#SLGoodbye

91 1 0
                                    

Sally's P.O.V

"Ipangako mo.....sa akin Sally na aalagaan mo ang kapatid mong si Cassy..." Dinig na dinig ko ang bigat sa bawat paghinga ni mama.

"Ma tama na po, wag na po kayo magsalita." Pagmamakaawa ko sa kanya habang pilit na pinipigilan ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi.

Hindi. Hindi pa ako handa para dito. Hindi pa pwedeng mangyare ito, mama.

Huminga ulet siya ng malalim tsaka inabot ang aking kamay, dama ko ang panginginig nito, ang lamig na para bang wala nang init na dumadaloy sa katawan niya. Lalo ako nahabag. Awang awa ako sa mama ko. Sa lahat ng kabutihan niya bakit ganito ang kapalit?

"Hindi mo siya pababayaan.... Mamahalin mo siya kagaya ng pagmamahal namin sa inyo ng daddy mo noon." Hirap magsalitang pakiusap ni mama. Di ko napigilang umiyak.

"Ma..a-ano bang pinagsasasabi niyo? Hindi mo kami iiwan, hindi pwede un. Tsaka...tsaka.. kayo pa nga aakyat sa stage paggraduate ni Cassy e.." bahagya kong pinaling ang ulo ko para punasan ang pumatak na luha. "..iaahon pa nga natin yung restaurant e." Pinilit kong gumuhit ng ngiti sa aking labi bago tiningnan si mama. Lungkot at sakit ang nababasa ko habang pinagmamasdan ang mamula mula niyang mga mata.

Marahan siyang umiling tsaka ngumiti.

"Anak nararamdaman kong malapit na. Nahihirapan na rin ako at kailangan ko nang magpahinga. Basta mangako ka lang sa akin. Mangako ka."

Hindi ako makapagsalita dahil alam kong kapag binuka ko ang bibig ko ay sasabog ako.

Ayoko.

Marahan kong binitiwan ang kamay ni mama at agad siyang napalingon doon ng ipatong ko un sa kanyang tiyan tsaka inayos ang kumot hanggang matakluban iyon.

"Matulog na kayo ma baka pagod lang yan, nood kasi kayo ng nood ngdrama ayan tuloy feeling niyo pang telebisyon din tong nangyayare sa atin." Pagbibiro ko pa bago tumalikod. Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko, gusto ko maglupagi, gusto ko ibalot ang katawan sa kumot. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam.

"Alam kong kaya mo." Muling wika ni mama, huminto ako sa pagtutupi ng damit ni mama, hindi ako nagsalita hinyaan ko lang siyang ituloy ang gusto niyang sabihin.

"Matalino ka at masipag, lahat makakaya mo. Palagi ka lang positibo sa buhay at malalampasan mo ang lahat ng pagsubok. Tutulungan ka ng Panginoon."

Hindi pa din ako umimik. Ilang minutong katahimikan ang nanaig sa kwarto at ng mabasag yun at para akong naparalisado sa muli niyang sinabi

"Nariyan na ang iyong ama. Sinusundo na niya ako." Mabilis ko siyang nilingon, kita ko ang pagliwanag ng kanyang mukha habang nakatutok ang paningin sa may pintuan.

Sinundan ko ang kanyang tingin at wala akong nakitang kahit ano.

Papa. Alam kong nandito siya dahil ang ngiting nakaukit ngayon sa mukha ni mama ay ang  ngiting laging sumasalubong kay papa sa araw araw na umuuwi siya ng trabaho noon.

Naramdaman ko ang pagkapit niya sa aking kamay.

"Mangako ka." Mahinang wika niya. Napapikit ako.

"Ma." Mahinang wika ko na halos ako ay di ko na din mahimigan ang aking boses, ramdam ko ang mainit na likidong tumatagas sa pisngi ko na dumadaloy sa aking leeg para mabasa ang suot sleeve ng uniform ko sa trabaho.

Sa muling pagdapo ng paningin ko kay mama ay wala na akong nagawa kundi ang tumango.

"Opo ma. Pa-pangako po."

"Sa-salamat." Iyon ang huling salitang narinig ko kay mama bago dahan dahang lumuwag ang pagkakakapit niya sa akin at nakangiting nakatingin sa may pintuan.

Napabagsak nalang ako sa sahig mula sa aking pagkakatayo ng biglang umingay ang makinang nakakabit kay mama, at ilang sandali lamang ay sunod sunod pumasok ang nurses at doktor at pilit nirievive si mama. Pero makalipas ang ilang minuto ay idineklara na ng doktor ang time of death.

"Time of death 5:32pm."

Iyon na yata ang pinakamasakit sa tengang nadinig ko sa buong buhay ko.

Nakatulala lang ako sa mga nurse habang inaasikaso nila si mama, hindi ko na din naintindihan kung ano ang sinabi ng doctor ng lumapit ito sa akin at tapikin ako sa balikat bago umalis.

"Ma..ma.." ang huling wikang nasabi ko bago magdilim ang aking paningi .

Sister's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon