#SLJealousSally

6 0 0
                                    

At Sally's mind..
Pagdating namin inayos ko na agad ang mga gamit bago tinawagan si manang.
Pagbalik ko sa terrace wala na sila Cassy, nandun na sila sa tabing aplaya.
Hindi ko matagong nasasaktan ako tuwing makikita ko silang magkasama. Pero napapalitan naman yun ng kunting saya tuwing nakikita ko ang ngiti sa labi ni Cassy.
"Pasulyap sulyal pa kunwari, patingin tingin sa akin. Di maintindihan ang ibig mong sabihin. Kung mayrong pag ibig ay ipagtapat mo na sa akinagad naman kitang sasagutin." Nang aasar na kinantahan ako ni Cecil habang palapit ito sa akin. Kakadating lang nila.
"Tumigil ka." Sabi ko.
"Kung ako sayo hindi nalang ako sasama dito. Hindi ka naman mag eenjoy, miserable pa ang puso mo." Sabi nito bago naupo sa tabi ko.
"Alam mo Cecil, wala na akong pakialam sa sasabihin mo kaya tigilan mo na ako. Okay?"
"Ikaw bahala."
Napailing nalang ako.
Ang saya saya ni Cassy habang nakikipagkwentuhan kay Yohann.
"Nakapagdecide ka na ba?" Si Bryan.
"Oo." Sagot ko.
Tumingin sakin si Bryan, naghihintay sa sasabihin ko.
"Hindi ko naman talaga sasabihin sa kanya lalo na at napapasaya niya si Cassy. Palalakihin k ang bata ng mag isa." Pagpapatuloy ko.
"Mag isa? Di mo kelangang gawin yun Sally, nandito ako. Magpakasal tayo, mamahalin ko ang bata katulad ng pagmamahal ko sayo." Hinawakan niya ako sa kamay.
"Ayokong matali ka sa obligasyong wala kang kinalaman." Sabi ko.
"Wala akong pakialam. Ang mahalaga sakin may kilalaning ama ang anak mo."
"Im sorry. Pero.. hindi ko kaya." Sabi ko bago pinilit na tanggalin ang kanyang kamay sa pagkakahawak sakin.
"Salamat nalang."
Pumasok na ako ng bahay. Iniwan ko siya sa terrace.
Pumasok si Cecil sa kwarto.
"Paano pag nalaman nila Bryan at Cassy na si Yohann ang nakabili ng bahay? Baka magalit sila sayo." Sabi ni Cecil.
"Hindi ko ipapaalam." Sagot ko.
"Narinig ko ang sinabi ni Bryan."
"Ayokong pag usapan yan." Sabi ko.
"Pero Sally, habang tumatagal palaki ng palaki ang tiyan mo. May posibilidad na magduda si Yohann kapag nalaman niyang hindi si Bryan ang ama ng pinagbubuntis mo. Paano kung aminin niya kay Cassy na may nangyari sa inyo at may chance na siya ang ama niyan?"
"Di niya yun gagawin."
"Paano ka nakakasigurado? Alam nating lahat na mahal na mahal ka ni Yohann. Nagtaka nga ako kung bakit bigla nalang sinabi niyang pakakasalan niya si Cassy gayong ikaw ang tunay niyang gusto. Tingin mo, baka ginagamit niya lang si Cassy para makaganti sayo?"
"Ano ka ba Cecil. Hindi niya pwedeng gawin yun, wala siyang karapatang  saktan ang kapatid ko." Sabi ko.
"Wag kang magalit. Relax ka lang baka mapano yang baby mo. Sige na, dito ka na muna tutulungan ko lang si manang na maghanda ng midnight snack."
Hindi na ako umimik hinayaan ko nalang na umalis siya.
("Baka ginagamit niya lang si Cassy para makaganti sayo?")
Hindi. Hindi. Hindi niya magagawa yun. Hindi ganun si Yohann.
"Kahit nasaktan ko siya hindi niya kayang manakit ng ibang tao."
Nakatulog na ako bago pa bumalik si Cecil kaya paggising ko ng umaga nandun pa ang pagkain.
Bumaba na ako pagkaligo. Nakita ko silang nagkakape sa may garden.
"Hi baby. Good morning." Sinalubong ako ni Bryan bago ako hinalikan sa pisngi. Nandun sila Yohann.
"("Mabuti na ang ganito.") Isip ko.
"What do you want? Coffee or tea?" Tanong niya.
"Coffee nalang." Sagot ko.
"Okay. Manang padala ng coffee dito. Salamat."
"Teka.. paano mo pala nalaman ang daan papunta dito sa bahay Yohann?" Tanong ni Cassy.
"Ako ang nagturo sa kanya." Ako ang sumagot.
"Ah. Akala ko naman nakarating ka na dito Yohann." Si Cassy.
"Paano naman siya makakarating dito? Ngayon nga lang siya nagpunta dito."
"Akala ko lang ate." Nakatingin silang lahat sa akin.
"Kumain na lang tayo, heto ang cake oh." Si Cecil.
"Ako na ang kukuha para sayo Cassy." Sabi ni Yohann.
"Sige." Nakangiting sabi ni Cassy.
"Bryan pwede mo ba akong kunan ng cake?"

At Cecil's mind..
"Ako na ang kukuha para sayo Cassy." Narinig kong sabi ni Yohann.
"Sige" nakangiting sagot ni Cassy.
Napatingin ako kay Sally na napansin kong nainis.
"Bryan pwede mo ba akong kunan ng cake?"
Nagulat si Bryan sa sinabi ni Sally pero sumunod din siya.
"O sige." Kinunan  niya si  Sally.
Halatang nagulat din si Cassy sa ginawa ng Ate niya.
"Salamat." Sabi ni Sally pagkabigay ni Bryan.
"Cassy gusto mo bang magala mamaya? Gusto ko sanang magswimming." Nakangiting sabi ni Yohann.
Halatang pinagseselos lang niya si Sally sa ginagawa niya.
Nag aalala tuloy ako kay Sally. Buntis siya at madaling mainis baka kung ano masabi niya.
Bakit kasi hindi pa niya sabihin kay Yohann at Cassy. Pinapahirapan lang niya ang sarili niya.
Tumagal tagal din ang ginagawang pagpapaselos ni Yohann kay Sally. Pero nagulat kaming lahat ng biglang pabagsak na ilagay ni Sally ang basong walang laman.
"Ate ano problema?" Takang tanong ni Cassy.
"Wala. Gusto ko munang magpahinga." Sagot niya at naglakad palayo. Nakita  kong lihim na napapangiti si Yohann.
Nainis ako kaya sinundan ko si Sally hanggang kwarto niya.
"Bakit ba kelangang maging sweet siya kay Cassy kahit sa harap ko?" Naiinis na pinagbabasal ni Sally ang mga unan.
Naaawa ako sa kanya pero gusto ko siyang batukan.
"Pwede pabatok isa lang?" Sabi ko dahil di ko talaga mapigil sarili ko.
"Kung wala kang sasabihing maganda umalis ka na lang." Sagot niya.
"Hanggang kelan ka ba magiging ganyan? Akala ko ba wala kang balak na sabihin kay Cassy ang nakaraan nio ni Yohann peeo bakit ka ganyan? Pinapakita mo pa sa harap niya." Sabi ko.
"Ano gagawin ko e hindi ko nga mapigilan." Sagot niya.
"Kung ganyan ka palagi wag ka magtaka kung ilang araw palang naghihinala na sayo si Cassy." Sabi ko. Tumingin lang siya sa akin na puno ng pag aalala ang mata.
Niyakap ko siya.
"Ayokong nakikita kang nasasaktan." Sabi ko. Naramdaman kong niyakap niya rin ako, mahigpit habang umiiyak.
"Salamat."

Sister's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon