Chapter 17
Adaria's Point of View
"What the actual shit did you just did to her, Chena?" Lumapit si Raph sa akin, hinaharang ang sarili siya sa amin ni Chena. Nilingon niya pa ako saglit bago masamang tinignan ang humila sa buhok ng kaibigan niya. Oo, iyon naman talaga kami e. Doon lang kami hahantong.
"Why? Are you friends with her now?" Tanong ni Chena. Tumawa pa siya habang pinag-ku-krus ang mga braso niya. Tinignan niya si Raph bago niya ako tinignan.
"Yes! So shut it Chena and just get lost!" Ani ni Raph sa kaharap na babae na hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kaniyang labi.
"Let's go. Let's come back when she got nothing on her back." Ani niya pa at umirap sa amin. Sumunod naman sa kaniya si Sphene at ang mga alipores niya.
"Wait a minute? Sphene's with them? What the heck?" Sabi ni Raph habang tinatanaw pa ang palayong si Sphene. Napabuntong hininga na lang ako.
"Are you okay, Adaria?" Naramdaman ko ang paglapit ni Hymn kaya nakuha niya ang atensyon ko. Tinignan ko siya at tumango na lang.
"I'm sorry that I have to get you involved in this situation. I just didn't expect it to end up like this." Nakikita ko ang pagkabahala sa kaniya. Hinawakan niya pa ang buhok ko kaya nabigla ako. Napaiwas ako, akala ko ay sasabunutan niya ako. Hindi ba pwedeng ma-trauma sa ginawa ng babaeng iyon. Ang sakit kaya sa anit. Nararamdaman ko pa nga ngayon ang sakit e.
"Ahem!" May kasama pa pala kami? Ah meron? Hindi ko kasi napansin e. Hindi niya rin kasi ako mapansin kaya pinaramdam ko sa kaniya kung anong pakiramdam. Echos lang. Tanda ko pa ang nangyari sa pagitan nila ni Canon kanina kaya medyo masakit pa ang puso ko. Medyo nagmugto rin ang mga mata ko dahil umiyak pa ako kanina sa CR.
"Saan ka ba nagsuot kanina ha? Bakit ka lumiban sa klase? Alam mo bang bad 'yon?" Ani ni Raph na may pagkachildish. Matatawa na sana ako kaso kapag naalala ko ang mga araw na magkasama tayong dalawa—ayy mali pala. Kapag naaalala ko ang eksena nila Canon ay may tumutusok sa bandang dibdib ko.
"Masama nga kasi ang pakiramdam ko. Paulit-ulit ka naman e. Ilang beses ka bang iniri ni Tita?" Pabirong sabi ko sa kaniya. Ngumiti pa ako na ani mo ay nang-aasar para lang makita niya na kahit papaano ay masaya ako kahit hindi naman. Masyado siyang masakit sa heart.
"I have medicines. Do you want some?" Tanong naman ni Hymn na pinakiramdaman pa ang noo ko kung mainit ba o hindi. Umiling-iling pa siya habang lumalapat rin ang likod ng palad niya sa noo niya. Medyo nakakagulat naman itong si Hymn. Grabe ang mga da-moves niya kaso sa isang tao ko lang gustong maranasan iyon. Nasa tabi lang namin e kaso alam kong impossible. May kahalikan na nga e. Baka sa susunod na araw e may jowa na siya at 'yong si Canon ang jojowain niya.
"Hindi na, salamat. Bakit ka pa andito? Doon ka na sa mga kaibigan mo baka hinahanap ka na nila." Pagtataboy ko sa kaniya kasi baka mas lalong ma-bwesit sa akin si Sphene pagnakita uli niya kaming magkasama. Ayaw ko namang palakihin pa ang gulo. Gusto ko pa rin siyang maging kaibigan kahit papaano.
"No. I want to eat with you." Pagtanggi niya kaya nangunot ang noo ko. Hindi ba talaga niya gets ang mga pinaparating ko? Naku! Mga lalaki talaga, oo!
"No because she's eating with me. We already got plans." Biglang angal naman ng baklang gusto ko na may kahalikang iba.
"Do we?" Tanong ko sa kaniya kaya sinenyasan niya ako gamit ang mata niya pero hindi ko iyon pinansin.
"Yes. Sinabi ko na kanina diba na sa labas tayo kakain?" Ani niya pa habang nakangisi, pilit iyon. Sinisiko niya pa ako.
Ano bang kalokohan 'to ha Raph?
![](https://img.wattpad.com/cover/189474712-288-k265766.jpg)
BINABASA MO ANG
This Feeling
RomanceAng magkagusto kay Raphael Olson ay napakakomplikado para kay Adaria Lockheart. Unang-una ay dahil kaibigan niya ito at ang pangalawa ay bakla ito. Ano ang mga posibleng mangyayari kung lahat ng sakit ay sabay-sabay niyang mararamdaman? Susuko na l...