Chapter 19
Adaria's Point of View
"Paano tayo makakapag-night swimming kung naka pajama na tayo agad?" Tanong ko sa kaniya habang abala siya sa pag-se-set-up ng papanoorin naming pelikula.
"Bakit ba? Hindi ba pwedeng maligo ng naka pajama? Magbibikini ka pa? Masyado ka namang excited e mamaya pa naman iyon." Aniya matapos niyang gawin ang ginagawa niya. Lumapit naman siya sa kama niya para tumabi sa akin.
"Kung sa bagay ay mas mainam iyon kaysa pagsuotin mo ako ng bikini." Sabi ko naman habang nasa tv ang tingin.
"Naku 'wag na 'wag mong subukan magsuot ng bikini baka may masapak pa ako 'tas baka maagawan mo pa ako ng mga Papa." Malditang aniya habang kinukumutan ang sarili niya.
"Ikaw? Mananapak ng Papa? Hindi na lang ako magsusuot ng bikini kung mangbubugbog ka rin naman. Bad iyon! Tsaka baka ikaw pa ang mabugbog." Natatawang ani ko habang ngumunguya ng popcorn.
"Dapat lang."
Gusto ko mang magsalita pa pero hindi ko na lang ginawa dahil nagsimula na rin ang pelikula. Barbie iyong pinapanood namin, hindi na ako umangal kasi nalimutan ko na rin ang takbo ng storya ng pelikulang ito. Sa natatandaan ko ay magkaparehas kami ng dinadaranas ni Kevin na matalik na kaibigan ni Barbie. Parang si Raph rin naman si Barbie kasi may banda rin siya. Kumakanta at naggigitara.
Oo nga naman Barbie talaga siya. Sabi ko na Barbie!
Nang nandoon na kami sa eksena kung saan ay pinipilit ng mga kaibigan ni Barbie na umamin si Kevin ay napapatingin na lang ako sa katabi ko. Nakikita ko tuloy sina Hex at Cords sa mga kaibigan ni Barbie. He started showing his intentions to Barbie by writing poems about how he admired Barbie. But the downside is that Barbie thought it was Todd who sends those letters on her locker.
Hindi ko na lubos na nasubaybayan ang pelikula dahil sa naiisip ko ang pag-amin ko kay Raph. Kaparehas ng rason namin ni Kevin, hindi niya rin gustong masira ang kung ano man ang meron nila ni Barbie. He doesn't want to ruin their friendship.
Will I risk our friendship? Will I have the courage to confess like Kevin?
"Oh! Napano ka d'yan? Are you sleepy?" Natapos na kasi ang pinapanood niya na sana ay ako rin. Lumipad ang isipan ko dahil sa isipang hatid ng pinanood namin.
"Hey." Nagulat pa ako na humarap sa gawi ko si Raph. Ang kaliwang kamay niya ay nasa tenga niya—binubuhat ang bigat ng ulo niya. Tinukod niya iyon sa unan niya.
"Oh? 'Di ah!" Pagtanggi ko sa paratang niya na inaantok na ako. May iniisip lang ako na may kinalaman sa kaniya.
"Night swimming na tayo?" Pag-aya niya sa akin na ganoon pa rin ang lapit namin sa isa't isa. Medyo malapit siya kaya medyo naiilang na ako.
"S-Sige! Go! Magdala ka ng speakers para may music tayo." Bumangon na ako para maiwasan ko ang nakakailang na sitwasyon na iyon. Bumangon na rin naman siya, pansin ko pa ang ngiti sa mukha niya. Naglakad na siya patungo sa mesa kung saan naroon ang speaker niya at ganoon rin ang cellphone niya.
"Let's Party!" Sigaw niya pa kaya natawa na lang ako. He turns on his speaker and connected it to his phone.
"The bluetooth device is connected successfully!" Sabay naming ani kaya napatawa na lang kaming dalawa sa kalokohan namin. Nagpatugtog naman siya ng isang masiglang kanta na mapapasayaw ka talaga kaya ayon napasayaw kami ng wala sa oras.
Habang bumababa kami sa hagdan ay nagsasayaw pa rin kami. Nakasalubong naman namin si Manang na nakikisabay rin sa kalokohan namin. Nilapitan naman siya ni Baks at nakipagsayaw kay Manang. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanila. Nang mapansin nila ang pagtigil ko sa pagsasayaw ay nilapitan nila ako at nagsayaw sa harapan ko. Pinasayaw nila ako kaya sumayaw na lang rin ako.
BINABASA MO ANG
This Feeling
RomanceAng magkagusto kay Raphael Olson ay napakakomplikado para kay Adaria Lockheart. Unang-una ay dahil kaibigan niya ito at ang pangalawa ay bakla ito. Ano ang mga posibleng mangyayari kung lahat ng sakit ay sabay-sabay niyang mararamdaman? Susuko na l...