08

159 10 2
                                    

Chapter 8

Adaria's Point of View

"HEY! Are you okay Raphael?" Tanong ko kay Raphael na ilang araw nang wala sa mood. Kung minsan naman ay sobrang taas ng energy. Pansin ko nga na hindi naman talaga siya masaya. He's just faking it to hide his true emotions.

"Ah! Ikaw pala, Ads! Diba sabi ko Raph na lang. Ang haba kasi ng pangalan ko kaya Raph na lang, okay?" Naka ngiti niyang sabi.

Nasa garden kami ng school. Naging tambayan na namin iyon kasama ang mga kaibigan ko at kaibigan niya rin. Nandito sina Kuya, Hymn at Abiss. Lunch time namin ngayon pero may ilang minuto pa kami para magpahinga o kaya gumawa ng takdang aralin kagaya ng ginagawa nila Hex at Cords.

"Sige." Iyon lang ang sinabi ko at nagpatuloy sa pagsusulat ko sa aking kwaderno. Hindi ko kasi kita kanina ang sinusulat ni Miss sa pisara kaya hiningi ko kay Sphene ang kwaderno niya kaso hiniram na raw ni Hymn. Hindi ko rin naman maaasahan sina Hex at Cords dahil kung hindi pangit ang sulat nila ay hindi rin naman sila nagsusulat. Mabuti na lang at nagsulat si Raph dahil wala talaga akong pag-asang makapasa sa quiz bukas.

"Sure ka ba? Kamusta sa bahay?" Tanong ko ulit sa kaniya nang hindi talaga ako makuntento sa sagot niya. Nakatulala lang kasi siya habang pasimpleng pinagmamasdan si Kuya.

Tumingin naman siya sa akin at nagbuntong hininga. Naistorbo ko siguro ang paninitig niya sa Kuya ko. Kaso kapag hindi ko siya istorbohin ay baka mahalata ng iba ang sekreto niya.

"Not fine at all. Mom and Dad are fighting almost every day. Dad even asked if I had a girlfriend already which I don't." Aniya kaya sinarado ko muna ang kwaderno ko at nakinig sa kaniya.

"Then find one, duh." Singit naman ni Cords sa usapan kaya napatingin ako sa kaniya na katabi si Abiss. Napakunot naman ang noo ko dahil madalas ko ngang makita ang dalawa na magkasama. Matanong nga minsan.

"I'm not interested in finding one." Because you're only interested in finding a boyfriend, not a girlfriend.

"Sus! Torpe ka lang talaga." Asar ni Hex sa kaniya.

"Hindi naman required magkagirlfriend nuh, nagtanong lang naman si Dad kung mayroon." Ani naman ulit ni Raph na kinatawa ko. Tinignan niya pa ako, nagtataka kung bakit ako natawa.

"May hair tie ka?" Tanong ko sa kaniya na kinakunot uli ng noo niya. Naiinitan na kasi ako tapos ang haba pa ng buhok ko. Pinag-iisipan ko na nga na magpagupit ako kaso bet ko pa ang buhok kong mahaba. Saka na lang siguro kapag na broken hearted ako HAHAHAHAHAHA.

"Wala. Ano sa tingin mo?" Aniya kaya umiling na lang ako, natatawa sa naging reaksyon niya. OA masyado e.

"Here, Adaria." Nagulat ako ng may inabot sa akin si Hymn na hair tie. Medyo naging awkward ang paligid kaya tinanggap ko na lang iyon. Napa tingin pa ako kay Sphene pero nasa kwaderno niya lang siya naka tingin. 

"Sphene, let me tie your hair." Ani naman ni Hymn na kinahiyaw ng mga kasama namin. Napatitig tuloy ako sa dalawa habang ang dalawang kong kamay ay magkahawak. Napa-awe tuloy kami sa ka-sweetan ni Hymn. 

"Continue." Pagbaling ko kay Raph ay nakatingin na siya sa akin kaya nagulat pa ako. Mamumula na ba ako? Kikiligin na ba? Awieee! Winaksi ko ang pag-a-assuming ko at tinignan siya na may pagtatanong na tingin habang bini-braid ang mahaba kong buhok.

"Let's not talk about it." Aniya kaya tumango na lang ako. Tinapos ko na lang iyong pagsusulat ko dahil malapit na naman akong matapos para masauli ko agad ito kay Raph. Maganda ang sulat niya, parang mas maganda pa nga ang sulat niya kung ikumpara sa sulat ko.

This Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon