Epilogue

189 15 1
                                    

Epilogue

"Kuya! Si Ivan pakihabol please!" Tawag ko kay Kuya Adelmund na kanina ay nagbabasa lang ng dyaryo. Dali-dali niya namang kinuha si Ivan at binuhat ito. Umiyak naman ang bata kaya nagmadali ako sa paglakad para malapitan sila.

"Ang laki na talaga ng pamangkin ko. Kailan lang noong nasa sinapupunan mo pa siya." Ani ni Kuya matapos niyang ibigay ang anak ko sa akin.

"Naalala mo pa ba noong muntik kang mahimatay dahil sa dugong lumabas sa iyo, grabe iyong kaba ko 'non. Takot ka pa naman sa dugo."

"Grabe ang sakit kaya ng nararamdaman ko non. Hindi talaga madali mag buntis."

"Paano ba 'yan e gusto ko ng isang dosenang anak." Rinig kong ani ni Raph na ngayon ay karga-karga si Iven, ang kambal ni Ivan.

"Manahimik ka d'yan at baka ikaw ang ipagbuntis ko sa sampu. Tignan natin kong kakayanin mo ba." Tinawanan naman niya ako ngunit batid pa rin ang inis sa akin.

"Sorry na asawa ko, kiss na lang kita." Lumapit siya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Binaba ko si Ivan at inalalayan itong maglakad. Lumingon siya sa paligid niya at nagsimulang tumakbo papunta kay Yuri na naglalaro kasama ang mga pinsan niya. Naroon rin ang ina niya na si Sphene.

"Sphene! Nagkita rin tayo." Masayang ani ko sa kaniya. Nakuha ko naman ang atensyon niya pati narin ng mga bata. Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo.

"Adaria! Nagplano tayo na mag-outing pero hindi man lang tayo nagkita-kita." Niyakap namin ang isa't isa bago niya napansin na kasama ko pala si Ivan na ngayon ay nagpupumiglas. Tinignan niya ako at tinuro sina Yuri na naglalaro ng kanilang nga laruan.

"Gusto niya atang sumali, Ads." Nakangiting ani niya kaya naglakad kami papunta sa mga bata. Pinakawalan ko na rin siya at naupo siya sa tabi ni Yuri. Sinalubong naman siya ni Yuri at hinawakan ang kamay ni Ivan.

"Ang cute nila tignan. Diba, Sphene?" Nilingon ko naman siya at nakangiting tumango habang nakatingin sa dalawa.

"Kamusta naman ang buhay mo ngayon?" Naglakad naman kami patungo sa mga upuan na inuupuan niya kanina at naupo doon.

"Kung ikukumpara noon, halos ilang taon akong nag-aalala sa mga bagay o taong maaaring mawala sa akin pero ngayon mas iniisip ko ang mga mayroon ako."  Emosyonal na ani ko. Hinawakan niya naman ang kamay ko.

"Hindi ako makapaniwala na nalampasan ko ang mga malulungkot at mahihirap na araw. Salamat sa tulong ng mga tao sa paligid ko. Noon, hindi ko sinasabi sa iba ang pinagdadaanan ko dahil sa takot na mahusgahan. Hindi ko rin pinapakita na nahihirapan na ako dahil ayokong makita nila ako na mahina. Pero hindi na ako ang Adaria noon. Sa pamamagitan ninyo at ni Raph, nasasabi ko ang mga nararamdaman ko at maaari na akong maging mahina sa harap niyo. Kasi hindi kayo humuhusga. You don't invalidate my feelings." Tumulo na talaga ang nga luha sa mata ko.

"I'm so proud of you Adaria. I am also thankful to myself that I am able to help you counter your fears and move forward to your life." Sinserong ani niya at niyakap ako.

"Nagpapasalamat rin kami sa'yo dahil napakabuti mo sa amin. Ikaw ang laging nakikinig sa mga rants namin. Hindi man lang namin ginawang makinig rin sa mga rants mo. Hindi man lang namin ginawang magtanong. Ikaw rin mismo ang nagpapayo sa amin ngunit kadalasan ay hindi rin naman namin sinusunod. We are so blessed to have you and I sometimes thought how unworthy we are to be your friends."

"Thanks, Sphene. Pinapaiyak mo naman ako e." Mapagbirong ani ko habang pinupunasan ang nga luha ko.

"Sphene, bakit mo pinapaiyak ang asawa ko ha?" Nilingon ko naman si Raph na nagmamadaling maglakad. Si Iven naman ay parang naiiyak habang nakatingin sa akin. Nakita ko naman si Ivan na naiiyak na rin.

"Oh no. Come here to mommy my babies." Naglakad naman ang dalawa kong anak palapit sa akin.

"Okay lang si Mommy hmm. Don't cry na." Malambing na ani ko sa dalawa.

"Ang sweet naman ng boys at ang mga gwapo pa." Ani ni Sphene na ngayon kinakandong si Yuri dahil sumama rin ito ng lumapit si Ivan sa akin.

"Bakit hindi ako kasama, e baby mo rin naman ako." Biglang ani ni Raph kaya napatawa na lang kami ni Sphene.

"Mamaya na kita e be-baby, Raph." Kinindatan ko naman siya kaya ang gaga namula.

"Mukhang posible pa nga ang isang dosenang anak." Komento naman ni Sphene kaya natawa na lang kami.

"LOVE, I have question." Tanong ni Raph. Gabi na ngayon at nagpapahinga na kami sa villa na tinutuluyan namin. Tulog na rin ang kambal. Nasa may terrace kaming dalawa at nakahiga sa duyan. Naka sandal ako sa kaniyang dibdib habang nakayakap kami sa isa't isa. Nakatanaw lang kami sa mga bituin sa langit.

"What is it?" Ani ko naman, kuryusong nag-iisip kong ano nga ba ang itatanong niya.

"Alam mo na ba sa una pa lang na ako si Mr. Hanky man mo?" Tumango naman ako bilang sagot.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Tanong niya ulit kaya sinagot ko naman siya agad.

"Nakakahiya kaya. Anong gusto mong gawin ko biglang susulpot sa harap mo at sasabihing ako si Ms. Hanky mo?" Natawa naman siya siguro sumangayon sa sinabi ko.

"Bukod doon ay hindi talaga kita mahagilap noon, sadyang ang atensyon ko ay nasa pag-aaral o sa libro."

"Such a nerd." Komento niya kaya inirapan ko siya.

"Mabuti na lang at study first muna ako nuh at addict ako sa mga libro, ano na lang kong hindi. Hindi kita mapapangasawa?! Gusto mo 'yon? Ang gusto ko pa naman na ang first love ko ay ang siya ring pakakasalan ko. Kaya magpasalamat ka nuh." Bahagya akong bumangon at tinuro siya. Bumalik naman ulit ako sa pagkakahiga sa dibdib niya.

"Okay, sige. Thank you." Sagot niya na ani mo ay pinilit ko siya. Hinamapas ko naman siya kaya siya napaaray.

"Kidding aside. How did you manage to like or love me that long? Haven't you unlike me or unlove me once?" Napaisip naman ako sa naging tanong niya.

"Hmm. Maybe I just like or love you that much that I couldn't unlike or unlove you. In my case, yes I did liked someone else but I didn't love them. And Raph, you cannot unlove someone. You will just meet someone new and your love for that someone is much greater than your past someone. But in my case, I couldn't relate because you are the only man I love. And I experienced all the three stage of love with you." I honestly said and looked at him. He is teary eyed.

"I love you, Ads." He then kissed me and I responded to his kisses. We stopped when we couldn't breathe anymore.

"I love you, Raph." We kissed lovingly until we found our way to our bed.

"It's time to make ten more babies! Hoyeah!"




This Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon