#SLUnwell

12 0 0
                                    

"Hindi malabong magkagusto din si Yohann kay Cassy. Palagi silang magkasama, magkasamang kumain at palagi silang namamasyal." Sagot ko.
"So yun na yun? Alam mo at alam kong hindi ganun magpakita ng pagmamahal si Yohann. Kilala mo siya mula ulo hanggang paa, at yung gusto niya sa isang babae? Alam nating lahat na nasa sayo yun at wala kay Cassy. Kung hindi mo kayang sabihin kay Cassy ako ang magsasabi."
"No Cecil. Wag mong gagawin yan." Sabi ko.
"Kung ayaw mo, sino?" Siya.
"Hindi ko alam."
Hindi na umimik si Cecil.
"Kelangan ko ng umalis Cecil, baka hinahanap na ko ni Cassy."
"Kumain muna tayo."
"Di na. Okay lang."
Naglalakad na ako palabas ng bigla akong makaramdam ng hilo kaya napakapit ako sa gate nila.
"Bakit? Okay kalang? Sabi kasi kumain ka muna e." Alalang tanong ni Cecil.
"Okay lang ako." Sabi ko. Maya maya rin ay nawala na yung hilo ko.
"Kaya mo na?" Tanong ni Cecil.
"Kaya ko na." Sagot ko.
"Sure?"
Tumango ako.
"Sige mauna na ako. Salamat sa pagtanggap sakin."
"Okay lang, ano ka ba. What's our friends for diba?" Nakangiting sabi nito.
"Sige na. Bye."
Kinawayan ko pa ito.
Nasa kalagitnaan na ako ng byahe ng mapatigil ako sa pagmamaneho at agad na bumaba dahil nasusuka ako.
"Ano bang nangyayari sakin?" Isip ko. Kinapa ko ang tiyan ko. Nahihilo pa din ako kaya matagal tagal pa bago ko muling pinaandar ang kotse.
Maya maya tumawag si Bryan. Bumili na ako ng bagong phone, kesa naman balikan ko pa ang cellphone ko sa Mindoro.
Magnanine na ng makauwi ako.
"Saan ka galing?" Tanong ni Bryan.
"Kila Cecil lang."sagot ko. Medyo hilo pa talaga ako.
"Are you okay? Namumutla ka ah?"
"Okay lang ako. Sige na akyat na muna ako." Sabi ko.

At Yohann's mind..
"So ano gagawin mo?" Tanong ni Joey.
"Mas mabuti siguro kung sabihin ko nalang sa kanya ang totoo." Sagot ko.
"What about Sally? I think di pa siya ready para malaman ng kapatid niya ang katotohanan."
"Pero anong gagawin ko? Buo na ang pasya kong liligawan ko ulet si Sally. I don't care kung sila ni Bryan o hindi basta ang alam ko mahal ko siya." Sabi ko.
"Talk to Sally about that matter. Ikaw at siya ang dapat magdesisyon sa bagay na yan. Di ka pwedeng kumilos ng hindi mo kinukonsulta sa kanya."
"Iniiwasan niya ako. Ayaw niya akong makausap." Sabi ko.
"When it comes to her younger sister lahat gagawin nun."
"Paano kung hilingin niya saking pagbigyan ko si Cassy?" Tanong ko.
"Hindi ganun mag isip si Sally. Matalino siya, alam mo yan."
Napabuntong-hininga nalang ako.
"Kakausapin ko si Cassy mamaya. Bahala na kung anong maisip kong dahilan basta ang mahalaga matigil ang kabaliwan niya."
"Hindi yun kabaliwan. Thats what you call "pag ibig". Parang di mo naman naranasan yun. E baliw na baliw ka pa nga noon, at hanggang ngayon." Natatawa nitong wika.

After lunch tinawagan ko si Cassy para magkausap kami.
"You already think about it?" Tanong niya habang nasa kotse kami pero nakatigil lang yun.
"Yes Cassy." Sagot ko. Tumingin ako sa kanya at nakita yung excitement sa mata niya.
Sad to say but I'll never give us a chance.
"Cassy.. alam mo, bata ka pa, maganda, matalino like your Ate Sally. Alam ko malayo ang mararating mo at ayokong isa ako sa maging dahilan para mapigil yun."
"Wait... are you rejecting me? That was your point, right?" Yung excitement sa mga mata niya ay agad napalitan ng pagkainis at naramdaman ko yun dahil medyo tumaas ang tono ng pananalita niya na ngayon ko lang nadinig.
"I'm sorry Cassy. You don't deserve me, even me, I don't deserve a precious girl like you. Makakahanap ka pa ng mas, kesa sakin."
"No. I want you, only you. Ganun ba kahirap Yohann na pagbigyan ako? Lahat ng good side ko pinakita ko na sayo. Mahirap ba akong mahalin Yohann?" Paiyak na ito.
"Hindi ganun Cassy--
"So why Yohann, why?! Dahil may mahal kang iba? Kaya kong patunayan na mas karapat dapat ako sayo kesa sa kanya. Dahil ba hindi ako matured? Hindi morena? Kung gusto mo magpapaitim ako, kaya kong maging matured par a sayo. May mali ba sakin para ayawan mo ko?" Tuluyan na itong umiyak.
"Pls Cassy stop crying. Walang mali sayo, isa pa hindi totoong ayaw ko sayo. I like you, I love you I really do pero bilang nakababatang kapatid lang, hanggang dun lang."
"Hindi ko na kelangan ng kuya o kapatid. May ate na ako, magkakakuya na din. Hindi ko na kelangan ng kapatid Yohann."
"I'm sorry Cassy. Hindi ko mabibigay ang hinihiling mo." Malungkot kong sagot.
"Okay. Fine. Pero hindi ako titigil na ipakita sayong mahal kita at patutunayan ko sayo na kailangan mo din ako."
Sabi nito bago madaling lumabas ng kotse.
"Cassy!!"
Hinabol ko siya pero agad itong nakasakay ng taxi.
Paano ko ba to lalampasan? Bakit kasi kelangang mahulog ka pa sa akin Cassy?
Napakamot nalang ako sa ulo.
Sinubukan kong tawagan siya pero di niya sinasagot at ilang sandali lang ay pinatay na niya phone niya.

Gabi na akong nakabalik sa bahay dahil natraffic pa ako.
"Sir Yohann."
"Ano ginagawa mo dito Edward?" Takang tanong ko. Bubuksan ko palang kasi ang pinto ng bahay ko ng magsalita ito mula sa likod ko.
"Kanina ko pa po kasi kayo hinihintay, di ko na kayo natawagan kasi nakalimutan kong wala pala akong load." Sabi niya.
"Halika na sa loob. Malamig dito."
Pagpasok namin binigyan ko siya ng tea at naupo kami sa sala.
"So why are you here?" Tanong ko.
"Pinapatanong po kasini manang kung anong gagawin niyo sa bahay. Baka daw kasi tanggalin niyo na siyang caretaker, nakiusap nga na itanong ko sa inyo para makahanap ng ibang trabaho."
"Si manang? Sa tanda niyang yun maghahanap pa siya ng trabaho?"
"Siya lang naman po kasi ang inaasahan sa kanila. Patay na ang mga magulang nung apo niya pati asawa niya kaya siya ang nagpapaaral sa dalawang apo niya."sagot nito.
"Okay. Siya na kamo muna ang bahala sa bahayhanggat hindi ako nakakahanap ng architect para dun. Wag din kamu siyang mag alala dahil di ko siya aalisin." Sabi ko.
"Sige po sasabihin ko sa kanya. Sige ho sir mauna na ako, hinihintay na ako ng mag ina ko e."
"Ihatid na kita."
"Di na po, okay lang."
"Sure?"
"Opo. Sige sir."
"Ingat."

Sister's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon