At Yohann's mind.
Pagkagaling ko sa mini stop dumiretso ako sa condo ng kaibigan ko. Kakadating ko lang from America. Pinatapon ako dito ng lolo kong Amerikano kasi daw wala akong kwenta. Favor naman sakin yun. At the first place, sila yung pumilit sakin na manirahan sa States. At dahil ayaw ko talag doon nagpakabarumbado ako. Gimik dito. Gimik doon. Babae dito. Babae doon. Away dito. Away doon. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na kong natulog sa kulungan sa sobrang dami. Buti nalang ninong ko ang hepe doon kaya napapalabas agad ako. Pero di puro bakasyon ang sadya ko sa Pilipinas. Pinapili kasi ako ni Lolo. Mag istay ako doon pero tutulong ako sa Business nila at babalik ako dito pero may aasikasuhin din akong business. Bukas na nga ang opening e. Pinabahala ko na kay Edward ang lahat. Siya na bahala. Nasa kamay niya ang ikagaganda ng negosyo ko.
"Bakit biglaan ang pagpunta mo dito? Tanong ni Joey.
"Hindi ito biglaan. Matal ko na itong pinag isipan." Sagot ko bago uminom ng beer.
"Almost 6 years ka din nawala. But look at the place nothing has change. Mga tao lang siguro ang nagbago. Kagaya ko, ang dating playboy ngayon ay happy and contented husband and father." Nakangiting wika nito at tinuro pa ang family picture nila ng kanyang wife na si Cindy at ang kanyang unica hijo na si Jasper.
"Kung hindi mo ginayuma si Cindy tingin mo mag asawa kayo ngayon?" Natatawa kong tanong.
"Abnormal ka talaga. E ikaw? Ginayuma mo na nga't lahat si Sally pero kanino pa rin siya sumama? Sa childhood sweetheart niyang si Bryan. At wala kang nagawa doon kundi ang tingnan silang dalawa papalayo."
Bahagya akong napangiti. Si Sally. Ang nag iisang babaeng minahal ko. Ang dahilan kung bakit naging matinong tao ako at ang naging dahilan din para maging patapon ang buhay ko.
"Pare ang alam ko single na ulet si Sally. Ano balak mo?" Tanong ni Joey. Tumingin ako dito at sabay tumawa.
"Anong sinasabi mo? Nakaraan na siya at ang past di na binabalikan." Sagot ko.
"Talaga lang huh? Maniniwala sana ako kung hindi ko lang nakita yang kislap sa mga mata mo ng mapag usapan si Sally.
Napailing nalang ako.
"Yohann kilala na kita. At alam kong simula sa simula kay Sally ka lang tinamaan ng husto. Apak sa pride yung ginawa sayo ni Sally hindi ba? Isipin mo, heartthrob ng school ipinagpalit lang sa isang nerd na lalaki?"
"Joey past is past. Hindi na natin kelangangpag usapan ang mga walang kwentang bagay. Okay sige. Napaikot niya ko pero di na mangyayari yun dahil iba Yohann na ang nasa harap mo."sagot ko.
"O sige. Kung talagang ibang Yohann ka na at di mo na siya gusto puntahan mo siya sa kanila at mangamusta ka."
"Bakit ko gagawin yun? Sinayang niya ko bakit lalapitan ko siya?"
"Thats what I said. Hindi mo pAAA siya kayang makaharap dahil ang totoo until now you are still inlove with her, am I right?"
Natawa ako.
"Okay. I'll go. Para mapatunayan kong nagkakamali ka."
"Okay. Lets see. Balita ko pa naman mas lalong gumanda at sumesxy si Sally ngayon. Baka naman pag nakita mo siya ulet lumuha na naman yang mata mo like before."
"Lumuwa your face. Pero tingin ko mas maganda kung magpustahan tayo."
"Pustahan? Pagpupustahan natin si Sally?" Takang tanong ni Joey.
"Yup. Just for fun. Habangnag uusap kasi tayo may nabuong idea sa isip ko. Sa halip na kumustahin ko lang siya, bakit hindi natin subukang paibigin ulet siya sakin? At pagnagawa ko yun magtatrabaho ka sakin ng isang buong taon ng walang sweldo at pag ikaw ang nanalo sagot kita for 1 year. Ano deal?" Ako.
"Maganda yang naisip mo. Pero pagnalaman ni Sally na pinagpupustahan natin siya tiyak magagalit yun at madadamay pa ko."
"Duwag ka pala e. Kanina lang ang yabang mo. Ano naman kung malaman niya? Tsaka di naman mangyayari yun kung di mo sasabihin." Sagot ko.
"O sige. Ikaw bahala. Pero kapag nabulilyaso yang plano mo labas ako jan."
"Okay okay. Hanggang ngayon takot ka pa din kay Sally." Natatawa kong sabi.Gabi na ng umalis ako sa bahay nila. Hinintay ko pa kasing dumating yung magina niyq para mangamusta na din at imbitahin sa opening ng business ko.
BINABASA MO ANG
Sister's Love
Teen FictionPROLOGUE Isang seryoso, positibo at may pangarap sa buhay ang bente kwatro anyos na dalagang si Sally. Wala siyang ibang hiling kundi ang mapaginhawa ang buhay ng kanyang nagiisang kapatid na si Cassy. Isang pangakong kanyang binitawan bago pumana...