26

217 10 1
                                    

Chapter 26

Adaria's Point of View

Nakahanda na ako't lahat at naghihintay na lang ako sa pagdating ni Raph para sunduin ako. Ngayon na nga ata talaga ang araw kung saan magbabago na ang lahat. Lahat ng mayroon kami ni Raph. Kinakabahan ako, hindi ako mapakali sa sofa na inuupuan ko. Maging si Kuya ay natatawa na sa inaaksyon ko.

"Kumalma ka nga! Bakit ka ba kinakabahan?" Natatawang ani niya habang ang kaniyang mata ay naka tuon sa telebisyon. Naka bihis na rin siya. Inimbita rin pala siya ni Tita.

Naging epal pa talaga siya, sasabay ba naman sa amin ni Raph. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay na ani mo ay sumusuko sa kapolisan. Nakita ko naman ang pag-iba ng ekspresyon niya na parang may naalala.

"Naroon rin ba si. . ." Hindi niya naituloy ang sinasabi niya ngunit nakuha ko na kung sino ang tinutukoy niya. Tumango na lang ako bilang sagot. Tatawanan ko pa sana siya kaso masyadong malungkot ang kaniyang mukha. Napabuntong hininga na lang ako sa naging sitwasyon nila ni Hex.

"Ikaw na lang ang pumunta, Adaria." Malungkot niyang ani ngunit kinunutan ko siya ng noo.

"Bakit ba?! Birthday na birthday ko tapos hindi ka sasama? Kasi nandoon si Hex? Bakit? Idadamay mo ako sa love story niyong naudlot. E hindi ko naman kasalanan iyon ah." Ani ko sa kaniya, e kasi naman pwede naman silang maging professional na tao. You know, isantabi na muna nila ang mga nangyari para sa akin. Kasi birthday ko e. Birthday ko.

Naiiyak na naman ako, akala ko ba. . .

"Okay. Gawin mo ang gusto mo. I can celebrate my birthday on my own." Tumayo na ako bago pa makita niyang naiyak na talaga ako. Akala ko tatawagin pa ako ni kuya pero hindi iyon nangyari. Tuluyan na ngang tumulo ang mga nagbabadyang luha ko.

Napatingin ako sa aking relo. Mukhang walang Raphael na dadating. Isang rason na naman na nagpalungkot sa araw kong ito. Akala ko talaga masaya na ang magiging kaarawan ko ngayong taon.  Mukhang nag-expired na ang free-trial for only three years. Pero okay lang, at least I celebrated it without losing someone in particular.

Nakalimutan ko, tatlong taong palang nawala sa akin si Raph. Ganoon pa rin pala.

Kailan kaya magiging masaya ang kaarawan ko?

Biglang nakaramdam ako ng sakit sa ulo ko matapos kong maglakad takbo papalabas ng bahay. Nanghihina ako dahil sa kirot na nagmumula sa aking ulo.

"Ahh!" Mabuti na lang may puno akong nakapitan kundi ay matutumba talaga ako.

Lumipas ang ilang minuto ay nawala naman na ito. Naglakad na lang ako papalabas ng subdivision para pumara ng taxi. Ayokong maghintay sa wala, gusto ko ng puntahan sila mama at papa. Baka magtampo ang dalawang iyon.

Hindi ko alam kong pupunta pa ba ako sa anniversary nila Tita at Tito. Umiling na lang ako at pumara ng taxi. Dadaan siguro muna ako sa isang flower shop para bumili ng bulaklak. Bibili rin ako ng kandila.

NAKARATING na ako sa sementeryo. Tahimik ang lugar na ito. May iilan akong nakikitang bumibisita rin sa mga mahal sa buhay nilang pumanaw na. Nakaka-ingit lang kasi may kasama sila, naglatag pa sila sa damuhan. Magpipicnic pa ata sila.

"Ang saya naman nila." I sounded bitter. Umiwas na lang ako ng tingin at naglakad patungo sa magkatabing lapida nila Papa at Mama. Nilapag ko ang dalawang bulaklak bago ako maupo sa damuhan. Sinindihan ko na rin ang kandila at nagdasal.

This Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon