At Sally's mind.
Nakakainis. Bakit kelangang magflashback pa ang tagpong iyon? Dapat nakalimutan ko na pero bakit parang kahapon lang nangyari kung maalala ko ang bawat detalye at pangyayari?
Nagmamaneho na ko papunta sa bahay ni Cecil ng madaanan ng aking mata ang kotseng nakapark malapit sa mini stop at ang lalaking palabas ng kotse. Muntik na ko ng mabangga ang ang poste kaya napahinto ako at napasubsob.
"Tama ba ang nakita ko?" Bumilis ang tibok ng aking puso na para bang hinahabol ng sampung kabayo.
"Hindi. Hindi. Nasa america siya at hindi na siya babalik sa lugar na ito." Nagpatuloy na ako."Bakit ngayon kalang? Kanina pa kita hinihintay." Bungad ni Cecil.
"Namalengke pa kasi ako e." Sagot ko. "O ano pala yung sasabihin mo?" Tanong ko.
Ngumiti siya.
"Im sure mapapatalon ka sa tuwa Sally sa ibabalita ko sa iyo."
"Talaga? Bakit? Nanalo ba ako ng 100million sa lotto? Inaya ba akong magdinner date ng Hari ng England? Pupunta ba sa restaurant ko ang presidente natin at ipopromote niya sa ibang bansa ang mga luto namin?"
"Matindi pa dun Sally." Nakangiti pa ding sagot niya.
"O e ano na nga yan? Pinapaexcite mo pa ko."
"Nasa Pilipinas si Yohann!!!" May padairit pang sabi niya.
"Si Yo-yoh-a-an na-ndi-to?" Nauutal kong tanong.
"Oo mare. At balita ko pa dito na siya mag iistay for the rest of his life. Ibig sabihin, dito na siya makakapag asawa at ibig sabihin pwede niyo ng ituloy ang naudlot niyong lovestory nung college tayo."
"Alam mo Cecil, pastis past. Tapos na kami at sigurado ako di na niya ako natatandaan. That was 6 years ago at tingin mo ganun ako kaspecial para maalala pa niya?" Sagot ko.
"Ang nega mo naman. Diba sabi ni Tita always think positive?"
"Hindi iyon pagiging nega. Reality yun, okay? Tsaka nakalimutan ko na siya. Wala na siyang lugar sa puso ko."
"Ganun? Sayang. Bukas pa naman ang grand opening nung pinatayo niyang court para sa mga gustong magaral ng basketball. Yayayain pa naman sana kita."
"Ang mabuti pa kalimutan mo na yang Yohann na yan at magpokus ka sa buhay mo. Walang maitutulong sayo ang pag iisipsa ibang tao. O sige na I have to go hinihintay na ko ni Cassy sa bahay."
"Okay ingat. Pero kung magbago ang isip mo just call me."
"Okay okay."At Bryan's mind.
Tama ba ang narinig ko? Si Yohann nagbalik sa pilipinas?
Nahinto ako sa pagmumunimuni ng makita kong dumating ang kotse ni Sally.
"Baby." Sigaw ko habang palapit sa kanya.
"Si Cassy?" Agad niyang tanong.
"She left an hour ago. Why are you so long? Where have yoy been?" Tanong ko.
"Nagpunta lang ako kay Cecil. Sandali at magbibihis muna ako.... Edwin kunin mo yung mga pinamili ko sa kotse." Sigaw niya bago patakbong tinungo ang kanilang bahay na katabi lang ng kanilang restaurant.
Alam na kaya niya na bumalik si Yohann? Hanggang ngayon kaya si Yohann pa din ang laman ng puso niya? Paano kung magkabalikan sila? Hindi. Hindi ako paayag na mangyari yun. Alam kong hindi na sita mahal ni Sally. Sarado naang puso ni Sally para sa kanya. Ako ang karapat dapat na mahalin at makasama niya habambuhay.
BINABASA MO ANG
Sister's Love
Teen FictionPROLOGUE Isang seryoso, positibo at may pangarap sa buhay ang bente kwatro anyos na dalagang si Sally. Wala siyang ibang hiling kundi ang mapaginhawa ang buhay ng kanyang nagiisang kapatid na si Cassy. Isang pangakong kanyang binitawan bago pumana...