#SLFightYohannFight

16 0 0
                                    

Hindi pa rin gumigising si Sally. Ano na kaya nangyayari sa kanya?
Hindi ako mapalagay lalo na't ganoon ang kalagayan ni Sally. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.
"Yohann." Si Cecil.
"Cecil." Ako.
"Kumusta siya?" Alalang tanong ko.
"Natutulog pa din siya hanggang ngayon." Sagot niya.
"Kasalanan ko kapag may nangyaring masama sa kanya at sa baby niya."
"Alam mo na?" Takang tanong ni Cecil.
Tumango ako.
"Sinabi sakin ni Brya na magkakaanak na sila at alam ko na ding ikakasal na sila." Sabi ko.
"Ikakasal? Sino nagsabi sayo? Walang planong magpakasal si Sally kay Bryan."
Napatingin ako kay Cecil.
"What do you mean?" Ako.
Napabuntong-hininga si Cecil.
"Alam kong magagalit sakin si Sally kapag nalaman niyang sinabi ko sayo ito. Pero naaawa na talaga ako sa lagay niya, oo buntis siya at hindi si Bryan ang ama."
"Hindi si Bryan? Kung ganun sino? Ako ba Cecil? Akin bang anak ang dinadala niya?"
"Oo Yohann. Nung una palang, walang nangyari sa kanila ni Bryan dahil hindi naman niya mahal si Bryan. Ikaw ang totoong mahal niya, simula pa noon."
"Ako? Pero sabi niya sakin, pinaglaruan niya lang ako. Hindi niya ako minahal Cecil, hindi."
"Naniwala ka naman? Tingin mo ba kayang gawin ni Sally ang lahat ng yun? Minahal ka niya noon at hanggang ngayon. Alam kong pansin mong nagseselos siya tuwing inaasikaso mo si Cassy. Yohann, mahal na mahal niya ang kapatid niya kaya nagawa niyang magsinungaling sayo. Pero alam mo bang halos araw araw umiiyak siya . Araw araw nadudurog ang puso niya."
Tama! Mahal ako ni Sally. Minahal niya ako at hindi niya ako niloko. Ang tanga tanga ko, bakit hindi ko nakitang nagsisinungaling lang siya? Bakit hindi ko napansin yun?
"Salamat Cecil, salamat."
Ngayong alam ko na hinding hindi ko na siya pakakawalan. Ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin. Hindi ako papayag na mapunta siya kay Bryan.
"Sally, ipaglalaban kita."
"Ipaglaban mo siya Yohann. Umaasa akong magiging masaya siya. Okay lang na magalit siya sa akin basta ang mahalaga matapos na ang kasinungalingan niyang siya rin naman ang nagdudusa."
"Pangako Cecil. Gagawin ko ang lahat para ipaglaban siya. Salamat sayo. Salamat talaga. Ngayon, dalawa na sila kaya mas dapat ko siyang ipaglaban."
"Umaasa ako sayo."

At Sally's mind..
Nagising ako dahil hilong hilo at nasusuka pa kaya nagmadali akong bumangon at nagpunta sa banyo.
"Sally anong nangyari?" Kinatok ako ni Bryan sa banyo.
Sandali lang at lumabas na ako.
"Okay ka lang? Wala bang masakit sayo? Yung tiyan mo di ba nasakit?" Sunod sunod na tanong ni Bryan.
"Okay lang ako. Nahilo lang ako."
Inalalayan ako ni Bryan na humiga ulet.
Maya maya naalala ko kung ano ang dahilan kung bakit ako nawalan ng malay.
Yun ay dahil alam na ni Yohann na buntis ako at ikakasal na daw ako kay Bryan.
Tumayo ako at sinampal si Bryan.
"B-bakit Sally? Anong nagawa ko?"
"Bakit sinabi mo sa kanyang buntis ako?" Galit na tanong ko.
"Bakit ba ayaw mong sabihin sa kanya? Wag ka mag alala dahil sabi ko ako ang ama ng anak mo at wala akong nakitang pagdududa sa mukha niya. Isa pa... sinabi ko ding ikakasal na tayo." Sagot niya.
"Bakit mo ginawa yun?"
"Dahil mahal kita. Ayaw kong makitang nasasaktan ka dahil nasasaktan din ako." Sagot niya.
"Kung mahal mo ako, hinidi mo sana ako pinangunahan. Isa pa nasabi ko na sayo, ayokong panagutan mo ang bata dahi--
"Dahil hindi ko naman pananagutan? So ano gusto mong sabihin? Si Yohann ang mananagot? Alam nating lahat na pinangakuan na ni Yohann si Cassy ng kasal. Kaya ang mabuti pa, tanggapin mo na ang pag ibig ko. Pangako, hindi kita pababayaan. Mahal na mahal kita, simula pa noon hanggang ngayon. Kahit nasasaktan ako tuwing makikita kitang tinitingnan ang larawan ni Yohann noon di pa din kita iniwan. Alam mo kung bakit? Dahil umaasa akong matatanggap mo din ako." Sabi niya.
"Pero Bryan..."
"Alam ko Sally, hanggang ngayon mahal mo pa din siya. Tutulungan kitang kalimutan siya. Patutunayan ko sayong mas karapat dapat ako kesa sa kanya sa pagmamahal mo. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon Sally, yun lang ang hinihiling ko sayo. Pangako, hindi ka magsisisi." Sabi niya bago ako niyakap.
Habang naiisip ko ang lahat ng pinagsamahan namin ni Bryan hindi ko mapigilang wag maawa sa kanya. Ilang taon na niya kaming tinutulungan at kahit isang pabor wala pa akong napagbigyan sa kanya. Ito na kaya ang pagkakataon para makabawi sa kanya? Ang magpakasal at tanggapin ang pag ibig niya? Kaso alam ko sa sarili kong mahihirapan akong palitan si Yohann sa puso ko dahil siya naman talaga ang mahal ko. Pero, sinabi naman ni Bryan na tutulungan niya akong kalimutan si Yohann. At kapag nangyari yun, si Cassy ay magiging masaya na. Iyon lang ang gusto ko, ang maging masaya ang nag iisa kong kapatid. Pinangako ko kay mama at papa na gagawin ko ang lahat para sa kanya. Gagawin ko kahit iyon pa ang maging dahilan ng paghihirap ko.
"Bakit ka umiiyak Sally?"
"Huh?"
"Umiiyak ka." Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.
"Salamat." Sabi ko.
"Sana pag isipan mo ang mga sinabi ko."
"Sige. Pag iisipan ko." Sagot ko.
"Salamat. Salamat."
Nakita ko ang sayang bumabalot kay Bryan ng mga oras na ito. Masayang masaya siya.
"Salamat Sally." Muli niya akong niyakap.
"Bryan, salamat kasi hanggang ngayon nanjan ka pa rin sa tabi ko. Salamat kasi hindi mo kami iniwan."
"Hinding hindi ko gagawin yun. Ikaw at si Cassy ang pamilya ko, mahalaga kayo sa akin."
"Nakokonsensya ako kasi , sobra ka na palang nasasaktan ng dahil sakin. I'm sorry."
"Okay lang. Wag mong isipin yun, mahal kita at kakayanin ko ang lahat ng sakit para sayo. Ikaw ang buhay ko, hindi ko kayang wala ka."
"Salamat. Simula nung mamatay si mama at papa, ikaw na ang naging sandalan ko. Tuwing nagkakaproblema ako lagi ka lang nanjan at tinutulungan ako. Palagimo akong nakikitang malungkot, palaging ikaw ang nahihingan ko ng pabor. Pero kahit minsan hindi man lang kita natulungan o napasalamatan, palagi pa kitang sinasaktan. Hindi ko iniisip kung ano ang nararamdaman mo, palagi ko lang yun binabalewala. I'm sorry Bryan." Sabi ko.
"Don't say that. Hindi mo kailangang humingin ng sorry. Willing ako, anytime na kailanganin mo ang tulong I'm always here for you. Wag mo sana kalilimutan yun."

Sister's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon