30

134 8 0
                                    

Chapter 30

TRIGGER WARNING: RAPE

Adaria's Point of View

"GAGO ka talaga Hymn! Anong gagawin mo pag may nangyari sa mag-ina mo ha! Ginigigil mo ako ha!" Ani ko kay Hymn matapos nilang kumanta. Kahit na may pa kanta pa silang nalalaman ay hindi talaga ako natuwa sa ginawa ni Hymn. Delikado pa naman ang lagay ni Sphene lalo na't nasa early stage of pregnancy pa lang siya.

"It's okay na Ads, I'm okay na naman na e." Sphene said trying to calm me. Tumango na lang ako sadyang nag-aalala lang ako sa kaniya at sa magiging inaanak ko.

"Sorry, Sphene. I just want to help Raphael and I wanted to surprise you as well. Hindi ka ba kinilig sa ginawa ko?" Malambing na ani ni Hymn. Kaya pala nandito sila, nilingon ko naman si Raph na nasa gilid ko lang. He looked guilty. Is this one of his surprises? Maybe.

"I'm sorry." He whispered to me so I just smiled and nodded.

Naupo na ako sa kinauupuan ko kanina at nilagok ang isang baso ng alak. Am I pissed? Sort of. Ilang araw na rin akong ganito, madaling naiinis. Wait? Is it the time of the month? Shit! Nakalimutan ko. Kaya kinuha ko ang bag ko at naghanap kong may dala ba akong napkin. Nang wala akong mahanap ay bumaling ako kay Hex.

"Hex, may dala ka bang napkin?" Tanong ko kay Hex na nasa tabi ko lang.

"Meron ako pero nasa compartment ng sasakyan. Gusto mo kuhanin natin." Tumango naman ako kaya tumayo na kami para lumabas na sa bar.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Cords. Sinenyasan ko naman siya na red days ko ngayon. Alam na niya iyon since ginagawa namin iyon pag red days ng isa sa amin.

"Baka ako rin, Ads. Alam mo namang minsan rin tayong nagkakasabay. Mabuti na lang may dala ako ng isang pack ng napkin." Aniya habang naglalakad na kami palabas ng bar.

"Si Cords kaya? Ano? I-text ko kaya siya." Ani ko naman sa kaniya kaya tumango na lang siya habang hinahanap ang susi sa dala niyang mini bag. Nagtext naman agad ako kay Cords. Ilang hakbang pa ay narating na nga namin ang parking lot kung saan kami nagpark ng sasakyan. Binuksan naman ni Hex ang sasakyan.

"Ito na kukuha na ako ng tatlo if ever. Nag-reply na ba si Cords?" Tanong niya habang nasa loob pa rin siya ng sasakyan habang ako ay tinignan ang cellphone ko kung nagreply na ba si Cords.

"Hindi siya nagreply e. Dalhin mo na lang 'yang tatlo para sigurado." Ilang sandali pa ay bumaba na rin siya ng sasakyan at sinarado ito. Hinintay ko naman siya at naglakad na uli kami pabalik sa loob ng bar.

"I'm hungry, Ads. Ikaw?" Tanong niya kaya biglang tumunog iyong tiyan ko. Tumawa naman kami kasi narinig niya rin ito tila sinagot ang tanong niya.

"Why don't we just leave the bar with the others? Sure akong gutom rin iyon si Cords e." Sabi ko sa kaniya kaya ngumiti siya ng malaki at tumango.

"Let's go to the C.R first." Aniya kaya tumango na lang ako.

"Mauna ka na lang kaya, Ads. Pupuntahan ko si Cords baka red days niya rin ngayon." Sabi niya ng makapasok kami sa bar. Tumango naman ako sa kaniya bilang sagot. Nagsimula na akong maglakad papunta sa C.R nang may gumapang na kaba sa sistema ko. Ang raming naghahalikan at ang iba ay halos gumawa na ng milagro. Nako! Sana ay makapunta ako sa banyo ng ligtas.

"Hay! Nakapasok rin." Ani ko sa sarili ko nang marating ko ang banyo. Pero, may pero kasi may kababalaghan akong naririnig sa isa sa mga cubicle. Gosh! My virgin ears! I hear them moaning like they were enjoying themselves without them noticing that there is someone like me who might hear them.

This Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon