#SLSchoolMate </3

10 1 0
                                    

At Yohann's mind.
"Ano pare kelan mo balak puntahan si Sally?" Tanong ni Joey.
"Mamaya na kung gusto mo. After cutting of ribbon." Sagot ko.
"Talaga lang huh? Sige sige." Natatawang sabi niya. Confident siyang hindi ko magagawa yun. Well lets see.

Dumating na ang lahat ng guests kaya nagsimula na ang cutting of ribbon.

Kumuha ako ng wine at nagpunta sa taas.
"Kuya Yohann." Narinig kong tawag sakin ni Ivy.
"Ivy." Lumapit ito at may kasamang dalawa pang babae. Napatitig ako sa katabi niya she's familiar. Nakita ko na ba siya before?
"Kuya friends ko pala. Si Cassy at Thea."
"Hi po Kuya Yohann nice to meet you." Cassy. Siya yung familiar sakin.
"Just Yohann. Di naman siguro nagkakalayo ang edad natin diba?"
"Hoy Kuya. Anong hindi. 6 years kaya ang age gap niyo."
"Ganun ba?" Natatawa kong sabi.
"24 ka na? Kaedad mo yung ate ko." Wika ni Cassy.
"Really? Where is she?" Tanong ko bago uminom ng wine.
"Nasa restaurant namin. Busy kasi palagi yun e." Sagot niya.
"Bakit hindi mo isinama dito para makilala ko?"
"Si Ate sasama para makipagkilala sa isang lalaki? No way. Nakasulat na yata sa libro na forever single si Ate Sally."
Ate Sally? Napatitig ako kay Cassy. Tama!! May hawig siya kay Sally. Siya yung kapatid ni Sally na nakita ko sa picture 6 years ago.
"Oh kuya bakit natahimik ka?"
"Ah. Wala. May naalala lang ako."
Ring..... Ring.....
"Excuse me. Tumatawag ang ate ko." Sabi ni Cassy.
Napatingin ako sa cellphone na hawak ni Cassy. Parang gusto ko yung agawin para marinig ang boses ni Sally.
"Yohann what are you doing here?" Sigaw ni Joey kaya napalingon kami lahat.
"Kuya Joey hi." Bati nung tatlo.
"Cassy?"
"Hi Kuya Joey." Bati niya pagkababa ng cellphone.
"Buti pinayagan ka ng ate mo na pumunta dito?" Tanong ni Joey.
"Bakit naman hindi? Palagi naman ako nung pinapayagan basta kasama ko si Thea."
"Napakaprotective nga ng ate niyan e. Bini-baby siya." Natatawang sabi ni Thea.
"Alis na kami Kuya Joey, Kuya Yohann. Bye." Halos sabay pang paalam ng tatlo.
Pagkaalis nila.
"Akala ko ba ngayon mo na pupuntahan si Sally?"
"Bakit excited ka? Ang haba pa ng araw para jan." Sagot ko.
"Alam mo maganda siguro magpresenta ka na ikaw nalang ang maghatid kay Cassy para makita mo na si Sally. Tingin ko kasi gustong gusto mo na siyang makita."
Napailing nalang ako habang tumatawa.

At Sally's mind.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Bryan.
"Susunduin ko si Cassy. Gabina kasi di pa umuuwi e." Sagot ko.
"Nga pala aalis na ko. Dumating kasi si mommy." Paalam niya.
"Sige. Mag iingat ka."
Nakaalis na si Bryan kaya nagpunta na ako sa kotse ko.

Di pa ko nakakalayo ng makita ko si Cassy sa tapat ng bakery na yakap sa likod ng isang lalaki.

"Anong ginagawa niya sa kapatid ko?"

Agad kong tinigil ang kotse at patakbong pinuntahan ang kinaroroonan nila.

"Hoy anong ginagawa mo sa kapatid ko? Walang hiya ka!!! " hinila ko si Cassy sa kamay.

"Ate??"

At Yohann' mind.
Nagmamaneho ako ng kotse para ihatid si Cassy ayon sa utos ni Joey. Excited kasi yun e.
"Kuya --- este Yohann. Pwede ba kong bumili muna ng ensaymada? Paborito kasi yun ng Ate ko e." Pagbasag niya ng katahimikan.
"Okay." Itinigil ko ang kotse.
"Sandali lang ako." Nakangiting sabi,niya.
Ensaymada? Hindi pa rin siya nagbabago hanggang ngayon matakaw pa din siya sa tinapay na yun.
Maya-maya lumabas na ng bakery si Cassy. Madami siyang dalang supot at tubig kaya bumaba akopara tulungan siya. Nang aabutin ko na yung tubig ay bigla siyang natampilok.
"Ayyy!"
Buti na lang at malapit na siya sa akin kaya nasalo ko yung likod niya kaso naglaglagan yung mga pinamili niya.

"Okay ka lang?" Tanong ko.

Nakangiti siyang tumingin sa akin. Di pa siya nakakasagot ng biglang may humatak sa kanya na ikinagulat naming dalawa.

"Hoy anong ginagawa mo sa kapatid ko? Walang hiya ka.."

"Ate?"

Hindi agad ako nakaimik ng marinig ang sinabi ni Cassy. Pero agad din akong nakabawi.

"Sally." Sabi ko.

Inis na tumingin sakin si Sally. At halatang nagulat ng makita ako.

"Yo-yoh-ann?"

"Hi. Nice to see you again." Nakangiti kong sabi.

"Magkakilala kayo?" Takang tanong ni Cassy.

"Huh? Aaa---"

"Yeah. We're school mate. Right? Sally?"

"Huh? A. Oo Cassy. S-school mate kami." Sagot niya.

Sandaling nabalot ng katahimikan kaming tatlo.

"Tara na Cassy. Late na." Basag niya na agad tumalikod at naglakad.

"Bye Yohann. Thank you." Kumindat pang sabi ni Cassy.

Tumango ako at ngumiti sabay sabing "Ingat."

At Sally's mind.
School mate?

Ang bilis ng tibok ng puso ko. pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga. Bakit kelangang makita ko siya ngayon?
"Ate are you okay? Wala naman siyang ginawa sakin. Ang totoo niya natampilok kasi ako buti na nga lang at nandun siya e. Ang cool diba? Para nga akong prinsesa nung hawaka niya ako sa likod e. So romantic!!!"
Napatingin lang ako kay Cassy na nagdedaydreaming pa yata.

Sister's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon