Chapter 12
Adaria's Point of View
Ilang buwan rin makalipas noong naging date namin ni Raphael. Ewan ko kung date ba iyon o friendly date. Siguro pinilit lang siya nila Kuya. Okay lang naman sa akin iyon at least siya ang naging first date ko.
I stared at the painting that I did during the date. It was Raphael playing his guitar while staring at me. Muntik ko pang hindi iyon magawa ng maayos kasi sa titig niya. Hindi tuloy ako makapagpaint nang maayos.
Naging busy kaming mga estudyante dahil palapit na rin ang katapusan ng unang markahan. Marami kaming ginawa na nakakapagstress hindi lang sa akin kundi sa aking kapwa kaklase. Meron kaming terror na teacher na grabe makapagturo. Matanda na kasi siya, nasa menopausal stage na ata siya.
Sometimes I would hang out with my friends when we have free time just like we are doing right now. Nasa bar na naman kami kung saan naging regular na ako.
"Kanta uli kayo ni Raph, Ads. Sige na! Kailan lang iyong huli e." Ani ni Hex kaya sinamaan ko siya nang tingin. Ayoko! Nakakahiya kaya. Umiling ako sa kaniya pero nagmaktol lang ang bruha.
"Oo nga, Raph. Magduet nga kayo ni Ads. Na miss ko kayong magtitigan e." Sabi naman ni Abiss kaya napatingin ako kay Raph na nasa tabi ko. Hinampas ko ang braso niya na kina-aray niya. Tinignan ko siya na 'wag-kang-papayag' na mga titig.
"Bakit ka ba nanghahampas?" Hinimas ko naman iyong kaliwang braso niya dahil na guilty ako sa ginawa ko.
"Sorry na! Kasalanan ko bang mabigat ang kamay ko. Ang hina lang nun e." Ani ko sa kaniya kaya napasinghap siya.
"Talaga ba! E ang sakit nga e. Ano bang klaseng kamay 'yan?" Kinuha niya ang dalawang kamay ko at tinignan iyon.
"Ah b-basta hindi ako kakanta." Binawi ko ang kamay ko sa kaniya para ipagkrus ang mga braso ko.
"Kumanta na kayo! Naglambingan pa!" Ani naman Cords kaya tinaasan ko siya nang kilay.
"Kayo ang kumanta kung gusto niyo. 'Wag niyo akong pilitin." Ani ko at kumuha nang juice at ininom iyon.
"Sus! Ayaw mo lang kamo magviral kayo ulit!" Ani ni Hex habang prenteng nakaupo sa tabi ng Kuya ko.
"Yes! I'm so proud of them when their video got a lot of views. I even heard it appeared on a tv show." Said Sphene. Someone took a video of us singing and it went viral. I can't imagine how did that happen.
Nahihiya tuloy ako kapag may nakakakilala sa akin. They even asked if Raph is my boyfriend which is not. Kapag naman ay magkasama kaming dalawa ay inaasar kami o tinutukso ng mga nakakakilala sa amin.
"Sino ba kasi ang kumuha nang video na 'yon? Hays!" Ani ko naman dahil nakakafrustrate ang mga attention na natatanggap ko. Hindi ko na nga makayang magrecite sa harap ng mga kaklase ko tapos ngayon ang raming nang naka tingin sa akin. I have social anxiety so that is so very uncomfortable.
"Yours truly, Sphene." Aniya kaya napasimangot ako.
"I'm sorry, Ads. I just want to take a video so you can see how adorable you are with Raph while singing." Aniya kaya napatingin ako sa kaniya. Kaya pala.
"Kaso pinost ni Cordelia sa Facebook e alam mo namang famous itong kaibigan natin kaya ang raming nakakita sa video niyo." Ani niya kaya tinignan ko si Cords na ngayon ay nagpeace sign sa akin.
"Someone from the music industry even invited us if we would like to debut as a band." Ani naman ni Kuya kaya napasinghap kaming lahat.
"Are you serious, bro?" Nagugulat na tanong ni Hymn. Tumango si Kuya sa kaniya at tinignan kami isa-isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/189474712-288-k265766.jpg)
BINABASA MO ANG
This Feeling
Roman d'amourAng magkagusto kay Raphael Olson ay napakakomplikado para kay Adaria Lockheart. Unang-una ay dahil kaibigan niya ito at ang pangalawa ay bakla ito. Ano ang mga posibleng mangyayari kung lahat ng sakit ay sabay-sabay niyang mararamdaman? Susuko na l...