09

152 10 1
                                    

Chapter 9

Adaria's Point of View

"Raph, bili kaya muna tayo ng ice cream?" Suhestiyon ko habang nagpapandyak pa rin siya at ako ay nakaakap sa kaniya.

"Okay, may malapit rin naman na 7/11 sa subdivision namin." Aniya na kinatuwa ko. Bet ko pa munang kumain bago kami mag-umpisa mamaya. Parang mai-i-stress kami mamaya. At kung bet naman nilang may nguyain habang may ginagawa ay mas lalong okay sa akin iyon.

Tumigil nga kami sa tapat ng 7/11. Hinintay ko pa si Raph bago kami pumasok kasi hindi ko magagawang harapin ang cashier. Pinagbuksan pa kami ng pinto ng guard kaya nginitian ko ito.

"Salamat po." Ani ko bago ako sumunod kay Raph na dumiretso sa lugar kung nasaan ang freezer. Tumingin pa ako sa mga aisle na para bang ngayon lang ako nakapasok sa isang conveniece store. Tumingin pa ako sa curve mirror na naka kabit sa gilid para makita ang mga taong may balak ng masama.

"Anong flavor ang gusto mo?" Tanong niya sa akin pagkatabi ko sa kaniya.

"Double Dutch kaso baka hindi nila gusto. Tanongin kaya natin sila?" Tanong ko sa kaniya na tumitingin pa sa loob ng freezer. Tumingin siya sa akin na ani mo ay hinihintay ako sa kung ano ang gagawin ko. Tinignan ko lang siya na ani mo ay nagtatanong kung bakit siya naka tingin sa akin.

"Bakit 'di mo tanongin?" Tanong niya na kinatawa ko.

"Wala akong load e." Ani ko sa kaniya. He even rolled his eyes heavenwards which made me laugh at him. He snatched his phone inside his pockets and started to type something on his phone.

"Anong saysay ng cellphone mo kung wala kang load?" Ani niya pa kaya sinimangutan ko siya.

"E sa wala naman akong ka text at kung may load man ako ay hindi rin naman nagagamit. Sayang iyong pera na kung ibibili ko ng isaw ay mabubusog pa ako. Sayang ang pera ko, binili ng lo-" Kakanta pa sana ako kaso pinigilan niya ako gamit ang hintuturo niya. Napatingin tuloy ako sa daliri niya tapos ay sa kaniya. 

"Shh. Ang dami mo nang sinasabi, Ads." Aniya na kinatawa ko.

"Hello, Hymn. Nandito kami ngayon sa 7/11, bibili kami ng ice cream. Anong flavor ang gusto niyo? Huh? Double Dutch daw---" Sana all may load.

Lumayo muna ako sa kaniya dahil may pagkain na nakakuha ng atensyon ko. Color lila ito at gusto ko itong kainin. Chocolate siya at sigurado akong masarap ito. Parang tutubuan ka ng pakpak pagkinain mo. Na-imagine ko tuloy na ganoon rin ang mangyayari sa akin katulad ni Yassi. Natawa ako sa naisip.

Kumuha ako ng dalawa para sana senyasan si Raph kung gusto niya ako ay este iyong tsokolate pala. Kaso pagtingin ko sa kaniya ay nakatingin na pala siya ngunit nakakunot ang noo niya. Para pa siyang naiinis habang nagsasalita. Lumapit na lang ako sa kaniya para tanongin siya kung anong ganap niya sa buhay at high blood siya.

"Anyare, Raph?" Hawak ko pa iyong dalawang tsokolate na tinignan niya pa bago siya tumingin sa akin. Umiling lang siya kaya ngumiti ako at pinakita iyong dalawang hawak ko. Ngumiti naman siya sa akin at kinurot ang pisngi ko na kinagulat ko.

Hoy! Grabe! Kinikilig ako. Ilang beses na akong kinilig ngayong araw at ayoko na. Baka ma overdose pa ako! Naku!

"Kumuha ka kung ilan ang gusto mo, libre ko." Aniya na kinatuwa ko dahil libre niya. Hinding-hindi ako tatanggi sa grasya, ano! Excited naman akong bumalik doon sa rack kung saan nakalagay iyong tsokolate. Walo ang kinuha ko dahil hindi naman kasi ako ganoon ka hilig kumain ng tsokolate kasi sumasakit ang ulo ko. Ewan ko kung bakit. Tsaka hindi lang 'to para sa akin, para rin 'to kay Sphene, Hymn at kay Raph. Hindi ako abosada nuh.

This Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon