At Sally's mind..
"Sure ka ba na hindi na kita samahan?" Tanong ni Bryan habang inaayos ko ang mga papeles ng bahay.
"Hindi na. Kung sasama ka e di wala ng mag aasikaso ng restaurant?"
"Sabagay. Basta mag iingat ka. Pag nakarating ka dun tawagan mo agad ako." Sabi niya.
"Oo sige. Tatawagan kita. Pakitawag naman si Cassy."
"No need na Ate cause I'm here na."
"Ayae mo ba talagang sumama Cassy? Makita mo man lang ang bahay." Ako.
"Di na. Maaalala ko lang yung memories natin nila mama doon e." Sabi niya.
"Sabagay." Kahit ako ayoko din kasi maaalala ko lang talaga sila.
"O ate natulala ka na?"
"Wala. May naalala lang ako. Pano? Alis na ako. Cassy wag masyadong mag aalis huh? Tulungan mo si Kuya Bryan dito."
"Asus. Di na kelangan. Dapat masanay siya kasi siya rin naman ang mamamahala nito e."
"Anobg ibig mong sabihin?"
"Kasi kayo din naman ang magpapakasal balang araw."
"Puro ka kalokohan. Sige na. Bye na. Bryan ingatan mo yang kapatid ko kundi malilintikanka sakin." Sabi ko.
"Don't worry ate anjan naman si Yohann e."
"E di lalo yang nag alala." Si Bryan.
"Bryan... basta wag ka mag aalis ng bahay. Okay?" Ako.
"Okay po ate. Bye." Niyakap ko ito at hinalikan.
"Bye."Sa byahe.
Gabi kami umalis ni manong sa bahay para madaling araw nandun na kami. Makakatulog pa ako bago dumating ang buyer.
"Ni hindi ko pala natanong ang pangalan nung buyer. Nakakahiya mamaya hindi ko alam ang pangalan."
Nasa barko na kami. Palibhasa matagal na akong di nakasakay ng barko medyo natatakot ako. Malalaki kasi ang alon tapos mahangin pa.
"Ma'am malapit na po tayo sa Abra, ilang minuto nalang." Sagot ng driver ng magtanong ako pagkagising ko.
"Nagugutom po ba kayo manong? Bibili muna ako ng makakain sa taas. Jan lang po kayo." Sabi ko bago bumaba.
Pag akyat ko natanaw ko kaagad ang ilaw sa pier ng abra. Nalibang tuloy akong mamasyal kaya nakalimutan kong bibili lang pala ako ng makakain. Nakadaong na ang barko ng bumalik ako sa kotse. Habang pababa ako ay parang maynarinig akong tumawag sakin.
"Sally."
Nagpalinga linga ako pero di ko nakita yung tumawag sakin dahil dumami na ang taong bumababa ng barko.
"Siguro imahinasyon ko lang yun." Sabi ko.At Yohann's mind..
Tama ba nakita ko?
"Sally." Para makasigurado ako kung si Sally nga yun tinawag ko siya. Nakasigurado lang ako ng tumigil ito at lumingon pero di na niya ako nakita kasi naharangan na ako ng mga nagbababaang tao.
"Sir sino tinawag niyo?" Si Edward.
"May nakita kasi akong kakilala ko e." Sagot ko.
"Baka kamukha lang." Sabi niya.
"Ewan."
"Halika na po kayo sir. Nagsisimula na pong umandar ang mga kotse sa baba baka mapagalitan tayo." Yaya niya.
"Okay. Susunod na ako."
Pero di ako pwedeng magkamali. Si sally talaga ang nakita ko. Kahit hibla yata ng buhok niya ang ipakita sa akin ay makikilala ko.
Pero ano gagawin niya sa Mindoro?Pasado alas3 ng madaling ng makarating kami sa bahay ng byanan nila Edward. Nagkape lang kami at natulog na ako. Di kasi ako nakatulog sa byahe. Sobra kong naenjoy ang paligid lalo na yung nasa barko kami. First time ko kasing sumakay ng barko kaya medyo nanibago pa ako.
Sa pagod ko sa byahe pasado alas otso na ako nagising.
"Sir gising na pala kayo. Magkape po muna kayo, sandali lang magtitimpla lang ako." Sabi ni Edward.
"Sige. Sige." Sabi ko.
Naglakadlakad muna ako sa harapan nila. Malapit nga lang sila sa dagat. Ang sarap ng simoy ng hangin pero parang nagkakaiba ang langit. Medyo madilim na parang nagbabadyang umulan.
"Sir heto ho." Isang batang babae ang nag abot sakin ng kape.
"Sino ka?" Tanong ko.
"Kapatid po ako ni Ate Cherry. Ako po si Chesca, 15 na po ako." Sabi niya.
"Aral mabuti huh?"
"Sige po. Teka po sir Yohann, sabi ni Kuya Edward bibilhin niyo daw yung bahay sa kabilang dulo doon. Bakit po?" Tanong niya.
"Wala naman. Para lang may pasyalan." Sagot ko.
"Alam niyo po ba ang may ari ng bahay na yan e ang babait? May anak silang dalawang babae. Yung isa nasa 20 na po yata pero yung bata 18 palang. Palagi sila noong pumupunta dito sa amin kasi nakikipag laro. Sayang nga lang kasi namatay na yung nanay at tatay nila kaya di na sila nagbabakasyon dito."
"Chesca."
"Inay."
"Naku pagpadensyahan niyo na po itong si Chesca madaldal ho talaga ire." Sabi ni Aling Ester.
"Okay lang po." Ako.
"Inay talaga."
"Maiwan ko na po kayo Sir. Mag aasikaso pa po kasi kami ng ipapadala sa bahay."
"Bakit po?" Tanong ko.
"Mababait kasi ang pamilyang nakatira noon jan. Kaya gusto kong bigyan ng kakanin."
"Ganun ho ba?" Ako.
"Naku. Mukhang may bagyo ah. Ang malas naman ng pagpunta niyo dito."
"Mabuti nga yun e, kung maiistranded kami dito makakapagpahinga pa ako." Nakatawa kong sabi.
"Sabagay ho. MagNda nga yun. Sige sir alis na kami ni Chesca."
"Sige po."
"Bye Sir Yohann." Sabi ni Chesca na kumaway pa.Maya maya dumating si Edward.
"Sir maligo na po kayo. Pasensya na ho kasi wala kaming shower, tabo tabo lang ang kaya namin." Nahihiyang wika ni Edward.
"Okay lang. Ano ka ba Edward. O sige, maliligo muna ako at puntahan na natin yung bahay."
"Sige. Teka sir, may nakita po ba kayong card sa desk niyo? Naiwan ko po kasi yung number doon ng may ari ng bahay."
"Wala e. Tawagan mo si Joey baka may nakita siya. Sige maliligo na ako." Sabi ko.
"Sige ho sir."
Pagpasok ko sa banyo natawa ako.
"Talaga ito si Edward, inigiban pa ako ng panligo. Masyado akong ginagawang VIP."
Natatawa kong sabi.
"Hay Edward. Edward." Naligo na ako. At katulad ng sabi ni Edward tabo tabo nga ang gamit. Pero masarap maligo, ang lamig ng tubig. Halatang fresh kesa sa maynila kung anong klaseng chlourine na ang ihinahalo sa tubig.
BINABASA MO ANG
Sister's Love
Teen FictionPROLOGUE Isang seryoso, positibo at may pangarap sa buhay ang bente kwatro anyos na dalagang si Sally. Wala siyang ibang hiling kundi ang mapaginhawa ang buhay ng kanyang nagiisang kapatid na si Cassy. Isang pangakong kanyang binitawan bago pumana...