18

149 8 2
                                    

Chapter 18

Adaria's Point of View

MATAPOS ang selebrasyon ay bumalik na agad kami sa eskwelahan. Nagpaalam kami kina Tita at Tito. Ganoon rin ang ginawa nila sa amin. Iwan na lang daw namin sila at baka mahuli pa raw kami sa aming klase. Sasabay na lang sana ako kina Hex at Cords kaso umayaw ang mga bruha. Ayaw daw nilang sirain ang moment namin ni Raph. Ewan ko ba at bigla akong kinabahan sa sinabi ni Raph sa akin kanina kaya naiisip ko iyon.

"Class dismissed!" Anunsyo ng aming guro matapos ang isang oras ng kaniyang pagtuturo. Nang tumunog na ang fire alarm bell, ito ang mistulang naging hudyat na tapos na ang klase sa araw na ito. Ewan ko ba at ang fire alarm bell ang ginamit nilang hudyat kapag magsisimula na ang klase, snack time, lunch time o pag-uwian na. Papaano na lang kapag may sunog o lindol.

"Adaria may naghahanap sayo sa labas!" Sigaw ng isa sa mga kaklase namin. 

"Huh? Sino?" Tanong ko pa sa kaniya ngunit umiling lang siya. Hininto ko na lang muna ang pagliligpit sa gamit ko para alamin kung sino man ang naghahanap sa akin. 

Napansin ko pa ang mga nangingwestiyong mga tingin ng mga kaibigan ko lalo-lalo na si Raph. Hindi ko na lang sila pinagtuunan ng pansin at naglakad na lang ako palabas ng silid aralan. Tinignan ko pa saglit si Sphene ngunit hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Lumingon ako sa kanan ko ngunit wala namang tao doon. Puro mga estudyante lang na kakalabas lang ng kanilang mga silid. 

"Ay Gagi ka!" Paglingon ko kasi sa kaliwa ko ay ginulat ako ng kung sinong lalaki. Napapikit pa ako at napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat. Pagkadilat ko ay sinamaan ko agad ng tingin ang lalaki.

"Did I startle you?" Nagtanong pa talaga siya e obvious naman. 

"Ano sa tingin mo, Hymn?" Hinampas ko pa siya sa braso kaya ayon napaaray siya ngunit tinawanan lang niya uli ako. Lagot ako nito kay Sphene. Lumingon pa ako sa room, mabuti na lang at busy si Sphene sa pagliligpit ng gamit niya. Hinila ko na lang si Hymn sa gitna ng lobby kung saan may pader para hindi kami makita ni Sphene.

"Hinahanap mo raw ako? Bakit? Anong kailangan mo?" Sunod-sunod kung tanong sa kaniya. Ngunit itong lokong 'to e hindi pa rin natigil sa kangingiti niya. Happy pill niya siguro ako.

"You are the one that I've been searching for my whole life. Why? Because I need you." Masuyong aniya na kinatigil ko. Wala akong masabi sa mga bana niya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. 

"Magseryoso ka nga! Ano nga ang kailangan mo sa akin?" Seryosong ani ko sa kaniya. Dapat pigilan ko siya sa mga ginagawa niya sa akin. Masasaktan ko lang siya at si Sphene na kaibigan ko. Masasaktan lang rin ako kung pipilitin ko ang sarili ko sa taong hindi ko naman gusto. Ayaw kong gawin siyang panakip butas kung sakaling wala talagang magiging kami ni Raph. 

"I'm serious, Ria." Sumeryoso naman ang loko kaya sinamaan ko na talaga siya ng tingin. Pinakita ko sa kaniya na hindi na talaga ako natutuwa sa mga sinasabi niya.

"Kidding aside. I just want to invite you tomorrow. Magpeperform kami sa Past Four  Bar. I want you to see me performing." Masayang sambit niya. Mapapansin mo talaga na excited siya sa gagawin niya bukas na kasama ako. Hindi ko talaga alam kung papaano ko siya tatangngihan na hindi siya masasaktan. Napakaimposible naman kasi na hindi siya masasaktan sa gagawing pagtanggi at pag-iwas ko.  

"Uhm. May lakad na ako bukas e." Ani ko sa kaniya na kinalungkot niya. Unting-unting nawala ang ngiti sa kaniyang labi. I just can't entertain him knowing that I like someone else. Most importantly is that I don't want to get myself involve more in Hymn and Sphene's issue. 

This Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon