At Yohann's mind..
Papunta na ako sa bahay nila Sally. Dun daw kasi kami magdinner.
After 30 mins nakarating na ako.
Matapos kung i-park ang kotse nakita ko nang kumakaway sakin si Cassy at patakbong lumapit.
"Hi Good Evening Mabuti naman nakarating ka." Nakangiting wika nito.
"Syempre naman. Di ko pwedeng tanggihan ang alok ng isang napakagandang dilag."
"Thank you." Halatang nagblush ito.
"Halika na sa loob nakahain na." Aya niya. Pumasok na kami.
Nakita ko sa sala si Sally na nanonood.
"Ate Yohann is here."
Tumingin lang si Sally at ngumiti.
"Halika. Kain na tayo."
Nagpunta na kami sa kusina.
"Teka.. pano yung ate mo?" Tanong ko.
"Don't mind here. Kaya na niya sarili niya." Sagot niya.
"Okay." Sagot ko.
Habang kumakain nahuhuli kong tumitingin si Sally sa pwesto namin ni Sally. Natatawa tuloy ako.
Di pa kami tqpos kumain ng dumating si Bryan, na humalik pa kay Sally tapos inaya sa labas. Di niya siguro ako nakita.
"Yohann may girlfriend ka ba?" Tanong ni Cassy.
Nagulat ako sa kanya.
"Wala naman." Sagot ko.
Nakita kong ngumiti ito.
"Ano ba yung mga tipo mo?"
"Tipo ko? Yung...... simple lang, matured and morena." Sagot ko.
Halatang nadisappoint siya sa sagot ko. Ang tipo ko kasi ay malayo sa kanya. Maputi siya at immature.
"Ganun??"Pagkatapos naming kumain ay inaya ako ni Cassy sa isang lugar.
"Ate pwede ba kaming pumunta sa banda roon?" Tanong ni Cassy ng lumabas kami.
Inabutan naming nagtatawanan sila. Nagulat si Bryan ng makita ako.
"Gabi na ah. Baka kelangan ng umuwi ni Yohann." Sagot ni Sally.
Tumingin sakin si Cassy.
"Oo nga Cassy. Busyng tao si Yohann baka masyado ng late para sa kanya ang magala." Pag sang ayon ni Bryan.
"No, its okay. Kahit busy ako I can manage my time." Sagot ko at tiningnan si Bryan na nakatingin din pala sakin.
"Yun naman pala e. Ano ate? Pwede na ba kaming umalis?" Tanong ni Cassy.
"Sige. Wag lang masyadong late Cassy huh?" Siya.
"Okay. Bye Ate, bye kuya Bryan."At Sally's mind..
Umalis na si Yohann kasama si Cassy. Napapalapit na talaga ang loob ni Cassy sa lalaking yun.
"Don't worry Sally. Hindi naman siguro pababayaan ni Yohann si Cassy." Wika ni Bryan.
"Alam ko. Ang ikinatatakot ko lang a--
"Baka magkagustuhan sila?" Napatingin ako kay Bryan.
"Halata naman Sally. Takot ka diba? Bakit? Kasi mahal mo pa siya?"
"Anong sinasabi mo? Takot ako kasi napakabata pa niya para pumasok sa isang relasyon." Sabi ko.
"Bakit ka matatakot e kung tutuusin mas matanda pa nga si Cassy sayo nung maging kayo ni Yohann. Walang masama kung magiging sila, Cassy is matured enough para sa ganyan. Alam na niya ginagawa niya kaya you don't have to worry."
"Kahit pa. Para sakin bata pa siya para pumasok sa ganyan." Ako.
"Bakit di mo pa kasi aminin na takot kang mapunta kay Cassy Si Yohann kasi mahal mo pa siya."
"Ano ba Bryan? Di na ko natutuwa." Medyo naiinis kong sabi.
"Bakit kasi hanggang ngayon siya pa din Sally?"
Tuluyan na akong nainis.
"Stop it Bryan. Its not funny." Medyo tumaas ang boses ko at napatayo.
"Okay calm down. Di ko na uulitin. Maupo ka na ulet." Sabi niya bago ako hinawakan sa braso para alalayang maupo.Pagkaalis ni Bryan nagpunta na ako sa kwarto ko. Gusto ko nang magpahinga.
"Takot ka diba?... Kasi mahal mo pa siya."
Napailing ako sa naalala kong sinabi ni Bryan kanina lang. Ngayon lang ako nainis ng ganun kay Bryan. Ayoko ng mga sinabi niya, dahil ang lahat ng iyon ay wala namang katotohanan. Hindi ako takot na maging sila, at lalong hindi ako nagsese---los.
Pabagsak akong nahiga sa kama.
Ayokong maging sila. Ayoko talaga. Siguro dahil..... may nakaraan kami. ("Nakaraan na dapat nang kalimutan. Pero bakit di mo pa kalimutan?")
Naalimpungatan ako ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Anjan na." Pagbukas ko ay si Cassy.
"Oh bakit? Gabing gabi na ah." Sabi ko.
"Anong gabing gabi na? Alam mo bang alas nuebe na?"
"Anong alas nuebe?" Tiningnan ko ang orasan ko at pasado alas nuebe na nga pala ng umaga.
Pakiramdam ko bago lang ako nakatulog pero umaga na pala agad.
"May naghahanap sayo." Sabi ni Cassy.
"Sino?" Ako.
"Edward daw? Tungkol sa bahay."
"Sige. Bababa na kamu ako."
Pagkatapos kong maligo at magbihis bumaba na ako. Inabutan kong magkausap si Bryan at kuya Edward.
"Heto na pala siya." Si Bryan.
"Magandang umaga po ma'am."
"Sally na lang po." Ako.
"Iwan ko na muna kayo." Paalam ni Bryan bago umalis.
"Gusto po ng amo ko na magkita kayo ng magkausap kayo ng maayos."
Sabi niya.
"Okay. Kelan daw po?" Tanong ko.
"Kung pwede bukas na. Gusto rin niyang puntahan ang bahay. Maganda nga po sana kung magkasama kayong pupunta roon, ng makita niyo rin po ang bahay." Sabi niya.
"Magiging busy na kasi ako sa mga susunod na araw. Kung gusto niya dun nalang kami magkita. Didiretso na ako dun bukas, next week kasi magbubukas ako ng isang boutique kaya medyo full ang schedule ko. Di ko maaasikaso." Sabi ko.
"Sige po. Mas gusto yan ng amo ko. Tawagan ko nalang po kayo bukas kapag nandun na kami."
"Sige. I-reready ko na ang lahat ng kakailanganin."
"Sige. Mauna na ho ako."
"Okay. Bye." Hinatid ko lang ito hanggang sa kotse niya.At Yohann's mind..
Nagpunta ako sa opisina.
"Sir umalis po si Sir Edward may pupuntahan lang daw po siya" sabi ng secretary ko.
"Okay."
Nabore ako habang nakaupo lang sa couch ko kaya naisipan kong pumunta sa court.
Pinanood ko ang mga batang masayang naglalaro ng basketball.
"Tingnan mo nga naman kung sino ang narito." Si Joey. Kinuha ko siyang empleyado pero lugi ako kasi umaastang boss din.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.
"Ano pa e di nagtatrabaho." Sagot ko.
"Nagtatrabaho?"
"Ano pa ba?"
"Okay sabi mo e." Lumapit ito sa mga naroong bata.
"Kids come here. May ipapakilala ako sa inyo." Tawag niya.
Naglapitan ang mga bata.
"Children this is Kuya Yohann, ang mayari nito." Sabi niya.
"Hi kuya Yohann." Bati ng mga bata.
"Hello mga bata. Nag eenjoy ba kayo?" Tanong ko.
"Opo. Ang saya po. Ang babait ng mga nagtuturo samin. Lalo na po si Miss Beautiful, pagdating niya pinamerienda niya agad kami.
"Miss Beautiful?" Takang tanong ko.
"Hi mga bata. Gutom na ba kayo?" Tiningnan ko kung saan nagmumula ang boses ng isang babae. Hindi ako nagkakamali dahil si Cassy nga ang naroon. Kumaway pa ito sa akin.
"Opo." Nagtakbuhan papunta sa kanya ang mga bata.
"Kadadating lang niya kani kanina. Nauna siguro sayo ng 30mins." Sabi ni Joey.
"Anobg ginagawa niya dito?" Tanong ko.
"Ewan ko sayo. Ikaw kasi e." Sabi ni Joey na parang naninisi bago kinuha ang bola at patakbong naglaro ng basketball.
BINABASA MO ANG
Sister's Love
Teen FictionPROLOGUE Isang seryoso, positibo at may pangarap sa buhay ang bente kwatro anyos na dalagang si Sally. Wala siyang ibang hiling kundi ang mapaginhawa ang buhay ng kanyang nagiisang kapatid na si Cassy. Isang pangakong kanyang binitawan bago pumana...