28

153 9 0
                                    

Chapter 28

Adaria's Point of View

ITO pala ang pakiramdam kapag gusto ka rin ng taong gusto mo ano. Nakakamotivate bumangon araw-araw, parang bumalik ang mga memories ko nung high school pa ko. I am always excited everyday because I get to see Raph, its a very butterflies in my stomach feels. But now and then were not the same anymore. The Raph and Ads then were young and stubborn. The Raph and Ads now were still young but they were older than the Raph and Ads then and they are now brave. Bakit stubborn at brave? Just because, they were too stubborn to confess their feelings to each other. Kaya umabot pa ng ilang taon bago sila naging matapang para aminim ang nararamdaman nila sa isa't isa.

Hindi naman sa binabash ko ang sarili ko at si Raph, siguro sadyang ganoon talaga ang love story namin. It seems cringe or too cliché but that's what everyone will experience when love struck into our lives. Aminin na natin na minsan rin ay gusto nating maranasan ang mga cringe at cliché moments na sinasabi nila. Minsan rin naman e cringe nga at masyadong cliché pero aminin, inggit lang talaga tayo. Kaya ano pang hinihintay mo?! Mag-confess ka na sa taong napupusuan mo. Whatever the results may be, accept it. We don't know the chances, diba. Baka gustuhin ka rin nila o pwede ring hindi. Pero sabi nga nila, kapag nagconfess ka daw o may nagconfess sayo e may chance na magugustuhan ka rin nila o magugustuhan mo rin sila. Well, its base on experience.

"Adaria! May sulat na dumating para sa'yo." Rinig kong ani ni kuya mula sa labas ng kwarto ko. Nagtaka naman ako kung bakit may sulat na dumating para sa akin e uso pa ba iyon ngayon.

"Ah, sige kuya baba na ako. Saglit lang." Patapos na rin naman akong magligpit ng gamit ko. Kakatapos ko lang maligo at mag-apply ng konting make-up para e enhance pa ang ganda ko. Sigurado kasi akong magkikita kami ni Raph sa school kaya kailangan extra pretty ako kapag kaharap ko na siya.

Bitbit ko ang mga libro at bag ko ng bumaba na ako sa hagdan. Curious talaga ako tungkol doon sa sulat. Wala kasi akong ideya kung sino at bakit ako papadalhan ng sulat. Siguro galing lang sa school or something. Kinabahan tuloy ako bigla.

"Kuya? Asan na iyong sulat?" Tanong ko kay kuya na nasa living room, nagbabasa ng mga papeles. Binaba niya saglit ang mga papeles at tinignan ako. Ngumiti siya ng nakakaloko kaya nangunot ang noo ko dahil sa naging ekspresyon niya. Tinaasan ko siya ng kilay ng hindi pa siya tumitigil kakangiti.

"Ayon oh." Ngumuso siya sa direksyon kung nasaan ang sulat. Nasa likuran ko lang pala kaya lumingon ako agad. Nagulat na lang ako ng makita ko si Raphael na nakatayo sa harap ko habang inihaharap ang sulat na sa tingin ko ay para sa akin. Ang gwapo niya as always naman pero grabe naman kasi ang dating niya today. Ang saya niya lang, at masaya ako na masaya siya. And I will assume that it is because of me. Hayst, nakakakilig putcha naman oh. Para akong tumakbo pero hindi naman talaga dahil sa lakas at bilis ng tibok ng puso ko. Paano ba kumalma?

"Good morning, Ads. This letter is for you to read later. It is from me so, I advise you to please just read it later when you get home from school after talking to me on the phone. More specifically, before bed. As much as I want to see your reaction while you reading my letter, hindi ko rin maiwasan na mahiya. But its your decision naman sa huli so I will just go with whatever you want to do. Supportive future boyfriend here." Obviously, he is nervous and embarrassed as well. Ang cute niya lang tignan. Susundin ko naman talaga ang advice niya na mamay ko na lang basahin dahil paniguradong hindi ko mapipigilan ang sarili na kiligin. Iba pa naman ako kiligin. Igugulong ko na lang mamaya ang kilig ko at paghahampasin ang mga unan ko.

This Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon