Chapter 11
Raphael's Point of View
These past few weeks, I've met her. She accepted me for who am I. Guilt is what I felt after realizing what I did to her because of jealousy. She is too precious. Kind and caring.
Minsan ay topakin kagaya na lang ngayon. Ewan ko ba't bakit hindi niya man lang ako binati kaninang umaga. Hinayaan ko na lang siya sa topak niya dahil alam kung mawawala rin iyon.
Pero grabe naman iyong hindi man lang ako kinakausap. Gusto ko sanang maging kagrupo siya kanina kaso mas pinili niya sina Abiss. Nagsisimula na akong mainis noong hindi niya man lang ako nilingon noong nanghiram ako ng ballpen sa kaniya.
Nagbakasakali kasi ako na papansinin niya na ako. Ako na sana magsusulat para sa kaniya. Pero hindi umubra iyong plano ko.
"Tumatawa pa nga." Mahinang bulong ko habang pinagmamasdan ko si Ads na kinakausap ni Abiss.
"Hoy! Seloso mo naman. Kay Cords na iyang pinsan mo kaya huminahon ka. Mababali mo na iyong lapis oh." Narinig pala ni Hex ang sinabi ko kaya napabaling ako sa kaniya. Kumunot ang noo ko sa naging pahayag niya.
Ako? Nagseselos?
"Hilom daw!" Ani naman ni Cords sa kaibigan niya. Hindi ko na lang sila pinansin dahil nagtatalo pa sila. Napapaisip ako sa sinabi ni Hex kanina.
Bakit naman ako magseselos? Hindi ko naman gusto si Ads.
Tumingin ako uli sa kaniya. Biglang may naramdaman ako sa tiyan ko nang mapagawi ang tingin niya sa akin. Para akong kinikiliti doon. Nang umiwas siya ay napahinga ako. Hindi na pala ako nahinga habang nagkatama ang mga mata namin.
Oh em geh?! Juice colored!Ilang araw ko na rin itong nararamdaman. Pinipigilan ko kasi diba, bading ako. Bakla, gay, beke, malambot, baliko at iba pang gusto mong itawag sa mga kalahi ko. She's making me confused.
Pop Pop
My phone vibrates, meaning someone messaged me on messenger. I looked at it and smiled.
Good morning baby. Did you arrive safely at school?
It's Adelmund.
Good morning also. And yes I did.
I replied and put my phone back in my pockets.
We've been chatting with each other for days now. But did you ever wonder how?
I'm catfishing. I'm pretending to be a girl. I did it because I'm confused. Ads been living inside my head lately and it made me question my gender identity.
Na-gi-guilty na nga ako kasi Hex is also a friend of mine. Naging kaibigan ko na rin sila kaso hindi ko pa rin maamin kung ano talaga ako.
I thought Adaria will tell them but she didn't. She is really true to her words.
Nang matapos ang second period ay nagmadali akong lumabas ng silid aralan para pumunta sa Canteen. Ibibili ko siya ng snacks niya. Baka kako gutom lang iyong babaeng iyon. Hindi pa talaga ako pinapansin.
"Oh! Bakit hindi mo kasama si Adaria, iho?" Tanong ni Ate na nagtitinda ng paboritong sandwich at drinks ni Ads. Nagkibit balikat pa ako at nangiti ng bahagya.
"Ah. Kasi nag-uunahan po kami kung sino ang unang makabili sa inyo ng pagkain. Kaya eto, panalo ako at talo siya." Natatawa kong ani na kinatawa niya rin.
BINABASA MO ANG
This Feeling
RomanceAng magkagusto kay Raphael Olson ay napakakomplikado para kay Adaria Lockheart. Unang-una ay dahil kaibigan niya ito at ang pangalawa ay bakla ito. Ano ang mga posibleng mangyayari kung lahat ng sakit ay sabay-sabay niyang mararamdaman? Susuko na l...