#SLRainraingoaway

17 1 0
                                    

At Yohann's mind..
"Why you didn't you tell me?" Tanong ko kay Edward.
"Ang alin?" Tanong din niya.
"Na si Sally ang may ari ng bahay?" Sagot ko.
"Di ka naman sir nagtanong e. Yung bahay lang ang tinatanong niyo.. Buti naman pala kakilala niyo ang may ari ng bahay. Ano mo ba siya?" Tanong niya.
"Its like... an old special friend." Sagot ko at iniwan na itong nagmemeryenda sa sala.
"Sir mukang uulan. Baka mastranded tayo dito." Sigaw ni Edward.
"Sir asan po si ma'am Sally?" Tanong sa akin ng driver ni Sally.
"Nasa kwarto niya"
"Ah. Sige ho salamat."

Pagkahapon nakita kong umalis ang kotse ni Sally pero hindi siya kasama.
"Manang saan po pupunta si Manong?" Tanong ko sa matandang katulong doon.
"Ay ang dinig ko ho ay itatanong sa bayan kung may byahe ba ang barko ngayong magdamag." Sagot niya.
"Sige po. Salamat."
Uuwi pa rin siya ng ganito?
Maya maya lang ay bumuhos na ang ulan.
"Ngayon lang nagkabagyo dito. Minamalas ang pag uwi niyo Sir." SabI ni manang.
"Di po ba madalas ang ulan dito?" Tqnong ko.
"Hindi ho. Ang lugar pong ari ay hindi open sea kaya malayobg tamaan ng bagyo."
"Maganda po pala talagang manirahan dito."
"Ay oho sir. Mamingwit ka laang kapag umaga diyan ay may pang ulam ka na." Sabi niya habang abala sa pagluluto.
"Gaano na po ba kayo katagal dito?" Tanong ko.
"Ay hijo simula nang ipanganak ako ay nahandito na ako sa lugar na ito." Sagot nya.
"Hindi po ba kayo naiinip o magsasawa dito?" Tanong ko ulet.
"Nakuy hindi hijo. Mamamatay ako sa lugar na ito ng walang pagsisisi. Napakasaya sa lugar na ito. Walang gulo at masasaya ang tao."
"Mukhang mawiwili ako dito." Sabi ko.
Palakas na ng palakas ang ulan.
"Kaiba talaga ang panahon." Narinig kong wika ni Manang.
"Pagkakain niyo po nila ma'am ay uuwi na ako at ang aking pamilya ay naghihintay din sakin."
"Sino po ang maiiwan kay Sally?" Tanong ko.
"Nanjan naman po ang driver niya." Sagot nito.
Bumalik na ako sa sala.
"Sir mukhang kelangan na nating umuwi. Padilim na at palakas na ng palakas ang ulan. Baka di tayo makauwi."
"Paano yung bahay?" Ako.
"E parang nakatulog na po si Ma'am Sally baka bukas na kayo mag usap."
"O sige magpapaalam lang ako." Sabi ko.
Umakyat ako papunta sa kwarto niya.
"Sally?"
Kinakatok ko ang kwarto niya prlero walang naimik.
"Mukang nakatulog nga."
Bumaba na lang ako at nagsabi kay manang.
"Manang pakisabi nalang po kay Sally na umalis na kami." Sabi ko.
"Teka ho sir. Pwede po bang mah iwan nalang tayo ng sulat? Balak ko sanang makisabay sa inyo, banda roon laang naman ng bahay nilaEdward ang bahay ko."
"Paano si Sally?" Ako.
"Naku sir. Kayang kaya niya yan. Dati nga natutulog siya ditong mag isa kahit may napapabalitang may nirirape... Antayin niyo ho ako at magsusulat laang ako at ididikit sa kwarto niya." Sabi nito.
Mag isa siyang natutulog dito? Sa laki ng bahay na to? Pano kung pasukin siya ng mga rapist dito? Di pa naman siya makakatakbo dahil kanina lang e natapilok siya.
"Sir tara na po. Lumalakas na e." Tawag ni Edward.
"Sandali lang Edward sasabay daw si Manang."
Maya maya lang bumalik na si manang dala ang gamit niya.
"Tara na ho." Sabi niya at nauna pa sa aking lumabas.
Kaya ba talaga niya? Sinilip ko pa yung kwarto niya bago lumabas ng bahay. Ni-lock ko din para siguradong walang makakapasok.

At Sally's mind..
Nagising ako sa lakas ng ulan.
Tiningnan ko abg cellphone ko kung anong oras na.
"8miscalls at 10 messages."
Di ko na tiningnan. Inuna ko ang orasan.
"Pasadoalas diyes na pala."
Paglabas ko may nakita akong sulat na nakadikit sa pinto ng kwarto.
"Ma'am umuwi na po ako pati na po sila Sir Yohann. Si manong po di pa nauwi. Nakalagay na po sa ref ang pagkain niyo." --manang.
Nagdiretso ako sa kusina. Kinuha ko ang pagkain at pumwesto na ako sa tapat ng tv.
"Bakit dito pa ako inabutan ng bagyo?" Naisip ko.
Tatawagan ko sana sila Cassy ng maalala kong iniwan ko sa kwarto.
Umakyat ako at hinanap pa kung saan ko iyon nilagay.
Palabas na ako ng may marinig akong tumunog sa may bintana ko.
Isa.. dalawa.. tatlo.. apat..
"Bato ba yun?" Naisip ko.
"Saaaaaallllllllyyyyy!!!"
Narinig kong may tumawag sa akin.
"Teka.. tao ba yun?"
Bigla tuloy akong kinilabutan.
"Saaaallllyyy!!" Ulet ng tumawag.
Lalo lang akong nangilabot.
"Naku. Dapat di nila ako iniwan." Naisip ko.
"Pssst.. psst.."
"Sino yun?"
Nanlalamig na tuloy ako.
"Ay palaka." Nagulantang ako ng magring ang cellphone ko.
""Si Yohann."
"Hello?" Ako.
"Nasaan ka ba?" Tanong niya na parang nanginginig ang boses.
"Nasa bahay. Bakit ba?" Tanong ko.
"Pwede bang buksan mo na ang pintuan? Kanina pa ako kumakatok. Lamig na lamig na ko dito."
"Teka.. ikaw ba yung bumabato at tumatawag sa pangalan ko?" Tanong ko.
"Oo ako nga. Bilisan mo, nilalamig na ako." Pagkasabi nito at ibinaba na niya.
"Yohann.. Yohann.."
Nagmadali na akong lumabas. Pagkakita ko ay nandun nga iyon at parang basang sisiw.
"Anong ginagawa mo dito? Tanga ka ba? Di mo ba alam na malakas ang ulan? Pano kung magkasakit ka? Baka ako pa sisihin ng ibang tao."
"Pwede ba papasukin mo na muna ako? Kanina pa ako nilalamig e." Nanginginig niyang sabi.
"Bilisan mo na. Basang basa ka." Sabi ko dito at hinagisan ng tuwalya.
"Bakit ka nandito? Anong oras na o?"
"Tumahimik ka na nga muna. Kanina ka pa daldal ng daldal. Mas mabuti kung asikasuhin mo muna ako." Sabi nito at tumingin sakin tapos tumigil pa sa pagpupunas.
"Mag isa ka!" Sabi ko at tinalikuran ito ng biglang mamatay ang ilaw.
"Ohmygod!!!" Napasigaw ako. Tapos di na ko nakagalaw.
"Sally are you okay?" Narinig kong tanong ni Yohann.
"Yohann? Nasan ka?"
Simula pa noon , takot talaga ako sa dilim tapos kulugan pa ng kulugan. Pakiramdam ko tuloy nasa gitna ako ng kawalan.
Pinailaw nito ang kanyang cellphone tapos dahan dahang lumapit sakin.
"Wag kang aalis Yohann." Sabi ko habang mahigpit ang hawak sa braso niya.
"Di ako aalis. Di kita iiwan."
Naglalakad kami para kumuha ng kandila ng biglang kumidlat kaya agad akong yumakap kay Yohann.
Wala na kong pakialam kung ano isipin niya. Natatakot ako e.
Maya maya naramdaman kong niyakap na din niya ako.
Nagpatuloy kami sa paghhanap ng kandila.

Sister's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon