#SLTheGift

11 0 0
                                    

Nasa isa kaming coffee shop.
"Nakita kita nung gabing yun." Sabi niya.
"Anong sinasabi mo?" Ako.
"Nung gabing nag uusap sila Sally. Alam kong nadinig mo ang lahat kaya nagmamadali ka nang ikasal kayo ni Yohann dahil natatakot kang baka balikan siya ni Sally."
Hind ako umimik.
"Tingin mo ba kayang gawin yun ni Sally? Narinig mong tinanggihan niya si Yohann para sayo pagkatapos pinag iisipan mo pa ng masama ang ate mo? Ibang klase ka." Sabi niya.
"Ano bang pinopoint mo?" Tanong ko.
"Layuan mo si Yohann, ibalik mo siya sa ate mo."
"Sira ka ba? Si Yohann ang kaligayahan ko." Sabi ko.
"Ganun din si Sally. Bata ka pa, maganda at malayo pa ang mararating mo. Si Sally, buntis at si Yohann ang ama. Kaya mo bang tiisin yun?" Siya.
"Nanjan naman si Bryan para sa kanya, maraming nagmamahalsa kanya. Nandito ako, kahit kasal na kami ni Yohann hindi ko siya pababayaan."
"Mas lalo mo lang siyang sasaktan. Alam mo bang sa tuwing nakikita ka nia pati na si Yohann halos madurog ang puso niya? Si Yohann, ay ang firstlove niya. Isa pa, hindi niya mahal si Bryan. Hindi mo kayang pilitin ang isang taong mahalin ang taong hindi niya magawang mahalin. Katulad ni Yohann, hindi ka niya kayang mahalin dahil si Sally ang gusto niya simula pa noon."
"Wala akong pakialam." Sagot ko.
"Simula pa noon, puro ikaw nalang ang iniisip ni Sally. Lahat ng gusto mo binibigay niya, kung ano ang hilingin mo pinipilit niyang makuha para sayo kasi mahal na mahal ka niya. Pero sana ngayong kailangan niya ng taong magpapasaya sa kanya ikaw naman anng magsakripisyo para sa kanya. Kahit ngayon lang. Alam mong hindi lang si Sally ang magiging masaya kapag ginawa mo yun, pati na rin si Yohann. Pasasalamatan ka nila."
"Sinasabi mo bang ako ang hadlang sa pagmamahalan nilang dalawa?"
"Oo. Dahil kung hindi ka nagkagusto kay Yohann sila sana ang ikakasal ngayon. Sana pag isipan mo ang sinabi ko, gusto ki lang maging maligaya si Sally." Paliwanag niya bago naunang lumabas.
Sinundan ko lang siya ng tingin.
Kilalang kilala niya ang ate ko.
Pero kapag ginawa ko ang gusto niya ako naman ang mahihirapan.
Umuwi ako pagkatapos kong pumunta sa mall para bumili ng susuotin ko.
Pero habang nasa mall ako may nakasabay ako sa elevator na mag asawa.
"Excited na ako sa baby natin. Kapag lumabas yan sigurado kamukhang kamukha ko." Narinig kong sabi nung lalaki.
"Syempre naman ikaw ang tatay nito. Pero sana kahit kulay ko makuha niya para maputi."
Nagtawanan ang mag asawa.
Pag uwi ko nakita ko si Ate na nakaupo sa sala, nanonood habang kumakain ng mangga.
"Cassy saan ka galing?" Tanong niya.
Napatingin ako sa tiyan niya. Hindi pa halata ang tiyan niya, maliit pa din. Pero halatang naglilihi siya dahil halos araw araw manggang hilaw ang kinakain niya. Tanghali na din siyang gumising at makalwahan kung maligo.
Hindi ko maiwasang hindi mapaisip.
Parurusahan ba ako ng Diyos kung ipagkakait ko sa pamangkin ko ang ama niya? Lalo na kay Ate?
"Cassy may problema ba?" Takang tanong ni ate Sally.
Umiling ako.
"Akyat na ako. Heto oh regalo ko sayo. Buksan mo yan sa engagement party." Sabi ko at umakyat na.

At Yohann's mind..
Simula noong sinabi ni Cassy na ipapakilala na niya akodi na ako mapalagay. Hindi ko alam kung dapat ko bang tanggihan. Kapag ginawa ko yun, magagalit sakin siSally at baka mapano pa ang anak namin pati na rin siya. Kapag itinuloy ko, magiging maayos ang lahat pero hindi ako masaya.
"Yohann." Si Cassy.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Binibisita ka. May dala akong snacks and drinks halika inom tayo."
Matagal tagal na kaming nakaupo ng magsalita siya
"Yohann magsabi ka sakin ng totoo."
"Tungkol saan?" Tanong ko.
"Yung babaeng mahal mo nakalimutan mo na ba?" Tanong niya.
"Magsisinungaling ako sayo kapag sinabi kong oo. Ang totoo, hanggang ngayon mahal na mahal ko siya. Hindi ko kayang kalimutan ang nag iisang babaeng bumuo sa buhay ko." Sagot ko.
Natahimik siya.
"Sorry Cassy hindi ko na kasi kayang magsinungaling sayo. Wag ka mag alala hindi naman kita tatakbuhan. Itutuloy ko ang naipangako ko sayo, matututunan din litang mahalin."
"Salamat." Niyakap niya ako.
Maya maya tumayo siya.
"Heto regalo ko sayo. Buksan mo sa engagement party." Sabi niya.
"Ano to." Ngumiti lang siya at umalis na. Ano bang iniisip ni Cassy.

Lumipas ang mga araw na hindi kami nagkikita ni Sally hanggang sa dumating ang araw ng engagement. Mahirap man, pero pinilit kong tanggapin na iti ang kapalaran ko.
Magseseven na ng dumating ako. Madami dami ng tao. Mg kaibigan at kamag anak nila Sally, tanging si Joey at Edward lang ang naging bisita ko.
"Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo?" Tanong ni Joey.
Tiningnan ko ang singsing na niregalo sa akin ni Cassy.
"Kung ito ang makabubuti sa aming lahat, handa na ako." Sagot ko.
"Paano si Sally?" Si Joey.
"Magpapakasal na din naman sila ni Bryan. Mahal siya ni Bryan at aalagaan niya ang anak ko." Sagot ko.
"Sana wag mong pagsisihan Yohann, sana."
"Sana nga Joey dahil ayoko ng manghinayang na naman. Pipilitin kong turuan ang puso kong mahalin si Cassy."
"GoodLuck."
Maya maya nagsalita na siAte Sandy. Pinsan nila Cassy, pinapunta na ako sa unahan. At maya maya lang nagsimula na niyang tawagin ang kanyang pinsan.
"Pls ladies and gentlemen give her around of applause, the bride-to-be. Ms.

Sister's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon