#SLWORRIED

15 1 0
                                    

At Sally's mind..
"Nasaan na ba yun?"
Kelangan ko ding makauwi bago dumilim dahil may imemeet akong client.
"Ma'am mukhang may bagyo po. Baka hindi tayo makauwi ngayong gabi, delikado po sa daan lalo na sa barko." Si manong.
"Ganun po ba? Sige po gagawa ako ng paraan." Pasado alas diyes na pero wala pa yung buyer.
"Manong abangan mo nalang sila sa gate, maliligo lang ako." Sabi ko kay manong.
"Sige ho ma'am." Sagot niya.
Habang naliligo ako hindi mawala sa isip ko kung ano ang nangyayari sa bahay lalo na kay Cassy. Magkasama kaya sila ni Yohann ngayon? Kasi kahapon nagpunta na naman siya sa office ni Yohann.
Tapos na akong maligo at mag ayos ng sarili ng kumatok si Manong.
"Ma'am nandito na po sila." Sabi niya.
"Sige po manong. Pakisabi kay Manang pabigyan nalang ng juice yung bisita ko."
Bago lumabas kinuha ko muna ang papeles ng bahay.
Nasa hagdan ako ng makita ko yung lalaking nakatalikod. Nakatingin ito sa dagat.
"Ma'am anjan na pala kayo." Sinalubong ako ni Kuya Edward sa palabas ng pinto.
"Sally?"
"Yohann?"
"Magkakilala kayo sir? Ma'am?" Takang tanong ni kuya Edward.
Si Yohann? Ang gustong bumili ng bahay ko?
"Ah. Yup. Di lang magkakilala." Sagot ni Yohann.
"So ikaw pala ang bibili ng bahay ko?" Tanong ko.
"Yes. Kaya nga ako nandito diba?" Pilosopong sagot nito.
"Okay. Pag usapan na natin ang pera." Sabi ko.
"Teka lang. Di ko pa nga nakikita ang buong kabahayan pera na agad ang pag uusapan? Pwede mo ba akong ilibot muna?" Sabi niya.
"Okay. This way."
Hindi ko alam kung ano dapat kung maramdaman. Dapat ba akong matuwa dahil siya ang bibili ng bahay ko?
"Heto ang sala namin. Kung gusto mong palitan ang sala set ikaw bahala, matagal na din yang sala na yan kaya baguhin mo kung gusto mo." Sabi ko.
"Maganda pa naman ang mga gamit. Wala akobg balak na palitan." Sabi niya.
"Its up to you. Hayun naman ang kusina, may long table jan, malaki rin ang lutuan at hugasan. Perokung gusto mong baguhin ikaw bahala."
"Not bad. I like it. Wala akong babaguhin." Sabi niya.
"Ikaw bahala. Sa taas may 3 bedrooms and 3 comfort rooms. Sa baba naman may dalawang guest room. Yung gitna sa taas ang masters bedroom. Dito sa baba may 2 cr, magkabilang dulo. May terrace din sa taas, kita ang dagat pag nandun ka."
"Puntahan natin." Sabi niya.
"Ikaw nalang muna." Sagot ko.
"Pano kung maligaw ako? Samahan mo na ako." Sabi niya.
Nauna na akong naglakad. Dinala ko ito sa terrace.
"Very relaxing. Mukhang mag eenjoy ako dito ah." Nakatingin ito sa may dagat.
"Tapos ka na ba? Nakahain na sa sala ang merienda." Sabi ko bago naunang umalis sa terrace.
Naglakad ako palabas ng di ko mapansin ang bahagyang butas kaya natampilok ako.
"Aray!!!"
"Anong nangyari?!"
Nakita kong patakbong lumabas si Yohann ng marinig yung sigaw ko.
"Are you okay Sally?" Tanong niya.
"Yeah I'm okay." Sinubukan kong tumayo pero natumba ulet ako na agad naman akong nasalo ni Yohann.
"You're not okay." Sabi niya at nagulat ako ng bigla niya akong buhatin.
"Anong ginagawa mo? Ibaba mo nga ako." Sabi ko.
"Di ka makalakad. Iisipin mo pa ba yang hiya mo? Tsaka this is not the first time na binuhat kita. Since then, you're clumsy." Sabi niya.
Naalala ko tuloy yung una naming pagkikita. Nagbibisekleta ako noon at saktong nagsimplang ako sa tapat ng kotse niya. Ang akala ko nun iiwan niya ako pero bigla niya akong binuhat at hinatid sa bahay namin. Pinayari pa niya ang bike ko at pinadala sa bahay. Yun ang simula ng pagkakaibigan namin.
"Still remember the first time?"
Tumango ako.
"Yun ang unang beses na nagkita tayo." Narinig kong sabi niya
"Ibaba mo na ako. Kaya ko na." Sabi ko at nagpilit na bumaba. Kahit iika ika ay naglaad ako hanggang sa kwarto ko. Yung feeling na awkward?
Maya maya may kumatok.
"Bakit?" Tanong ko ng mapagbuksan si Yohann.
"I have here salonpas." Sabi niya.
"Okay na ko. Di ko na kelangan." Sagot ko. Pero pumasok pa din ito.
"Okay na ako. Lumabas ka na." Utos  ko dito.
"Don't worry wala akong gagawing masama. Halika rito, maupo ka at lalagyan ko yan." Sabi niya na nakapwesto sa baba ng kama.
"Okay na nga ako diba?"
"Until now makulit ka pa din. Halika at maupo ka diyan." Hinawakan na ako nito sa magkabilang balikat at pinaupo. Kahit gustuhin kong wag sumunod sa kanya di ko magawa.
"Dapat nag iingat ka. Bakit naman kasi nasa bahay kalang nakaheels ka pa? Sino ba pinopormahan mo, ako? Nakaheels ka man o hindi maporma at maganda ka pa rin."
Nakatingin lang ako sa kanya.
"Wag mo kong tingnan baka matunaw ako, may naghihintay pa sakin sa maynila."
Nedyo napahinga ako dahil hindi koakalaing alam niyang nakatitig lang ako sa kanya habang nilalagyan niya ng salonpas ang paa ko. Pagkatapos ay binalik din niya ang heels kong suot.
"Mas mabuti kong magflat shoes ka nalang o kaya tsinelas." Sabi niya.
"Wala akong ganun." Sagot ko.
"Wag ka na munang magpwersang maglakad baka kung ano pa mangyari, lilibutin ko nalang ang bahay ng mag isa. Pupunta ako dito kapag okay na."
"Ipatawag mo nalang ako kay manong kubg tapos na. Lumabas ka na at magpapahinga muna ako." Sabi ko.
"O sige."
Hinintay ko munang  maisara niya ang pinto bago ako nahiga.
"Nga pala.."
Napabangon akong bigla ng bumalik siya.
"Bakit?" Ako.
"Nung tumawag ka last last day pasensya na di ako nakarating, may inasikaso lang ako. Ano ba yung sasabihin mo?" Tanong niya.
"Wala yun. Kalimutan mo na." Sagot ko.
"Okay."
Humiga na ulet ako.  Bakit ganub? Parang alalang alala siya dahil lang sa natampilok ako? Nag aalala ba talaga siya sakin o ganun talaga siya kahit kanino?
"Kelangan ko talagang makauwi mamaya, di ako makakatagal ng kasama siya."
("Ma'am may bagyo po, mukhang di tayo makakauwi ngayong gabi. Delikado sa daan lalo na sa barko.")
Naalala kong sabi sakin ni Manong.
"Paano na to? Matutulog kamisa iisang bubong? Buti kong may hotel dito."
Napakamot ako sa ulo.
"Bakit siya pa ang bibili ng bahay?"

Sister's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon