16

128 11 2
                                    

Chapter 16

Adaria's Point of View

Akala ko ay matatapos na ang pangbubully nila Chena sa akin ngunit akala lang pala iyon.

"Opps, sorry." Maarteng sabi ni Chena matapos niya akong patirin. Muntik pa akong madapa mabuti na lang at hinila ako nila Hex. Nilingon ko naman agad sila ngunit natigilan ako nang makita si Sphene na kasama sila Chena.

"Sphene?" Nagtatanong akong tumingin sa kaniya. Tumitig lang siya sa akin. Wala akong makitang emosyon sa mukha niya ngunit sa mga mata niya ay mayroon. Malungkot ang mga mata niya.

"Come on Sphene, do it. It's so simple yet you can't ev---" Hindi natapos ang sasabihin sana ni Chena nang binuhusan ako nang isang basong juice ni Sphene. Nanlalaki ang mga mata namin dahil sa ginawa niya.

"Okay. Good job." Ani ni Chena habang pinagtatawanan ang naging lagay ko. May mga taong nakakita sa nangyari pero ang pagkuha nang video ang inuna nila kaysa sa tumulong.

"Let's go." Sabi ni Sphene sa ma kasama niya. Tinignan niya pa ako ngunit tumalikod na rin siya.

"Sphene! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Hinila ni Cords ang braso ni Sphene kaya napaharap siyang muli sa amin.

"What do you think am I doing?" Sarkastikong tanong niya kay Cords bago niya ako tinignan ulit. Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa niya iyon sa akin.

"Well, you just crossed the line! Sumusobra ka naman ata! Para lang don ay magkakaganito ka na?!" Ani ni Cords na mahihimigan ang galit sa boses niya. Inuna ko na lang muna ang sarili ko. Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang basang uniporme ko. Pati na rin ang buhok ko ay pinunasan ko rin. Tinulungan naman ako ni Hex na batid ko ang pag-aalalala.

"I don't care." Ani naman ni Sphene at tumalikod na sa amin. Susugod na sana si Cords pero pinigilan ko na.

"Hayaan mo na." Hinila ko pa siya para patigilin siya. Mabuti na lang at nagpaawat siya. Nilingon niya ako na may galit sa kaniyang mga mata.

"Anong hahayaan? Hahayaan mo na lang na api-apihin ka ni Sphene? Tsaka ba't nagkaganon siya? Hindi ganon ang pagkakakilala ko sa kaibigan nating iyon." Aniya na hinihingal pa. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos sa sarili ko.

"Magpalit ka muna, Ads. Pumunta muna tayo sa locker para kunin ang PE uniform mo. Ako na lang ang bahalang magsabi kay Miss." Sabi ni Hex kaya tumango na lang ako.

Maraming estudyante ang napapatingin sa akin. May nagbubulungan, may nag-aalala rin. May mga wala ring paki at nilalampasan lang kami. May mga iba't ibang klase ng tao at iyon sila. Itong mga kaibigan ko ay nabibilang sa mga nag-aalala. Mabuti na lang at mayroon akong mga kaibigan. Kaso nga lang iyong isa ay tumiwalag. Siguro hindi namin masyadong kilala ang isa't isa kaya ganoon.

Ngunit hindi naman sa tagal ng pagkakaibigan iyon, diba? Nasa tao iyon, depende sa tao. Iba-iba kasi tayo ng paniniwala at katangian. May mga bagay tayong nagagawa na kahit na alam nating mali ay ginagawa pa rin natin. Katulad ng magmahal. May tama at mali ba sa pagmamahal? Hindi na natin matukoy ito kasi nadadala na tayo sa bugso ng ating mga damdamin. Hindi na lang natin namamalayan na nakakasakit na pala tayo. Hindi na naging balanse ang mga puso at isip natin.

Si Sphene ay nagmahal, nagkagusto siya kay Hymn. Ngunit ang masaklap doon ay ako ang gusto ng taong gusto at mahal niya. Nasaktan siya, panigurado. At ang tanging naging solusyon niya para maibsan man lang ang sakit ay ang saktan rin ako. Pinairal niya ang emosyon niya. Hindi niya na inisip na ako ay minsan na rin niyang naging kaibigan.

This Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon