At Sally's mind.
Habang kumakain ng almusal ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang invitation card na meron si Cassy. Pano siya nagkaroon noon? Kilala na ba niya si Yohann?
"Ate anong iniisip mo at kunot noo ka pa?" Tanong ni Cassy.
"Ah wala. Kumain ka lang." Sagot ko.
"GoodMorning ladies." Bati ni Bryan pagkapasok sa kusina.
"Hi Kuya Bryan. Teka... siguro ate si Kuya Bryan yung napanaginipan mo kanina nuh?"
"Ano? At paano mo naman nalaman na nananaginip ako?" Tanong ko rin.
"Kasi naman nung pagbaba ko kanina nakahiga ka sa sofa at yung ngiti sa yong mukha ay parang umakyat ka sa langit. Napakagandang ngiti. Para ngang kinikilig ka pa e." pang aasar ni Cassy.
"Totoo ba yun Cassy? Talaga tong Ate mo hindi pa kasi aminin na matagal na siyang may gusto sakin."
"Hoy kayong dalawa tigil tigilan niyo ako huh? Cassy bilisan mo na at may pasok ka pa at ikaw Bryan kanina ka pa hinihintay ni Edwin."
"Okay. Bye ladies."
"Ate wala pala akong pasok ngayon. May lakad kami ni Thea." Sabi nito.
"At saan naman yun?" Tanong ko.
"Yung kaibigan kasi ni Thea binigyan kami ng invitation card para sa opening ng basketball court for kids. Naka-oo na kasi kami kaya inaasahan na kami doon." Sagot niya.
"Anong oras naman kayo makakauwi?" Tanong ko ulet.
"Depende Ate. Tatawag nalang ako sayo kung gagabihin kami."
Ayoko sanang pumayag kasi nga..... ay basta yun na yun.
"Oh sige. Tumawag ka." Sagot ko.
"Salamat Ate." Nagtapos na ito sa pagkain at naligo na.
"Ate alis na po kami ni Thea." Paalam niya.
"O sige mag ingat kayo." Sagot ko.Habang nag aasikaso ako sa mga costumer sa restaurant wala ak sa sarili kaya kung anu ano ang naibibigay ko.
"Miss chicken curry po ang order namin at hindi adobo." Puna nung babae.
"Ho? Ganun po ba? Pasensya na po. Papalitan ko nalang. Sa inyo na din po itong adobo." Sabi ko at agad na nagpunta sa kusina.
"Sunshine chicken curry nga table 33." Sabi ko.
"Take a rest Baby. Kami na bahala dito."
"Okay." Sagot ko.
Ano bang nangyayari sakin? Nalaman ko lang na pupunta si Cassy sa opening ng negosyo ni Yohann nawala na ko sa sarili. Siguro naman di na maaalala ni Yohann si Cassy. Ilang taon na ang nakalipas.
Nagpunta ako sa kwarto. Hindi ko alam pero bigla kong naisipang maghalungkat ng mga gamit na galing kay Yohann.
Yung couple shirt nung nag one month kami. Singsing nung second monthsary. Kwentas nung 3rd. Magic pen na binili pa niya sa England nung 5th. Kahon ng chocolates na mula pa sa Korea nung 6th. Sapatos nung 7th. Card nung 9th. At teddy bear at couple watch na ako ang bumili nung 1 year anniversary namin. Lahat yun nakatago. Sa loob ng anim na taong wala siya. Pinagsisihan ko kung bakit di ko pinaglaban yung pagmamahalan namin at mas pinili kong pangunahan ako ng takot.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala hanggang sa may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Sally are you okay?" Si Bryan.
"Okay lang ako Bryan. Wag ka na mag alala." Sagot ko.
"Okay. Pero if you need something just call me." Yun lang at umalis na siya.
BINABASA MO ANG
Sister's Love
Teen FictionPROLOGUE Isang seryoso, positibo at may pangarap sa buhay ang bente kwatro anyos na dalagang si Sally. Wala siyang ibang hiling kundi ang mapaginhawa ang buhay ng kanyang nagiisang kapatid na si Cassy. Isang pangakong kanyang binitawan bago pumana...