus! Parang hindi rin siya patay na patay sa kuya ni Ads." Ani naman ni Cords na ngayon ay humuhupa na ang pagtawa niya.

"At least diba, quits na kami. Patay na patay ako sa kaniya at patay na patay rin siya sa akin." May pa action pa siya sa kamay niya.

This Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon