06

161 11 2
                                    

Chapter 6

Raphael's Point of View

SHE is beautiful. Her voice too. I never thought that she can sing. Well, her brother is a vocalist on his own band so I guess it runs on their blood.

Hindi ko maiwasang kiligin dahil nasa gilid ko lang si Adelmund habang kami ay nagtatanghal sa harap ng maraming tao kanina. Hindi ko lubos na isipin na mangyayari ito dahil noon ay naka tingin lang ako sa malayo habang siya ay kumakanta.

"Thank you very much, Miss?" Ani ng host.

Tinignan ko naman si Adaria na ngayon ay nakayuko na. Nakuha ng atensyon niya ng magtanong ang host sa kaniya.

"Uhm. A-Adaria." Nahihiyang sagot niya na hindi na alam kung saan titingin. Parang nag-iba ang Adaria nakita ko kanina. Mahina naman akong natawa kaya napatingin siya sa akin. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Bakit ba?

You're flirting with her for these past few days, what do you expect?

Does that mean that she likes me?
Well, sorry to disappoint you but I can't reciprocate her feelings because I like her brother, not her.

I want him and she's my way of doing so. I'll befriend her and her friends so I'll be a step closer to what I want. Adelmund.

"Saan ang puwesto niyo Adaria." Tanong ni Ady sa kapatid niya. Tinignan naman siya ni Adaria at tinuro ang puwesto nila kung saan naroon ang mga kaibigan niya.

"Nandoon rin pala ang nagugustuhan mo, Hymn. Halika 'dun tayo. Raphael, sama ka rin." Aniya kaya umoo na lang ako. Hindi naman luge 'yon dahil naroon naman siya kaso naroon rin ang karibal ko.

"Uhh. Sige." Nagkibitbalikat pa si Hymn bago sumunod kay Adelmund. Ngumiti pa siya saglit kay Adaria.

"Y-You sing well." Aniya na para bang nahihiya. Ngumiti naman si Adaria sa kaniya, nahihiya rin.

"Thank you." Aniya habang nakangiti pa rin. Kailangan ba talagang ngumiti?

"Let's go." Tanging sabi ko at nauna sa kanilang dalawa.

Muli akong na badtrip ng makita ko na magkatabi ang kaibigan ni Adaria at si Adelmund. Tanging si Adelmund lang ang nagsasalita na ani mo'y kinukulit ang katabi.

I'm fuckin jealous here, respeto naman.

Wala akong magawa kundi ang maupo sa sofa kung saan nakaupo ron doon iyong nagugustuhan ni Hymn.

"Hello, girls." Bati ko sa kanila kaya ngumiti rin sila at binati ako.

"Hi, Rarf." Ani ng kaibigan ni Adaria habang may hawak na cellphone sa kanang kamay niya habang iyong isa kamay ay hawak-hawak ang isang basong may lamang alak.

Napakunot naman ang noo ko, nagtataka kung bakit tinawag niya akong ganon.

"Ahh si Ad--" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng sumulpot si Adaria at tinakpan ang bibig ng kaibigan niya.

"I guess, you never got the chance to know our name. Itong kaibigan kasi namin e hindi man lang kami ipinakilala." Ani naman nung isa, iyong karibal ko.

"I'm Hex." Nilahad niya ang kamay niya kaya kahit na labag sa kalooban ko ay tinanggap ko ito.

"Cordelia, in short Cords." Nakangiting sabi ng isang kaibigan ni Adaria na inilapag ang baso sa mesa para makapagkamay kami. Tinanggap ko naman iyon.

"I'm Sphene." Ani naman noong isa na medyo mahiyain. Siya ata iyong niyuyugyog ni Adaria nung nag-aduition ang banda ni Hymn sa club. Tinanggap ko naman iyon.

This Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon