Chapter 33
Adaria's Point of View
LAST week na ngayon ng panliligaw ni Raphael sa akin. Noong nakaraang linggo na naisipan naming magmovie-marathon, we postponed it and scheduled it for this week. After that conversation with him at Mang Inasal, parang mas mabuti nalang na e postpone. Kaya napagkasunduan namin na ngayong linggo na lang namin gawin at nag-imbita rin kami ng mga kasama. The more the merrier nga ika nila.
"Parang ang tagal na noong huli nating pagpunta dito sa bahay niyo, Raphael ah. Ilang taon na rin ang nakalilipas, sobrang linis at ganda pa rin ng bahay ninyo." Pagpupuri ni Abiss sa bahay nila Raph.
"Huwag ka ngang umarte na parang hindi ka nakakapunta dito makalipas ang ilang taon. Parang hindi tayo magpinsan ah." Binatukan siya ni Raoh kaya natawa kami sa kaniya.
"Aray! Co-okay. Edi wow." Natahimik kami at napatingin kina Abiss at Cords. Mukhang hindi magkasundo ang dalawa, well kailan ba sila nagkasundo? Natauhan na ba si Abiss? Susuko na ba siya? Noon kasi kapag inaasar namin siya e magsusumbong siya kay Cords pero iba na ngayon. Muntik na niyang gawin pero hindi niya ito tinuloy.
"We're here! Raphael, saan namin 'to ilalagay?" Biglang sulpot nila Kuya at Hex kaya nawala na ang tensyon kina Abiss at Cords.
Naupo na si Abiss sa pang-isahang sofa habang si Cords naman ay tinulungan si Hex sa mga dala niyang pagkain. Nagkatinginan pa kami ni Hex, nagtatanong ang mga mata niya kaya nagsalita ako pero iyong walang tunog. Sinigurado ko na maiintindihan niya iyon, tumango naman siya kaya pumunta na sila sa kusina kasama si Cords at si Kuya. Sumama na rin si Raph sa kanila. Naiwan ako kasama si Abiss. Naupo naman ako sa gilid ng isang mahabang sofa.
"Ilang araw na lang, magiging kayo na ni Raphael. Anong nararamdaman mo ngayon?" Aniya, gusto ko sana siya tanungin tungkol sa kanila ni Cords kaso naunahan niya ako.
"Kinakabahan ako na ewan. He will be my first boyfriend so, I just don't know what to feel. Mix emotions ang nararamdaman ko." Sagot ko sa kaniya. Tumango naman siya. Ang seryoso niya ngayon, ang layo nito sa karaniwan niyang mapilyong personalidad.
"But don't expect your relationship be like all positive because there will be conflicts also. And I hope that you will get through it and have a healthy relationship. Kung may tanong ka tungkol sa pag-ibig, huwag kang maghiyang magtanong."
"Kung may rite med ba nito?" Tanong ko sa kaniya kaya napatawa na lang kami dahil sinabi niya rin iyon kasabay ko.
"Hindi seryoso na. Paano ba magkaroon ng healthy relationship?" Seryosong tanong ko sa kaniya.
"Kumain kayo ng prutas at gulay para maging healthy." Naka ngisi niyang ani. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Seryoso nga e." Ani ko sa kaniya kaya napaayos siya ng upo.
"Search mo na lang sa google, marami don." Sagot niya na hindi na sa akin nakatingin. Nilingon ko naman ang tinitignan niya. Si Cords na kinakausap si Canon. Si Canon ba ang rason kung bakit ganoon si Abiss kanina?
"Teka lang may tumatawag, maiwan na muna kita." Ani niya nang tumutunog ang cellphone habang hawak-hawak niya ito.
"Hello, Yami." Pagkarinig ko sa pangalan ay napalingon ako kay Cords na ngayon ay tinatanaw si Abiss mula sa pintuan nila Raph.
"Oh, no. This is not good but good as well. Ewan." Ani ko sa sarili ko habang nakatingin kina Cords at Abiss.
"Hey, anong binubulong-bulong mo diyan? Gutom ka na ba?" Biglang sulpot ni Raph kaya nagulat ako.
"Ito naman, bigla na lang susulpot." Hinampas ko siya sa braso niya habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa dibdib ko.
"Oh, nanghahampas ka na naman. Humanda ka talaga sakin pagmag-asawa na tayo." Nanggigil na ani niya habang kinukurot ang pisngi ko.
"Ang sakit, Raph. Gusto mo sabunutan kita?" Hinawakan ko naman ang buhok niya at bahagyang hinila ito.
"Bitawan mo ko, Ads." Aniya habang pilit na kinukurot pa rin ang pisngi ko kaya nilakasan ko ang paghila sa buhok niya.
"Ikaw muna, ikaw ang nauna e." Ani ko sa kaniya.
"Awat na hoi, kayo ha! Maya na kayo magharutan dahil manonood muna tayo ng pelikula." Biglang sulpot ni Hex na may dalang isang box ng pizza kaya napabitaw ako.
"Gutom lang pala siya, oh siya kumain ka na." Tinantanan naman na ako ni Raph kaya masaya ko siyang tinignan at hinila papunta kay Hex na nilapag ang box ng pizza sa mesa. Kumuha ako ng isa at sinubo ang isang slice ng pizza sa bunganga ni Raph. Binitawan ko naman agad iyon mabuti na lang at hinawakan niya ito agad.
"Akala ko ipalalamon muna sa akin ang buong slice, Ads. May awa ka pa pala sa akin." Kunwaring naiiyak na ani niya.
"Anong movie ang papanuorin natin?" Tanong ni Kuya sa amin habang siya ay malapit sa TV hawak ang remote control.
"Speaking of movie, manood tayo ng sine April 1 ha! Ako na manlilibre." Ani naman ni Raph kaya nilingon ko siya.
"Sige ba basta libre, go ako." Ani naman ni Abiss na kakapasok lang.
"Ayiie, diba iyon ang araw na magiging official na sila ni Adaria? Sheyt. Kinikilig ako." Kinikilig na ani ni Hex. Nagtatalon pa siya habang niyayakap ang box ng pizza.
"I know right! I am also invited?" Canon asked excitedly.
"Of course, it will be a date night slash movie night for us 10." Rinig namimg ani ni Sphene na kararating lang kasama si Hymn at Yami.
"5 couples to be exact." Abiss said as he walk his way to Yami. Inakbayan niya pa ito.
"Game, let's have a group date." Ani naman ni Cords na kanina pa tahimik.
Hala! Ano 'to?
"Mukhang may nagseselosan sa isa't isa, bwi. Tignan natin kung sino ang unang sasabog dahil sa selos." Bulong ni Raph sa akin.
"Talaga? That's what I've been observing, kanina pa. May ideya ka ba kung bakit nagkaganito sila? Canon and Yami is on the picture? How did it happen?"
"I don't know too but we will certainly know it. We are certified marites after all. Paano sila naunang magkajowa kesa sa atin? The nerve, right?" Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Whatever, Raph. We will be each others jowa naman on April, just wait." Ani ko sa kaniya kaya natawa siya.
"Ang conyo mo bwi, shataph ka na lang dahil magsisimula na ang pelikula."
. . .
sh_incognito
A/N: Hi! Hello! Thank you for reading Chapter 33! Godbless!
Happy 2.26k reads! Wuv u all, Nabis
♡˖꒰ᵕ༚ᵕ⑅꒱Thank you jasygorgeous for the follow. Wuv u mwuah mwuah tsup tsup. ꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡
BINABASA MO ANG
This Feeling
RomansaAng magkagusto kay Raphael Olson ay napakakomplikado para kay Adaria Lockheart. Unang-una ay dahil kaibigan niya ito at ang pangalawa ay bakla ito. Ano ang mga posibleng mangyayari kung lahat ng sakit ay sabay-sabay niyang mararamdaman? Susuko na l...