AT Yohan's mind.
"...Diba Baby?" Napatingin ako kay Sally matapos kung marinig ang sinabi ni Bryan pero agad din akong tumingin sa labas.Nakasakay na kami sa kotse ni Cassy. At si Sally kasama ang baby niya sa kabilang kotse.
Baby? How stupid. Parang silang bata. Di na sila teenager para magtawagan ng ganun. Nakakasuka. May paBaby Baby pang nalalaman.
"... what do you think Yohann?"
"Huh? Sorry Cassy. Di ko narinig."
"Pansin ko lang simula nung sumakay tayo sa kotse nawala ka na sa sarili?"
"Pasensya na. Niyaya pa naman kitang mamasyal tapos ganito ako." Sagot ko."Okay lang. Yohann kahapon lang tayo nagkakilala pero ang gaan na agad ng loob ko sayo."
"Magaling lang akong makisama."
"Siguro nga. Teka saan pala tayo pupunta?"
Nag isip ako sandali hanggang sa may makita akong bagay na nagbigay sa akin ng idea kung saan pupunta.
"Malapit na tayo." Sabi ko at pinaharurot ang kotse.Pagbaba namin.
"Amusement park? Ano bang trip mo Yohann? Dapat pala di na lang kami sumunod ni Sally dito." Inis na sabi ni Bryan.
"Bakit Bryan? Diba paborito itong puntahan ng mga BABY?" Sagot ko bago naglakad.
Hanggang ngayon wala pa din siyang alam sa mga bagay na gusto ni Sally.
"Ano ba Bryan? Kung ayaw mo e di umalis ka." Narinig kong sabi ni Cassy.
"Okay lang yan Bryan. Nandito na tayo, enjoyin mo nalang ang mga rides."
Hindi ko talaga mapigilang mainis sa tuwing nakikita ko silang magkasama.
At Sally's mind.
Amusement Park? Bakit dito niya kami dinala?Di ko mapigilang hindi mag isip. Siya lang ang tanging taong sinabihan ko tungkol sa mga lugar na gusto kong puntahan at isa sa mga gustong gusto kong puntahan ay ang Amusement Park.
"Okay." Pilit na wika ni Bryan.
Sinundan namin sina Cassy na halatang nag eenjoy na sa pamamasyal kasama si Yohann.
"Ate sakay tayo sa ferris wheel." Yaya ni Cassy.
"Sige kayo nalang. Bibili lang ako ng pagkain." Pagkasabi ko ay lumakaf na ko.
Tama bang sumama pa ko dito? Tanong ko sa sarili. Napabuntong hininga nalang ako.
"Lalim ng hugot ah." Nagulat ako ng biglang may magsalita da likod ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Naisip ko kasi na baka puro ensaymada lang bilhin mo kaya sumunod ako." Sagot ni Yohann.
"Paano si Cassy?"
"Kasama niya si Bryan. Don't worry hindi naman niya aagawin sayo ang Baby mo." Natatawa nitong sagot. Hindi ako umimik.
"Tagal niyo na ah. Bakit di pa kayo magpakasal? 6 years na. O baka naman... may hinihintay ka pa? Maybe its me."
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito.
"Ano bang balak mo? Bakit ka ba bumalik?" Tanong ko.
"Balak ko? Wala. Tsaka bakit ako bumalik? Teka.. kelangan ko pa bang magpaliwanag sayo?"
Nakaramdam ako ng kunting hiya. May point siya, di na niya kelangang magpaliwanag sakin.
"Sorry. Wag mo nalang akong pansinin."nagdiretso na ko sa paglalakad.
Ano bang sinasabi ko? Nakakahiya. Bakit nga naman niya kelangan pang magpaliwanag?
Napailing na lang ako.
Dire diretso ako sa paglakad ng biglang may humatak sa akin at naramdaman kobg nakakulong ako sa kanyang bisig.
Alam kong si Yohann yun dahil naamoy ko ang kanyang pabango na simula pa noong highschool ay gamit na niya. Hindi agad ako nakakilos.
"Baliw ka ba? Di moba nakitang may taong naglalakad?" Narinig kong sumigaw siya. Alam kong galit. Sa akin ba? Bago pa ko nakapagsalita ay may nauna na.
"Pasensya na po sir, di ko po sinasadya." Isang batang lalaki ang sumagot.
"Pano kung tinamaan siya? Kaya mo ba siyang ipagamot?" Galit pa ding wika ni Yohann.
"Sorry po." Napansin kong nanginginig ang boses ng batang kanyang pinapagalitan kaya kumawala ako sa pagkakayakap niya at hinarap yunh kausap niya.
Isang batang lalaki nga na sa tantiya ko ay nasa edad 10 palang.
"Pasensya na po ma'am, di ko po sinasadya kasi nagpapractice lang po akong magbike e di ko po---
"Okay lang hijo. Di--
"Anong okay lang? Pa--
"Yohann hindi naman ako tinamaan. Isa pa kasalanan ko din naman di ako tumitingin sa dinadaanan ko, tsaka nagsorry na yung bata. Sige na hijo, magbike ka na. Basta mag iingat ka lang huh?" Sabo ko.
"Sige po. Salamat po ulet." Nakangiting tumalikod yung batang lalaki at dahan dahang inakay ang kanyang bisekleta.
BINABASA MO ANG
Sister's Love
Teen FictionPROLOGUE Isang seryoso, positibo at may pangarap sa buhay ang bente kwatro anyos na dalagang si Sally. Wala siyang ibang hiling kundi ang mapaginhawa ang buhay ng kanyang nagiisang kapatid na si Cassy. Isang pangakong kanyang binitawan bago pumana...