At Yohann's mind.
Pagkaalis nung bata ay tiningnan ako nito ng masama.
"Bakit ba ang sungit mo? Di naman ikaw ang muntik nang mabangga ah?" Paninirol nito.
"Ah ganun? Paano kung di kita hinila? Sa halip na magpasalamat nanirol pa." Sabi ko pero sa hulihang parte ay mahina na at di ko akalaing nadinig niya.
"E di salamat. Yun lang pala habol mo." Sagot nito at galit na umalis. Sumunod naman ako.Hanggang sa makabalik kami kina Cassy ay di pa rin ito umiimik.
"Ate ano problema?" Tanong ni Cassy.
"Wala naman Cassy." Sagot nito.
"Tara na. Sakay tayo sa ferris wheel." Patakbo akong hinila ni Cassy. Sumunod naman ng lakad sina Sally.At Sally's mind.
Ano ba problema ko at naiinis ako?
"May problema ba Sally?" Tanong ni Bryan.
"Wala naman. Iniisip ko lang ang restaurant." Sagot ko.
"Gusto mo umuwi na tayo?"
"Paano si Cassy?" Tanong ko.
"Si Cassy ba o si Yohann?"
"Anong sinasabi mo? Syempre si Cassy. Bakit ko naman aalalahanin yun?" Inis kong sagot.
"Okay okay. Di naman siya pababayaan ni Yohann. Lets go. Hayaan nating mag enjoy si Cassy." Yaya niya.
"Okay. Magpapaalam lang ako sa kanila."
"Ako na . Hintayin mo nalang ako sa kotse.""Ano?!"
"Ano ka ba wag ka ngang maingay. May makadinig sayo." Saway ko kay Cecil. Kinuwento ko kasi sa kanya na nagpunta kami sa amusement park.
"Really? So hanggang ngayon alam pa niya ang mga bagay na gusto mo? How sweet.." kinikilig na wika nito.
"Ano ka ba. Siguro nagkataon lang. Wag mo ngang bigyan ng meaning yun." Sabi ko.
"Malay natin hanggang ngayon specia ka pa din sa kanya. Di ka ba natutuwa?" Pakindat kindat pang nakatingin ito sa akin na pinakasisipat sipat pa ako.
"Tumigil ka Cecil huh. Hindi ako interesado jan. Change topic" ako.
"Hindi daw interesado pero excited kung makapagkwento kanina. May pa tawag tawag pang nalalaman."
"Isa."
"Okay okay okay okay. Enough na. Di ma magsasalita."
Napailing nalang ako. Dapat di nalang ako nagkwento sa kanya.
Pero.... totoo kayang special pa din ako sa kanya? Ay. Ano ba iniisip mo Sally. Ang tagal na ng lumipas. Ang dami nang nangyari. Ang daling kalimutan ng nakaraan niyo kaya wag kang mag isip ng ganyan.
"Tama." Bulong ko.
"Ano sabi mo?" Tanong ni Cecil.
"Wala." Ako.Sa bahay, kakarating lang ni Cassy kasama si Yohann.
"Hi ate." Bati ni Cassy bago humalik sa pisngi ko.
"Hi." Bati din ni Yohann, ngumiti lang ako.
"Ate ang aga nio namang umuwi. Ang dami naming pinuntahan."
"Nagkaproblema lang sa restaurant." Sagot ko.
"Cassy, Sally I have to go."
"Di ka na magcocoffe?" Si Xassy.
"Hindi na. Late na rin e. Kelangan niyo nang magpahinga. Lalo ka n Cassy, I know you re tired. I have a great day with you Cassy."
"Me too. Ate ihahatid ko lang siya sa gate."
"Okay!"
Tama bang hayaan kong ganito sila? Kinakabahan ako dahil ngayon ko lang nakitang ganun ka interesado si Cassy sa lalaki. Dapat ko na bang putulin kung anong meron sila habang maaga pa?At Yohann's mind..
Pagdating ko sa bahay sinalubong ako ni Edward.
"Edward, what are you doing here?" Tanong ko.
"Bakit wala po kayo kanina sa office. May mga taong kayo ang hinahanap." Sagot nito.
"Ikaw na bahala doon Edward. Meron lang akong inaasikaso." Sabi ko.
"Ganun po ba? Siya nga pala tumawag yung lolo mo. He's looking for you."
"Okay. I'll call him later."
"Sige po. Alis na ako."
"Kumusta pala asawa mo?" Tanong ko.
"Nasa hospital po." Malungkot na sagot niya.
"What happened? Why you didn't tell me?"
"Nadengue po siya. Tsaka Nakakahiya naman po kung pati personal kong buhay poproblemahin niyo pa." Siya.
"Hindi Edward. Dapat sinabi mo sa akin. Matagal na kitang kasa kasama, at kung hindi pa ko magtatanong di ka pa mag oopen up."
"Pasensya na po."
"Okay. Are going to see here?" I asked.
Tumango ito.
"I'll go with you. I'll check here."
"Naku sir, nakakahiya naman po. Tsaka sa mumurahing hospital lang siya. Baka hindi niyo magustuhan pagpunta niyo."
"Okay then, we are going to transfer your wife." Ako.
"Pero...
"If you're thinking about the charges. I'll take it, ang mahalaga siguradong maliligtas ang asawa mo. Maliligo lang ako at aalis na tayo."
"Salamat po Sir." Nakatungong wika nito.
"Okay lang. Sige na, maligo ka na rin"Pagkatapos maligo, pinaasikaso ko na kay Edward ang pagpapalipat sa kanyang asawa sa ibang hospital.
BINABASA MO ANG
Sister's Love
Teen FictionPROLOGUE Isang seryoso, positibo at may pangarap sa buhay ang bente kwatro anyos na dalagang si Sally. Wala siyang ibang hiling kundi ang mapaginhawa ang buhay ng kanyang nagiisang kapatid na si Cassy. Isang pangakong kanyang binitawan bago pumana...