Prologue
"K-Kuya, w-what happened to Mom and Dad? W-Where are they?" Naluluha kong tanong kay Kuya Adelmund.
"It's all your fault Adaria! It's because of you why Mom and Dad is dead. I hate you so much."
"N-No, please. D-Don't say that? I don't know. P-please Kuya. Forgive me." Napahagulhol na lang ako ng biglang nagwala si Kuya. Nabasag na ang mga babasagin at nasira na ang mga bagay na noon ay puno ng mga ala-ala ay ngayo'y wala na.
"K-Kuya y-your b-bleeding." I'm shaking right now. Namayani ang takot sa sistema ko. Nanginginig ang mga kamay ko at naluluwa na lang.
I fear blood.
Then Kuya left.
"A-Adaria, iha. Halika rito." Dumating bigla si Nanay Lucy. Tumakbo ako sa kanya at niyakap siya.
"Kuya left. He never wanted to forgive me. I'm sorry po." Naging emosyunal pa ako lalo at humigpit naman lalo ang yakap ni Nanay Lucy.
"Hindi mo kasalanan iyon, Adaria. Ang Kuya Adelmund mo ay nabigla lang tungkol sa nangyari sa mga magulang niyo. Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil wala ka namang kasalanan."
"Maybe if I don't have this weak body, Mom and Dad is still alive and Kuya won't hate me. Sana wala na lang ako. Sana ako na lang ang nawala." It's too much for me to handle. For such a young child like me. I lost my parents because of me.
"Tama na, iha. Mapapatawad ka rin ng kuya mo." Still, I'm hoping he'll forgive me 'cause he is all I got now.
LIMANG taon na ang dumaan ngunit parang anino lamang ako para sa Kuya ko. Ngunit nagpapasalamat na rin ako dahil kahit papaano ay hindi niya ako pinabayaan.
"Happy birthday, Adaria. You're ten now. Kyahhh. Can we go to your house?" Excited na sabi ni Hex at Cordelia sa kabilang linya.
"I'll ask Kuya." Baka hindi na naman ako payagan. He will just ignore me or get annoyed at me.
"Sige bye. See you later." Sabi ni Cords.
Kinakabahan akong pumunta sa kwarto ni Kuya para humingi ng permiso. Wala kasi si Nanay Lucy. May sakit siya kaya umuwi muna siya sa kanila.
Sobra akong nalungkot nang wala si Nanay Lucy. She's all I got. Si Kuya kasi parati na lang akong sinusungitan.
Knock Knock
"K-Kuya?"
Walang sumagot.
"Kuya!" Linakasan ko ang tawag ko sa kanya baka kasi nasa banyo siya.
"Ano?!" Biglang bumukas ang pinto at lumitaw ang galit niyang mukha.
Kinabahan ako lalo.
"A-Ah. K-Kuya. Pwede ko bang imbitahan sina Hex at Cord sa bahay. Birthday ko kasi ngayon." Nakayuko kong sabi. Tumingin ako sa kanya ng hindi pa siya sumagot.
"Okay." Maikling sabi niya.
Dahil sa saya ko niyakap ko siya.
Tumakbo na ako sa kwarto ko para tawagan sila Hex at Cords.
Wala na daw akong dapat alalahanin tungkol sa pagkain dahil pupunta ang ilang mga yaya nila para dalhan ako ng pagkain. Sila na raw ang bahala dahil birthday ko raw.
Nang dumating sila ay sobra akong nasiyahan. Nag-swimming kami sa pool. Sobrang saya ko sa araw na iyon.
Nakisali rin si Kuya sa amin. Si Hex naman ay sobrang kinikilig. Nakita niya kasing topless si Kuya.
BINABASA MO ANG
This Feeling
RomanceAng magkagusto kay Raphael Olson ay napakakomplikado para kay Adaria Lockheart. Unang-una ay dahil kaibigan niya ito at ang pangalawa ay bakla ito. Ano ang mga posibleng mangyayari kung lahat ng sakit ay sabay-sabay niyang mararamdaman? Susuko na l...