07

139 13 1
                                    

Chapter 7

Adaria's Point of View

"R-RAPHAEL?" Bakit ba ang lapit niya? Bakit ganyan siya makatingin? Hindi ko tuloy maiwasang titigan rin siya. Bumaba ang mga tingin niya sa labi ko kaya ganoon rin ang ginawa ko. Nakakainggit ang mapupula niyang labi.

Is he going to kiss me?

I'm secretly anticipating his lips on mine but it never touched mine. He is now unconscious. His head is on my shoulder. This guy smells like alcohol. This is probably the reason why I don't drink.

I even remembered the lyrics of 'when you're drunk' by lany. They say, we say the truth when we're drunk but is it really true? Because just like what the song says, 'Is it love? If you only ever want me when you're drunk? If the only time you ever think of us? Is it love? Is it true?'

Maybe I'm just assuming.

"Man! What will I do to you?! You're probably heavy." Ani ko sa kaniya kahit na hindi naman niya iyon rinig dahil knock out na nga siya. Tinulak ko siya sa sofa at doon pa lang ay mabigat na talaga siya. He looked cute when he's sleeping. I pinch his checks because he's just so adorable.

"Anong bang dapat gawin? Nasaan ba ang mga kasama ko?" Nilabas ko ang aking cellphone sa aking sling bag at pinindot ang numero ni Hex. Ilang minuto na itong nag-ri-ring pero hindi pa rin niya sinasagot. Nakakastress naman nito.

"Kuya, sagotin mo. Please." Sinunod ko naman si Kuya dahil ilang tawag na rin ang ginawa ko kay Hex pero hindi pa rin niya sinasagot.

"Pati ba naman si Kuya? Anong kababalaghan kaya ang ginagawa ng dalawang iyon? Marupok pa naman iyong kaibigan kong iyon. Naku!" Tinignan ko pa saglit si Raph dahil tumagilid siya ng higa sa sofa. Inayos pa niya ang paa niya at nilagay ang mga paa niya sa kandungan ko.

"Wow!" Iyon na lang ang tanging naging reaksyon ko sa ginawa niya. Masyado na siyang abusado ha!

"Baka si Cordelia! Mahal ako masyado ng kaibigan kong iyon kaya sasagutin niya ako at kapag hindi! Naku! Salamat na lang sa lahat!" Ani ko at tinawagan na nga si Cords.

"Salamat na lang talaga sa lahat, Cords." Bulyaw ko sa cellphone ko. Siguro baliw na ang tingin ng mga tao sa akin dito sa bar. Narinig kasi nila ang sigaw ko at may ilan pang natawa.

"Happy pill mo ako kuya?" Bulong ko na lang sa sarili ko habang sinunod ko naman si Sphene.

"Sphene, beke nemen." Muling ani ko na umaasa na sagutin niya ako ngunit hindi iyon nangyari.

Luma-love-life ang mga kaibigan mo kaya sana ikaw rin.

Ang rami nang kabaliwan ang pumapasok sa isipan ko. Huminga muna ako ng mga ilang beses para pakalmahin ang sarili ko bago ako nagdesisyon na subukang gisingin si Raphael.

"Raphael. Gumising ka naman oh. Hindi ka si sleeping beauty bhie kaya bumangon ka d'yan. Ako dapat ang nasa posisyon mo." Niyugyog ko pa siya para effective ang panggigising. Napaungol pa siya ngunit hindi niya nagawang buksan ang mga mata niya.

"Kailangan ba talagang umungol?" Ani ko sa kaniya na kapanteng hindi niya naman iyon maririnig at maiintindihan.

"Adelmund." Aniya na kinakunot ng noo ko. Bakit niya tinatawag si Kuya?

Kinutuban na ako pero hindi ako naniwala roon.

"Raphael. Raphael, please cooperate. Sana ma-realize mo na mabigat ka, ano!" Ani ko sa kanya na kinadilat ng mga mata niya kaya nasilayan ko uli ang mga berdeng mata niya.

This Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon