04

221 13 7
                                    

Chapter 4

Adaria's Point of View

"OH diba! Sabi ko sayo eh! Kyah!" Inalog-alog ko pa siya.

Si Sphene naman ay tulala. Naluluha ata siya eh. Bakit? Hindi ba siya masaya sa sinabi ng crush niya? Krinushback na siya oh. Baka tears of joy. Hahahahaha.

"A-Ah hehe. H-Hindi lang ako makapaniwala." She smiled nearly tearing up.

"Tears of joy, yarn?" Natatawa kong ani sa kaniya na kinatawa niya na rin.

"Sphene Rattigan!" Tawag sa kaniya ni Yami. Siya ang Vice President ng Arts Club kaya siya ang isa sa mga nangunguna sa pagpili ng mga bagong membro. Ngumiti muna sa akin si Sphene bago siya lumapit sa mesa dala ang kaniyang mga larawan. Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti.

Tinignan ko naman saglit ang pwesto ng mga taga Music Club. Marami ring nakalinya para sumali. Nahagip pa nang paningin ko iyong lalaking may gusto kay Sphene. Ano nga ulit ang pangalan niya? Nakalimutan ko.

Wetwew

May nagtext?

RARF

(Anong tingin 'yan?)

Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng mensahe niya. Hinanap ng mga mata ko ang pares ng berdeng matang nakatingin na pala sa gawi ko habang nakahalumbaba. Tinaasan niya ako ng kilay na ani mo'y nagtatanong.

Anong trip niya?

(What do you mean?)

Sent.

Nakita ko pang hawak-hawak na niya ang kaniyang cellphone at ngumisi. Kahit na kumanta siya kanina na nakatingin sa akin ay hindi ko parin malilimutan na nang dahil sa kaniya ay na bully ako nina Chena. Well, nasaktan pa rin ako sa katotohanang he also shows interest to other girls. E, bakit ba ako nagrereklamo e kakakilala lang namin. After 7 years of crushin' over a boy with all loyalty, kahit ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya, at least nagkaroon kami ng moment.

Kilig is temporary, ika nga nila.

Wetwew

"Adaria Lockheart!"

Nagpanic ako nang tinawag na ako. Bumalik tuloy ang kaba ko. Nagmadali kong inayos ang mga paintings ko sa portfolio ko at naglakad na sa mesa. Bakit parang job interview ang peg nila ha?! Nakakakaba kaya!

"Hi. Ads. Alam ko namang magaling ka na pagdating sa sining kaya hindi ka na sana namin tatawagin at approved na agad kaso gusto makita ni Abiss ang mga gawa mo." Ani ni Yami pagkaupo ko sa itim na upuan. Ngumiti naman ako sa kaniya pilit na iniwawaksi ang kabang nararamdaman ko.

Bakit pa kasi may ganito? Alam naman palang magaling ako e! Tumingin naman ako doon sa lalaking tinutukoy niya. Gwapo siya kahit na nakasuot siya ng salamin. Kita ko ring kulay berde ang mga mata niya. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala iyong lalaking nakita ko sa bar. Siya ba 'yon?

"Adaria, right?" Aniya kaya tumango na lang ako. May kahawig siya!

"My name is Abiss, I'm the President of the Arts Club." Nakangiting aniya. May na sense akong landi ah. Mukhang matinik ang isang 'to. Hindi halata sa itsura niyang mukhang nerd. Tumango na lang ako sa kaniya at tipid na ngumiti.

'Di ko siya feel maging friend.

"I like your version of 'The Starry Night' as well as 'The Scream'. Kuhang-kuha mo ang mga paintings with the hint of your own style in them. I'm amazed at how realistic your drawings are. Can I be your model? Draw me naked." Mapagbirong sabi niya na kinangiwi ko.

This Feeling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon