At Sally's mind..
Ilang minuto na akong naghihintay sa park pero wala pa din si Yohann.
"Anong oras na. May lakad pa ako."
Sana hindi siya naabutan ni Cassy dun.
Tatawagan ko sana ulet si Yohann ng magtext si Bryan.
[Bryan:"Baby there's someone looking at you."]
[Ako:"okay. Pauwi na ako.]
Nagmasid muna ako baka padating na si Yohann pero ng wala akong makita ay sumakay na ako g kotse.Sa restaurant..
"Sino naghahanap sakin?" Tanong ko sa sinalubong akong si Bryan.
"Hayun oh. Di ko kilala e." Sagot niya at tinuro yung lalaking nakaupo.
"Okay. Salamat." Sabi ko.
Nilapitan ko yung lalaki.
"Sir what can I do for you?" Tanong ko pagkalapit.
Tumayo ito.
"Ikaw po ba si Sally Monasterio?" Tanong niya.
"Opo. Ako nga. Bakit ho?" Tanong ko.
"Hi Ma'am Sally. My name is Edward Caliso, Cherry's husband."
"Ate Cherry Santos?"
"Yes ma'am."
"Maupo po kayo." Sabi ko. Si Ate Cherry ang naging care-taker ng aming bahay sa Mindoro. Pero simula nung mamatay sila mama di na kami nagbakasyon dun.
"Bakit ho? May problema ba sa bahay?" Tanong ko.
"Wala naman. E kasi.. yung amo ko gustong bilhin ang bahay niyo." Sabi niya.
"Gustong bilhin? Nakita na ba niya?"
"Hindi pa po. Gusto niyang puntahan kung papayag kayo.""
"Okay. I'll think about it." Sabi ko.
"Sige po ma'am mauna na po ako. Kelangan ko na ding pumasok sa trabaho."
"Okay. Wait... call me." Sabi ko at inabot ang card ko.
"Okay ma'am."
Pagkaalis ni Kuya Edward nilapitan ako ni Bryan.
"Bakit daw?" Tanong niya at binigyan ako ng juice.
"Tungkol sa bahay." Ako.
"Anong nangyari? Nagkaproblema ba?" Siya.
"Wala naman. Pero may gustong bumili." Sagot ko.
"That's good. Para naman di masayang. Mapapakinabangan niyo." Sabi niya.
"Pero pinamana yun samin nila mama e." Sabi ko.
"Di niyo na naman naaasikaso diba? Kung nandito si Tita mas gugustuhin niyang ibenta yun kesa mabulok nalang."
"Itatanong ko muna kay Cassy kung gusto niyang ibenta. Baka kasi kapag gusto naming magbakasyon wala na kaming matuluyan." Ako.
"Di naman siguro ganun kadamot yung makakabili ng bahay niyo para di kayo patuluyin dun."
"Sana nga."At Yohann's mind..
Kadadating ko lang sa park. Late na ako ng one hour. Pero wala doon si Sally, malamang umalis na.
Umisip pa kasi ako ng paraan para makatakas kay Cassy.
"Hello Edward?"
"Sir good news. Nakausap ko na ang may ari ng bahay, tinanong ko kay Cherry kung ano ang pangalan nung anak ng may ari. At sabi pag iisipan daw niya." Sabi niya.
"Sige. Mag set ka ng date para makausap ko siya."sabi ko bago binaba ang cellphone.Bumalik na ako ng office.
"Hi Sir." Bati ng sekretarya ko.
"Hello." Ako.
Pagpasok ko sa opisina ko ay nandun si Joey nakaupo sa upuan ko.
"Akala ko ba aalis ka na? Bakit bumalik ka na naman?" Tanong ko.
"Anong nangyari? Nagkita ba kayo?"
"Wala na siya nung dumating ako."
"Kasi inuna mo pa si Cassy. Tell me Yohann, what's the real score between you and Cassy?"
"Anong sinasabi mo? Magkaibigan lang kami. At wala akong balak na ligawan siya, napakabata pa niya." Sagot ko.
"Pero tingin ko special ka kay Cassy. Mukhang si Cassy ang nahuhulog sayo kesa kay Sally ah. Parang mission failed ah?"
"Its not over. Nagsisimula palang ako."
"Well. Good luck. Wag naman sanang ikaw pa ang maging dahilan ng pagkakasira ng magkapatid."
"Hindi yun mangyayari, I'm telling you."
"By the way, I heard may bibilhin kang bahay sa probinsya? Mindoro, am I right?"
"Yep. Naisip kong kelangan kong mag relax."
"Magrelax? Baka naman gusto mo lang magkaroon ng bahay na pwedeng ibahay si Sally."
"Idiot."At Sally's mind..
"Really? That's good ate." Sabi ni Cassy matapos kong sabihin sa kanya.
"Di ka ba nanghihinayang sa bahay at lupa?" Tanong ko.
"Ate mas manghihinayang ako kung mabubulok lang yun ng hindi napapakinabangan. Mas mabuti pabg ibenta nalang yun atleast maaalagaan pa." Sagot ni Cassy.
"Sabagay. Tama ka nga. Bukas ayusin ko na ang papeles ng bahay para masabi ko na kay Edward." Sabi ko.
"Nga palq ate, pinapunta ko si Yohann dito."
"Bakit?" Tanong ko.
"Inaya ko siyang dito na magdinner. Kaya magluto ka ng masarap ah?" Sabi niya.
"Bakit dito sa bahay?" Ako.
"Diba gusto kong makilala pa natin si Yohann? That's my way to prove to you na mabait siya." Nakangiting wika niya.
Tumingin nalang ako sa kanya.
Baka kasi pag kinontra ko ay mag away lang kami. Wala pang bagay na hiniling niya sakin ang hindi ko ibinigay sa kanya. Pano kung hilingin niyang maging boyfriend si Yohann? Ano gagawin ko? At paano pag nalaman niyang si Yohann ang first boyfriend ko?
"Ate ano problema?" Tanong niya.
"Wala naman."
"Ate Sally maliligo muna ako, maya maya kasi dadating na si Yohann baka abutan niyang ganito ang itsura ko madisappoint siya." Nakangiting umalis si Cassy.
Kung hahayaan ko kayang maging maayos si Cassy hindi kaya siya magugustuhan ni Yohann? Simple lang kasi ang gusto niya sa babae.. pero that was 6 years ago. Pano kung pati taste niya nagbago na?
BINABASA MO ANG
Sister's Love
Teen FictionPROLOGUE Isang seryoso, positibo at may pangarap sa buhay ang bente kwatro anyos na dalagang si Sally. Wala siyang ibang hiling kundi ang mapaginhawa ang buhay ng kanyang nagiisang kapatid na si Cassy. Isang pangakong kanyang binitawan bago pumana...