At Sally's mind..
Ngayon ang engagement party nila Cassy at Yohann. Noong una nagdalawang isip pa ako kung dapat ba akong pumunta pero sa huli naisip kong dapat kong suportahan ang kapatid ko.
Pagpunta ko sa hotel, nagdiretso ako kay Cassy na nakaupo sa harapan ng salamin.
"Bakit nanjan ka pa? Magsisimula na." Sabi ko.
"Kelangan ko bang pumunta?" Tanong niya.
"Ofcourse. Ano ka ba?"
"Masaya ka ba ate?" Tanong niya.
"Oo naman. Hanggat masaya ka masaya rin ako." Sagot ko.
"Sinungaling." Nadinig kong sinabi niya.
"Cassy?" Ako.
"Alam ko na naman ang lahat bakit kelangan mo pang magpanggap sa harap ko na masaya?" Nagulat ako sa sinabi niya.
"Bakit nung una palang hindi mo na agad sinabi sa akin na si Yohann yun. Palagi kitang tinatanong pero wala kang sinasabi."
"Cassy pano mo nalaman?"
"Hindi na yun importante Ate. Basta ang mahalaga alam ko na kaya di ka na makakapagsinungaling."
"Perigustolang kitang maging masaya." Sabi ko.
"Bakit ba palaging ako ang iniisip mo? Paano ang anak mo? Lalaki siyang iba ang amang kinkilala?" Umiiyak sa tanong ni Cassy.
"Sorry." Napaiyak din ako.
"Mula noon palaging ako ang inaasikaso mo kaya ngayon ibabalik ko ang lahat ng yun."
"Cassy anong ibig mong sabihin?"
"Nasaan yung regaloko sayo?"
Kinuha ko yung boxna bigay niya sa akin.
"Heto, isuot mo ate." Isang sisng singna may hugis kalahatingpuso.
"Para saan ito?" Tanong ko.
"Alam mo na kung sino ang mayhawak ng kapares niyan. Salamat sa lahat ate, sana maging maligaya kayo."
"Cassy."
"Sige na. Lumakad ka na. Hinihintay ka na niya"
"Salamat." Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Lakad na doon. Mag iiyakan pa tayo dito. Tumigil ka na kakaiyak. Para sayo talaga si Yohann simula pa noon."
"Salamat." Sabi ko bago nagmadaling lumakad palabas ng kwarto niya.
"Pls. Ladies ang gentlemen give her around of applause, the bride-to-be. Ms. SALLY Monasterio."
Paglabas ko, kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Yohann. Pero agad iyong napalitan ni malaking ngiti.
"Yohann. Ako eto." Isip ko.
Pagkalapit ko agad niya akong niyakap.
"Salamat. Salamat."
Humarap kami sa lahat ng tao. Nakita ko sa crowd sila Cecil, Bryan, Joey at iba pang kakilala ko.
Pero ang hinanap ko talaga ay si Cassy. Pero hindi ko siya nakita kaya kahit nasa gitna pa kami ay tumakbo na ako pabalik sa kwarto pwro wala na siya. Nakaalis na daw sabi nung guard. Hinabil ko si Cassy buti nalang naabutan ko.
"Aalis ka ng hindi nagpapaalam sa akin?" Nag iiyak kong sabi.
Tumigil siya at patakbo akong niyakap.
" mamimiss kita." Sabi niya.
"Bakit saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Sa New York."
"New york? Ang layo naman nun."
"Para makalimot muna, babalik naman ako ate. Basta pagbalik ko dapat kasingganda ko yang pamangkin ko huh?" Natatawa niya sabi.
"Ikaw talaga. Halika nga dito." Niyakap ko siyang pagkahigpit higpit.
"Salamat Cassy, Salamat talaga." Sabi ko.
"Okay lang ate. Alam kong magiging masaya ka."
"Cassy." SiYohann.
"Yohann alagaan mo yang ate ko huh? Lalona yang pamangkin ko kapag hindi babawiin ko sila sayo."
"Oo naman.. Pero, salamat Cassy."
"okay lang. Sorry din sa inyo kasi naging sakim ako"
"Wag mong sabihin yun. Mag iingat ka sa new york." Sabi ni Yohann bago niyakap si Cassy.
"Cassy baka mahuli tayo." Tawag ni Ate Sandy.
"Sige ate maiwan ko na kayo." Isang mahigpit na yakap at halik sa magkabilang pisngi ang pinabaon ko sa kanya.
Tinanaw namin hanngang malayo sa kotseng sinasakyan nila.
Lalo lang akong napaiyak.
"Mahal na mahal kita Sally."
"Mahal na mahaldin kita Yohann." Nagyakap kami.
Maya maya bumalik kami sa bulwagan.
"Gusto niyo ba ng kiss?" Sabi ni Emcee.
"Oo." Sigawan nila.
"O kiss daw."
Nilapitan ako ni Yohann.
"Salamat kay Cassy pangako aalagaan ko kayo ng magiging baby natin. Mahal na mahal kita."
Niyakap niya ako at ilang sandali lang ay naglapat na ang aming mga labi ng may ngiti.WAKAS...
A/N : salamat po sa nagbasa. Pakiboto nalang po kapag medyo o kaya kahit kunti ay nagustohan nito story ko. Salamat po ulet
BINABASA MO ANG
Sister's Love
Teen FictionPROLOGUE Isang seryoso, positibo at may pangarap sa buhay ang bente kwatro anyos na dalagang si Sally. Wala siyang ibang hiling kundi ang mapaginhawa ang buhay ng kanyang nagiisang kapatid na si Cassy. Isang pangakong kanyang binitawan bago pumana...